Pages - Menu

Friday, June 10, 2011

Kard's Amazing Stories II

Wow. Hindi ko akalain na babalik ulit ako dito para magkwento. Naglagay kasi ako nung mga shit counter sa blog ko, at napansin ko na nadagdagan ang 10 pagbisita na ginawa ko. Naging 12 na! Ibig sabihin may dalawang tao ang biglang naligaw sa fresh na fresh na blog ko. Siguro si Kathryn 'yun, tapos dalawang beses n'yang binasa. Nakakakilig.

Kinabukasan pagkatapos kong ipublish 'yung kauna-unahang post ko, tinanong ko si Kathryn  kung nabasa n'ya at kung papasa na akong maging idol writer n'ya. Sabi n'ya hindi daw. Paano raw n'ya mababasa, hindi naman daw n'ya alam ang URL ng blog ko. Oo nga naman tama s'ya, hindi ko nga naman ibinigay sa kanya. Ibig sabihin, ako lang din pala 'yung dalawang nadagdag sa counter shit ng blog na 'to. Ako lang din pala ang nakakakita ng mga pinagsususulat ko dito. Hayaan na lang siguro natin, mas okay siguro 'yun. Mas malaya.

Muli kong binalikan 'yung mga isinulat ko. Marami pala akong hindi nasabi tungkol kay Kathryn. Tungkol sa babaeng gusto kong tawaging baby. Alam kong baduy, baduy naman talaga ang pag-ibig diba? Isa pa, aminado rin namang baduy din ako kahit pa lagi kong sinasabi sa sarili ko na cool ako at kakaiba. 'Yun kasi ang sabi nila. Nasabi ko na ba na mas maganda at cute si Kathryn sa malapitan? Kapag hahalikan ko s'ya ay lalo s'yang gumaganda. Nakakagayuma. Parang ayaw mong tumigil sa paghalik. Oo nga, dalawang araw pa lang kaming nagkakasama ay naging "kami" na. Dalawang araw pa lang kaming nagkikita, nahalikan ko na s'ya. Tinanong ko s'ya kung bakit s'ya pumayag, hindi raw n'ya alam. Kakaiba raw ang pakiramdam kapag kasama n'ya ako. Ako raw 'yung lalaking gustong gusto n'ya. Kinikilig na naman ang betlog ko.

Bago naging kami ay maraming tanong na hindi ko naikwento sa unang post na ginawa ko dito. Tinanong ko s'ya kung sigurado ba talaga s'ya sa isang katulad ko? Kung hindi ba s'ya natatakot na baka masaktan lang s'ya tulad ng ibang nakarelasyon ko? Tinanong ko s'ya kung handa ba talaga s'yang pumasok sa mundo ng isang taong katulad ko.

Natatakot daw s'ya. Pero kung hindi naman daw n'ya susundin ang puso n'ya ay siguradong malulungkot at maiiyak s'ya. Habang sinasabi n'ya 'yun ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong teenager na nakarinig ng napakatamis na mga salita sa unang pag-ibig ko. Alam kong masyadong pang maaga para sabihin 'to, pero unti-unti nahuhulog na ang loob ko sa babaeng 'to.

Pagkatapos naming maghiwalay noong pangalawang araw ng pagkikita namin, noong ibinigay n'ya sa akin ang green brief na si Maliksi, namiss ko agad s'ya. Ang ngiti n'ya na kayang tumunaw ng isang blokeng yelo sa loob lang ng ilang segundo. 'Yung mga patay na sandali, na alam mong kaya hindi s'ya nagsasalita dahil hindi n'ya alam kung paano sasabihin ang mga salitang makapaglalarawan sa tamis ng nararamdaman n'ya. Malalaman mo na lang na masaya s'ya dahil sa kakaibang ngiti sa mga mata n'ya. Ang titig n'ya na kahit mismo ikaw ay matutunaw. Ang malambing n'yang tinig kapag sinasabi n'ya na gusto n'ya akong yakapin at halikan. Napakasarap makaramdam ng ganito. 'Tong pakiramdam na matagal kong hindi nadama.

Tulad ng mga pangkaraniwang teenager, halos buong araw din kaming magkausap sa telepono. Hindi ako ganito. Wala akong hilig sa text. Pero dahil gustong gusto ko s'yang makausap, nakatagal ako sa buong araw na pagpindot sa telepono ko. Ganun ba talaga kaespesyal ang nararamdaman ko sa babaeng 'to? Siguro nga. Dahil maging ako nararamdaman ko rin na espesyala ang pagtingin na ibinibigay n'ya sa tulad ko.

Ooh Kathryn, anong gayuma ang meron ka? Sinasabi mong nagayuma kita, pero kung alam mo lang, nagayuma mo rin ako. Sabik na sabik na ako sa muli nating pagkikita. Gusto ko ng ipadama 'yung isang libong halik na ipinangako ko. 'Yung madaming yakap na ibibigay mo.

Hindi sapat ang mga letrang 'to para ipahayag ko sa'yo ang tunay na ligayang idinulot mo. Sana tuyo na 'yung brief na regalo mo, nilabhan ko kasi. Gusto ko kasing makita mong suot ko 'yun sa muling pagkikita natin. Parang ang laswa, pero para saken sobrang cute ng ginawa mong pagreregalo ng bagay na 'yun. Bukod sa nanay ko, ikaw pa lang ang babaeng nakapagbigay ng ganun sa'ken.

BRB. Maliligo na ako at paplantsahin ko pa 'yung brief. Makikita ko na ulit si Kathryn.

Ang batang Maliksi,

Karding

5 comments:

  1. kardiiiiiiiiingggggg!!

    inlove na inlove kaa ah!!

    ReplyDelete
  2. At talagang inabangan ko ang kasunod.. parang napipicture ko sa kay kards si Mr.Suave..hehehe..At talagang ang green na brief kasama pa din..

    =)

    ReplyDelete
  3. nakakakilig naman...

    ReplyDelete
  4. KARDiNG,

    ikaw na an inlove. HAHAHAH!
    enjoy ako sa pagbabasa ng mga blog mo.:)

    ReplyDelete