Pages - Menu

Monday, June 6, 2011

Kwentong Gym

Sa panahon natin ngayon na halos ang batayan ng pagiging mabuting tao ay ang panlabas na anyo, sino bang hindi makakaisip na magpapayat, magpalaki ng katawan at magpasexy. Huhusgahan ka sa kung anong itsura ng katawan mo, makakatikim ka ng iba't ibang matatamis na panlalait sa mukha na hindi mo naman kasalanan kung bakit ganun ang napunta sa'yo. Bukod sa genes na namana mo, maaaring malas ka lang sa raffle nung birthday mo. Kahit ako gusto kong magka-abs, sino bang ayaw! Gusto kong maglakad sa dalampasigan ng nakahubad at nangingintab sa araw ang mga pandesal sa tiyan ko habang ang mga babae naman ay nagkakandarapa at naglalaway sa katawan ko. Tapos iinumin ko 'yung isang bote ng paborito mong pamatid uhaw na available sa mga suki mong tindahan. Pogi points. Macho points. Sex appeal. Lahat 'yan gusto natin. Bukod sa pagiging healthy, marami talagang benepisyo at bentahe ang pagkakaron ng magandang katawan.

Diet. South beach, north beach, machete diet at kung anu-ano pang dyeta. Ito na siguro ang pinaka-pangkaraniwan na pagpapapayat, ang pagtitiis ng gutom at pagpapahapdi sa sikmura kahit halos lumutang na ang ulo mo na nadamay lang sa gutom mo. Sunod ang gym na in na in talaga ngayon. Mapa-chiks man, mga barako na singlalaki na ng gulong ng trak ang braso at kahit sino pa, basta gustong maging fit, buff at healthy ay welcome sa gym. Basta syempre may pambayad.

Minsan napapag-usapan din talaga kahit saang bilog ng kwentuhan ang pag-gi-gym lalo na kapag may bumati sa namumukol mong dibdib at braso. "Pre, lumalaki katawan natin ah, nagbubuhat ka?". Ganyan lagi ang bati. Bukod sa mga sexy sa gym na crush ng lahat ng customer dun, mga idol nila na singlalakas na ng kalabaw, may mga kwentong nakakatawa rin at mga kwentong kalambutan sa gym. Mga kwentong bading. Ilan lang 'to sa mga karanasan ng kaibigan, tropa, o kahit nakainuman lang na narinig ko tungkol sa kwentong bading.

1. Tattoo Man. Halos mapunit na raw ang sando ng kasabayan n'ya sa paggi-gym dahil sa laki ng dibdib, o sabihin na kaya nating man boobs. May sumisilip pang tattoo. Astig ang datingan. Inaninag n'ya 'yung tattoo, pangalan ng dalawang tao, "Gary & Bryan". Gusto raw sana n'yang magpaturo ng tamang pagbubuhat pero hindi naman n'ya alam kung Gary ba o Bryan ang itatawag n'ya kay kuya.

2. Music Lover. Para nga naman chillax habang nagbubuhat, dapat may earphones na nakasaksak sa tenga. Syempre sa saliw ng mga paborito mong tugtugan. Ang kaso, hindi pala Ipod ang gamit ni kuya. 'Yung cellphone n'ya na kapag natanggal ang pagkakasaksak ng kurdon ng earphones e tutunog sa speaker. Nasobrahan sa stretch, nahugot at tumugtog ng malakas ang "Bad Romance".

3. Spot the kwan. Imbes na sa bukol sa braso at masel sa dibdib mo nakatingin habang nag-be-bench press ka, sa bukol sa pagitan ng hita ang tutok ng mata. 'Yan si koya, nangingilatis ng papa.

4. 'Yung iba ay lantaran daw talaga. Una kakaibiganin ka pa. Hindi lang pala sa mga bar at iba pang mga gimik place ang bagong tambayan ngayon ng pederasyon. Sa gym na rin pala.

Ito ay ilan lang sa mga kwento na narinig ko sa ilang mga tropa ko na nagpapalaki ng katawan at namboboso ng magagandang babae sa gym.

Wala namang kaso sa'ken kung anong kasarian ka pa at kung anong dahilan ng paggi-gym mo. Naisip ko lang bigla na may katotohanan din pala 'yung sabi nila na, ang tunay na lalaki raw walang abs.

12 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Problema ko 'yang pagpapayat. Sa timbang ko kasi eh puwede na kong mag-audition sa Biggest Loser. (No joke.)

    ReplyDelete
  3. desiplina at determinasyon ang meron ang sino mang nasa gym yon ang alam ko. Kasi hindi siya madali.
    Yong mga extra curricular kahit saan naman meron yan.

    Pero wag kalilimutan kalusugan bago ang ganda ng katawan yon ang dapat isipin ng kahit na sino.

    May nakikita akong gumagastos sa gym pero nagsisigarilyo at nagpupuyat pinagsasabay ang mga yon.

    ang sino mang gustong gumanda ang katawan isipin muna ang life style.(Diet)Yon ang importante sa lahat. pag nagkasakit ang tao araw lang ang itatagal ng ganda ng katawan mo.Yong ang katotohanang dapat isipin ng lahat.

    ReplyDelete
  4. lols. mga ganyang eksena nga daw ang makikita minsan sa gym. pero hindi naman lahat.

    sa tingin ko, yung iba di naman talaga fitness and health ang nais sa gym, nais lang nilang madiligan. wakokokk.

    ReplyDelete
  5. Agree ako kay Khantotantra. balita ko kasi karamihan na sa mga nag-gi-gym ay gusto lang makipag-hook up.

    kaya itaas natin ang bandera ng mga lalaking puro tiyan at walang ABS! :D

    ReplyDelete
  6. 80percent daw ng naggigym ay bakla. sabi lang nila hehehe

    ReplyDelete
  7. Yan ang tinatawag na "front." haha. Pasimple lang ang da moves yun pala, iba na. haha

    ReplyDelete
  8. june na, di ko pa nasisimulan ang pagpapapayat this year. hayst.

    pero di ako mapapagym, dami tukso. hahaha

    ReplyDelete
  9. ang tunay na lalaki malalaki ang tiyan.. ahahaha

    ReplyDelete
  10. hahaha.. natawa naman ako dito. Saktong sakto. Nakakarelate ako sa sinabi mo Goyo. Nagygym din ako hindi para sa mga nasabi mo sa itaas kundi dahil sa gusto kung itaguyod sa aking sarili ang mabuting kalusugan at pangangatawan. hindi para maglaway sila (weee) kundi para masuot ko ang damit na gusto kung suotin nyahaha.. sa laki ng tiyan ko wala na kasyang pantalon sa akin. ahehehe...

    Pero totoo yan. Idagdag mo pa ang mga lalaking bukol ang maskels sa loob ng sauna pero iba ang minamasdan at milagro at puro kababalghan. nyahaha

    ReplyDelete
  11. ang problema ko nman ang magpataba hehe pero parang uso na ulit ang malalaki ang tyan ngyon!

    ReplyDelete
  12. Haha may mga narrinig nga rin akong stories na ganyan. Ako muntik na rin magsign up dati kaso natagalan ako sa 1-year commitment kaya hindi ko itinuloy. At masarap kumain eh. Wala na akong pakialam kung wala akong abs. LOL

    ReplyDelete