Pages - Menu

Wednesday, June 22, 2011

Para sa mga B

Noong minsang napadaan ako sa isang kilalang bookstore sa loob ng mall, tulad ng dati ay doon ako nagpunta at nagtingin-tingin sa section ng mga Pinoy Author. Wala naman kasi akong masyadong kilalang manunulat sa mga banyaga. Gusto ko lang silipin kung anong bago. Nagbakasakali rin na makakita ako ng bagong librong mababasa. Mali ang iniisip mo na bibili ako, syempre magtatanong-tanong lang ako sa mga kakilala ko kung meron sila at tsaka ko hihiramin. Nakita ko 'yung librong "Para kay B" ni Ricky Lee. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang librong 'to. Matagal ko ng nakikita 'to sa net. May mga nabasa na rin akong quotes sa nasabing libro. Ang balak ko sana noong araw na 'yun ay uunti-untiin ko ang pagbabasa sa librong 'to. Pero dahil mukhang magastos ang magpabalik-balik sa mall na 'yun at nakakangalay ang pagtayo habang nagbabasa, hindi ko na lang itinuloy ang plano. Sa makatuwid, hindi ko pa rin nababasa ang libro. Wala akong ideya kung sino ba si B. Ano ba si B? Tungkol ba 'to sa mga bading? betlog? bayag? o ano nga ba? Sabihin n'yo na bago pa ako mag-imbento ng kung anu-ano tungkol dito.

Sabi ni Ricky Lee sa libro, "Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang di natututo. O iibig na wala. O di iibig kailanman.". Napaisip ako ng malalim sa sinabi n'yang ito. Tama nga naman na hindi lahat tayo ay magiging maligaya sa pag-ibig. Pero saan nakuha ni Ricky Lee ang datos na 'to? Gumawa ba s'ya ng survey sa mga tao na binubuo ng bawat lebel at antas sa lipunan? Bakit 1 out of 5 lang ang magiging maligaya at ang apat na natira ay naghati-hati sa apat na deskripsyon n'ya ng hindi maligaya sa mismong quotes. Akalain mong napansin ko 'yun.

Maaari sigurong nasa loob ng libro ang sagot. Maaaring sa limang kwentong nasa libro, isa lang doon ang happy ending. Siguro nga 'yun. Pero bakit hindi out of 100 ang ginawa at bakit lima lang?

Mukhang walang makakasagot ng tanong ko. At dahil dyan, may karapatan na akong maglabas ng datos na gawa-gawa ko lang. Ito ay para sa mga B.


Ito ang Bend Diagram. Ito ay hango sa Venn Diagram ng isang taong halimaw sa matematika na si John Venn. Base sa aking obserbasyon sa paligid at lipunang ginagalawan, maaari kong sabihin na 2 sa sampung lalaki ay undecided o inililihim na mga bakla sila. Ang natirang 8 ay nahahati pa sa dalawang grupo. Ang X na kumakatawan sa mga nagladlad na at ang S para sa mga tunay na lalaki.

Paano ba natin masasabi na kabilang ang isang lalaki sa X, S o B?

Ang mga taong TNL o 'yung Straight na tinatawag ay hindi na kailangan pang tanungin kung lalaki ba sila o bading. Kapag tinanong mo sila, baka nga magulat pa ang mga ito kung bakit sila ang tinatanong mo. Malay ba nila kung mukha pala silang bakla o hindi. Ang alam lang nila, kilala nila ang mga sarili nila at wala ng tanungan pa.

Ang mga taong kabilang naman sa X, katulad ng nasa S ay hindi na kailangan pang tanungin kung bading sila. Ito ay maaaring obvious na masyado sa itsura nila. Kung hindi man halata, kapag tinanong mo naman sila ay agad-agad silang aamin na mga bading sila. Wala ng paligoy-ligoy pa.

Ang nasa gitna naman (B), e 'yung mga hindi makapagdesisyon sa sarili nila kung aamin na ba o habambuhay na lang magpapanggap. Maaaring natatakot na malaman ng iba na bakla sila dahil kilos lalaki sila o kaya ay may pamilya na, o di kaya naman ay patuloy pa rin nilang nilalabanan ang mga sarili nila. Maaari ring makasama dito 'yung mga taong madalas mapaghinalaan lang pero hindi naman pala talaga bading. Meron din namang pilit sa pagtanggi kahit bakla naman pala talaga at nagmumura na ang pagkabading nila.

Sa makatuwid, maaari nating sabihin na sa sampung kalalakihan ay halos kalahati ang kabilang sa kabaklaan. Napakagaling ko talagang mag-imbento ng mga ganitong impormasyon na talaga namang magagamit natin sa pag-unlad ng bansa. Akalain mo 'yun.

