Pages - Menu

Sunday, June 5, 2011

Kubeta Talk

Kahit naman siguro sino'y humiling na minsan na sana'y magkaron sila ng super powers. Kahit hindi super basta may powers. Kahit mga bata alam 'yan. Purgang purga tayo noon sa kapapangarap na sana magkaron tayo ng ganito katulad kay Superman, Spiderman, Eugene, Taguro, Recca at kung sino pang makapangyarihan sa TV lalo 'yung kay Sailor Moon na alam kong paborito mo. Malamang sa malamang unang-una rin sa listahan n'yo sigurado ang invisibility mala-Hollow Man o Rikimaru lalo sa mga manyakis na kalalakihan. Isama na rin siguro ang mangilan-ngilan na kababaihan. Libre boso nga naman at dekwat ng kung anu-anong bagay na matitripan n'yo. 'Yung iba naman, makalipad lang ayos na. Parang mala-Tinker Bell at Krystala. Para naman sa mga tsismoso at tsimosa, mind reading ability ang trip n'yang mga 'yan. Hindi mo pa nasasabi, naitsismis ka na. Mga buhay na lie detector. At dito na nga nagbago ang lahat. Galing sa isang pangarap, naging katotohanan.

Hindi ito isang kwento ng isang Super Hero. Ito ay mga tunay na pangyayari na ako lang ang nakaexperience sa buong galaxy.

Isang ordinaryong umaga, tulad ng dati pagkagising deretso na agad sa banyo para tumae, maligo at magsipilyo. Ano nga bang una kong ginagawa, maliligo muna tapos tatae habang nagsisipilyo o basta bahala na. Ang buong akala ko na isang ordinaryong araw ay magiging sobrang kakaiba at powerful pala. Sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon habang tumatae ay natuklasan ko ang nakatagong super power ko. Sino bang mag-aakala na maririnig ko ang mga tinig na mas mababa pa sa 20 Hz. 20 Hz - 20 Khz lang ang kayang marinig ng ordinaryong tao, mas mababa sa 20 Hz o mas mataas sa 20 KHz ay imposible ng marinig. Sa unang pagkakataon ay nagsalita ako ng mga bagay na may kinalaman sa kurso ko.

Dalawang tinig ang pakiwari ko ay nag-uusap. Maliliit na tinig pero dinig na dinig ko. Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa matunton ko ang dalawang nilalang na 'to:

Linta: Psssst! Pssst!
Alupihan: (lumingon-lingon ang tanga at walang leeg na si alupihan)

Ilang ulit pa ng pagtawag sa wakas nakita rin ni Alupihan ang panget na si Linta.

A: Uyy pre! Long time no see ahh.. Panget ka pa rin!
L: Oo nga e. Tagal na kitang 'di nakita. Nagbago ka na. Yumabang ka gago!
A: Grabehan naman 'yan 'tol. Baka iniisip mo suplado ako ha, halika nga dito kakamayan kita.
L: Pakyu! Nakita mo na ngang walang kamay 'yung linta ganyan ka pa. Isa pa, masyadong marami ang ipangkakamay mo. Ganyan ba talaga kapag sumisikat sa mga jokes?
A: Mga gagong tao 'yun. Gawin bang katatawanan ang marami kong paa. Tang ina nila di naman sila ang nahihirapan pagsusuot ng sapatos.
L: Haha. Totoo ba ang chismis na 98 lang ang pantakbo mo at 'yung dalawa sa unahan ay pang-swing ng kamay?
A: E totoo ba 'yung nabasa ko sa blog mo na ayaw mong pumayag na si Edward Cullen ang pinakasikat na bampira? Lintang 'to ambisyoso, gusto pang maging Vampire. Ulul. E nagpunta ka lang naman dito para maghanap ng napkin.

Nagwalk-out si Linta. Hindi ko rin alam kung paano s'ya nakaalis, basta nagwalk-out s'ya. Kung walk ngang matatawag 'yun.

Pagkatapos kong masaksihan ang pag-uusap na 'yan ng dalawang nilalang na 'to ay bigla kong naisip na hindi ko kailangan ng mga super power dahil lalo lang akong kumokorni.

7 comments:

  1. Taenaman yan. Malaki-laking linta yan ah. Dapat dun siya sa mga nagpaparaspa maninsip.

    ReplyDelete
  2. aahhahaha. echoserong linta, feeling bampira. lols... ahahahaha

    ReplyDelete
  3. ahahaha ang kulit ng linta...napkin ang target...lel

    ReplyDelete
  4. che goyo... hahahahhahaha... oo ang korni.. pero natawa naman ako dahil nga korni.. hahahhaa

    ReplyDelete
  5. un din dream ko mgkapower, pwede na un invisible man!

    ReplyDelete
  6. gawain ko ring mgsipilyo habang tumatae. o tumae habang nagsisipilyo. kailangng mas maging matalas ang ngipin kesa sa tumbong o kuyukot.

    ReplyDelete
  7. hahaha! napkin ang hanap. napaka-lowlife ng kawawang si linta at sobrang pang asar si alupihan.

    malamang, nakataas ang paa mo sa bowl habang pinagmamasdan yung dalawa. whahaha!

    ReplyDelete