Pages - Menu

Sunday, June 26, 2011

Kard's Amazing Stories IV

Long time no see sa tatlong readers ng blog ko. Paano ko ba sasabihin 'yun ng tama, e hindi naman talaga tayo nagkikita-kita dito. Ganito na lang, welcome back sa sarili ko! Alam mo ba na hanggang ngayon nalilito pa rin ako kung may nagbabasa ba talaga o ako lang ang nakakaalam ng blog na 'to. Anyways, tuloy ang ligaya. Tuloy ang pagbablog ko para kay Kathryn at ilang shits sa buhay ko.

Noong minsang nag-usap kami ng isa sa malapit kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Ms. Char (Charmander na pinaikli kasi cute s'ya parang dinosaur), nasabi ko sa kanya na gusto ko ng magbago. Hindi n'yo nga pala alam kung anong babaguhin ko. Ahh... 'yung mga masasamang bagay tungkol sa'ken 'yun, alangang baguhin ko pa 'yung magagandang ugali ko. Basta sinabi ko sa kanya na gusto ko ng magbago, iwasan na ang paglapit sa kung anu-anong tukso lalo sa mga babae. Iwas na rin sa alak at sigarilyo. Ang napakagaling kong kaibigan, sinabi n'ya na huwag na raw akong magbago dahil hindi naman daw mangyayari 'yun dahil 'ito' na ako. Ganito na raw n'ya ako nakilala, okay na raw 'yun.

Siguro nga okay na 'yun. Masarap naman kasi talaga sa pakiramdam na tanggap ako ng mga tao sa paligid ko kung ano ako. Tanggap nila lahat ng baho. Tanggap nila na ganito nga ako. Nakakataba ng puso na marami pa ring nagmamahal sa'ken kahit alam nilang medyo pilyo talaga ako at matigas ang ulo, sa baba... at itaas. Pero syempre, gusto ko rin maging mabuting tao. Para na rin sa sarili ko, lalo na para kay Kathryn na loves ko.

Sa ngayon, ang nakikita ko pa lang pagbabago sa sarili ko ay hindi na ako nagpapalibre sa girlfriend ko na si Kathryn nga. Noon kasi, madalas sila ang taya ('yung mga girlfriend ko kasi dati ang pipilit, sabi ng ayokong kumain - wala kasi akong pera e). Hindi naman sa hindi ako mahilig manlibre at kuripot, wala lang talaga akong pera lagi. Mahirap e. Totoo nga na mahirap ang maging mahirap lalo na kapag may love life. Okay lang naman daw sa kanya na manlibre, pero ayoko na talaga. Dala na akong masumbatan.

Noong huling beses na magkasama kami ni Kathryn, tulad ng dati masaya pa rin. Lagi naman akong masaya kapag kasama s'ya. Mars na nga ang tawag ko sa kanya minsan e, Bruno naman ang tawag n'ya sa akin. Lintik na kabaduyan 'yan. Kinantahan ko kasi ng "Just the way you are" sa jeep, ayun LSS at lalong nainlab sa'ken. Pagkatapos ng kantahan sa jeep na bitin kasi inilipat ni manong driver sa next song na "Igiling-igiling" ni Willie ay sumakay kami ng bus para ulit magsimba. Pakiramdam ko nagiging mabuting tao ako sa tuwing masasabi ko na nagsisimba ako. 'Yun nga lang, noong nasa loob na kami ng simbahan ay medyo inantok ako. Masyado kasing mahaba ang novena at nakakaantok ang init sa loob ng simbahan dahil sa dami ng tao. Nakakabilib din 'tong si Kathryn e, taimtim lang s'yang nagdarasal. Ako naman pinapaypayan s'ya, hanggang sa 'yun na nga, medyo inantok na ako. Hindi naman ako nakatulog talaga, siguro mga 5 secs na parang idlip lang tapos sumabay na ulit ako sa pagdarasal. May mga nagkalat kasing flat tv sa loob ng simbahan na may nakasulat na dasal. Parang videoke ang datingan, may lyrics tapos sasabayan mo.