Bakit daw hindi pantay ang dalawang bilog sa Bend Diagram? Dahil puro kalalakihan naman ang kasali sa pag-aaral na ito (isang pag-aaral na puro kalokohan lang ang pinagmulan), tulad ng bayag natin na hindi pantay, tama lang na hindi rin pantay ang ilagay na bilog. Kalimutan mo na lang siguro ang mga kulay na ginamit na halos walang pinagmulan maliban sa kulay berde at kulay pink.

Wala akong problema sa mga bading, nagkataon lang na sila ang bida ngayon dito. May dampi naman talaga ng katotohanan ang post na 'to. Pero sa huli, produkto lang ito ng kalokohan juice na galing sa utak ko. Masyado siguro akong napaisip sa Venn Diagram noong minsang idiniscuss sa amin habang nagrereview sa Algebra.

Pwede mo na akong ihanay ngayon kay Ricky Lee at John Venn. Writer na, Mathenik pa. Hehe.

17 comments:

  1. Ayos, gawa-gawa lang mo lang pala ang lagay nito.Magaling at matinik pwedi ka ng ihanay sa mga batikan.

    ReplyDelete
  2. mukhang may pinaghuhugutan ka ng post mo na ito ah. lol

    ReplyDelete
  3. @bulakbolero.sg - i agree. may pinaghuhugutan nga ata hehehe

    ReplyDelete
  4. @Bulakbolero at Jade, San naman ako huhugot? at anong huhugutin ko?

    ReplyDelete
  5. Good point, ang dali dali gumawa ng statistics na wala namang basis. At least yung sayo may "benn diagram" pa. Lol.

    And ang dali dali sabihin or magassume kung ano ang concept ng "masaya." Imbento box.

    ReplyDelete
  6. Goyo! Lumabas ka na kase sa pink! Punta na sa green! Lels

    ReplyDelete
  7. malamang sa malamang tama naman ang hinuha mo hinaka haka...

    ReplyDelete
  8. no comment. hehehe

    ReplyDelete
  9. tama, walang bayag na pantay! \m/

    ReplyDelete
  10. ayos pla yang Venn diagram na yan, malaman! close to genius ka nga bro hehe

    ReplyDelete
  11. friday june 24, 2011

    dear goyo,

    nagtataka ka siguro kung bakit ko nilagyan ng petsa ang comment ko.
    alam mo naman siguro ang petsa ngayon di ba?
    kasi naman, kani-kanina lang sa MEGAMALL eh hindi ko alam kung nakita nga ba kita talaga o napagkamalan ko lang ikaw yung naglalakad malapit sa may Cyberzone at may kasamang babae... hehe...
    kung ikaw nga yun, first time ko ma-starstruck sa HINDI naman celebrity... naks...

    IKAW NGA 'YON?
    kung ikaw nga, nakaklungkot isipin na nawalan ako ng lakas ng loob kahit mag- 'hi!' man lamang...

    pero alam mo bang nakaisip na ko ng paraan kung paano mangyayari ulit 'yon?
    alam ko ang sagot sa tanong mo kung sino o ano ang B sa 'para kay B'... nabasa ko na kasi at meron akong kopya... :p
    hindi ko masyado nagustuhan yung ending pero may isang istorya doon mula sa limang istorya na pakiramdam ko ay sobra mong magugustuhan... ang istorya ni Erica na napunta sa Maldiaga... saan ang maldiaga? paikut ikutin mo ang globo sabay itapat mo ang daliri bago matapos ang ikot niti... kung saan tumapat ang hintuturo mo, may makikita kang isang maliit na islang korteng papaya... iyon ang maldiaga... pero bukod doon, marami ka pang dapat malaman tungkol sa islang iyon...

    kung gusto mong hiramin ang ang libro ko, willing ako basta makipagkita ka lang... hehe...
    good deal?

    sige na, please? HAHA

    ReplyDelete
  12. hanep sa "stats" haha. but jsyk, si B ay si bessie (if i remember it right) na pinag-alayan ng hero ng "para kay b" nya. basta magulo. pero okay basahin ang "para kay b" try mo ring tapusin. :D

    hello, goyo. :)

    ReplyDelete
  13. @Masked Man, talaga nakita mo ako? Bwahaha. Kaya lang may kopya na ako ng libro. Yung nakita mong kasama kong babae, sya ang nagpahiram saken. :)

    ReplyDelete
  14. luhod ako... at ikaw na ngayon ay kalinya na nila Einstein.. hehehe

    ReplyDelete