Noong pauwi na kami ay kumain kami ng chocolate sa bus. Ang sweet na nga namin, lalo pang naging sweet dahil sa chocolate. Nakakatawa, tunaw kasi 'yung tsokolate e, tumigas lang dahil sa lakas ng aircon. Science pre, science! Mas nakakatawa naman ako nung bumaba na kami sa bus at pumasok sa loob ng mall. Noong una magkahawak kamay pa kami sa paglalakad, old school magdyowa moves na holding hands while walking kami o better known as HHWW. Medyo napabitaw ako sa kanya at napalingon sa paligid. Nakalimutan ko na malalaki nga pala ang hakbang ko. Hindi ko namalayan na ilang hakbang na rin pala ang inilamang ng lakad ko sa kanya, biglang lingon pa naman ako sa direksyon n;ya sabay sabi ng, "Gusto mo bang magdinner?". Wala namang mali dun. Badtrip lang na ibang babae pala 'yung nasabihan ko. Pakshet lang, nakakahiya. Baka akalain ni ate, pick up lines ko 'yun. O kaya naman, baka isipin n'ya na call boy ako. Gustong kong maglupasay sa sobrang hiya. Kung kaya ko lang magteleport malamang diretso uwi na ako sa bahay nun. Nakakahiya talaga. Hindi ako maka-move-on sa pangyayaring 'yun. Most embarassing moment, counted ang pangyayaring 'to dun. Shit! Ang nakakainis pa, nakahanap ng pang-asar ang pangunahing saksi sa mga pangyayari na si Kathryn. Lagi na n'ya akong inaasar dahil dun. Kapag naglalakad kami lagi n'yang sinasabi na baka kung sino na naman ang ayain kong kumain. Paano raw kapag pumayag 'yung yayayain ko.

Ito pa pala ang isang pagbabagong napansin ko sa sarili ko. Simula noong nakilala ko si Kathryn ay naging pasensyoso ako. Hindi na ako masyadong naiinip sa muling pagkikita namin. Nakokontrol ko na ang pagkamiss ko sa kanya. Fuck the distance dude! Considered LDR kami kahit papa'no. Pati pala ang pagkahilig sa text, nagiging text addict na tuloy ako dahil sa kanya. Buti na lang hindi n'ya mababasa 'to, sasabihin ko na dito na medyo nababawasan ang kilig ko sa mga malalambing na message sa'ken ni Kathryn, nakakaturn-off pala kasi talaga kapag may bahid ng pagiging jejemon ang text message. Hehe. Kapayapaan Kathryn, kapayapaan. Mahal naman kita e. Sige babawi ako, alam mo ba na gustong gusto kong i-save ang mga text message mo lalo 'yung mga sweet kaya lang hindi kaya ng memory ng 5110 ko. Ganun kita ka-love. Takte miss na kita. Di bale magkikita na naman tayo ulit.

Ang haba na naman ng walang kwentang update sa walang kwentang blog ko.

Ang batang sabik sa mga halik at yakap mo,

Karding

PS: Sorry nga pala kasi medyo napalandi ako ng konti. Wag kang mag-alala, mas malaki naman ang boobs mo sa kanila tsaka syempre loves kita.

7 comments:

  1. ayun nasundan din :)

    Kards, reader ako ng blog mo.. ako kaya yung isa sa tatlo? lol

    wahaha first time na nga mag invite sa pagkain, ibang tao pa yung naalok... FAIL

    palit ka na nang cp Kards, pabili ka kay kathryn tas isama mo na yung de-bateryang mini fan para mahaba na tulog m pag sumisimba kayo :))

    mag-aabang ulit ng kasunod.. :)

    ReplyDelete
  2. tama ka naman dyan. na mas maganda ang kung tanggap ka ng mga taong nakapaligid sau.

    pero yung paninigarilyo at inom siguro bawasan na lang kung hnd talagang kayang pigilan. para sa health mo din yun.

    sa babae...hhmmmm...habang single mambabae ka na para pag nag-asawa ka na sawa ka na isang babae na lang ang mamahalin mo habang buhay. :)

    ReplyDelete
  3. char buhay in love.. hehehe

    ReplyDelete
  4. haha..nakakatuwa naman ang kalandian ni karding!!! maswerte talaga si kathryn!

    hinintay ko to ng matagal...excited na ako sa mga susunod pang eksena sa lablayp ng dalawa ;)

    ReplyDelete
  5. natawa ako dun sa napalandi ng konti hihhihi

    ReplyDelete
  6. madami po kaming nagbabasa ng blog mo.. kahit nagkaklase na basa pa din.:D

    ReplyDelete
  7. divine? ikaw ba yung anonymous na nagpost na maraming nagbabasa kahit klase? woooh. secret lang. PSYCSTAT pa. malma. :))

    ReplyDelete