Pages - Menu

Friday, July 1, 2011

Boss, please!

Pagkatapos magpakabusog sa walang kapares sa alat at sarap na kanin sa First Five ay nagpasya na akong umuwi. Wala naman na kasi akong gagawin, inaya akong manood ng mga tropa ko ng Transformers III pero hindi ako sumama. Hindi dahil wala na si Megan Fox sa pelikula, simple wala akong pera. Mabilis akong naglakad pauwi bitbit ang isang sako ng panghihinayang, masarap kasing manood ng sine kasama ang mga tropa ko. Naalala ko nga noong pinanood namin ang Transformers II sa Trinoma, mga kalalaking tao nagtitilian. Wala namang nakakakilig pero nagtitilian kami. Siguro kasi papabol masyado si Megatron.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, ito ang ayaw ko kapag umuulan ng malakas e, sigurado kasi sa mga susunod na araw ay galit na galit ang haring sun, shet ang init. Tumatagaktak ang pawis ko habang naglalakad, nakaramdam tuloy ako ng awa sa nakasalubong kong lalaki na kumakalat na ang eye liner dahil sa pawis. Uso pa pala ang pag-a-eyeliner ngayon sa kalalakihan. Tindi rin ng effort nito bago lumabas ng bahay e, masabi lang na kumpleto ang rockers kunong pormahan n'ya. O baka naman bading s'ya, sana pala tinanong ko.

Pagdating sa Recto ay napansin ko na medyo mabigat ang daloy ng trapiko, walang nagbago, mag-aabang pa rin naman ko ng masasakyang jeep may trapik man o wala. Kapag ganitong mga pagkakataon na hindi ako nagmamadali sa pag-uwi, madalas mapili talaga ako sa jeep na sasakyan. Trip na trip ko talaga sa unahan, dun sa katabi ng driver. Siguro kasi, 1. Hindi ko pa nararanasang magmaneho dahil wala naman akong tsikot. Gusto ko lang makita kung anong nakikita ng mga driver kapag nagmamaneho sila. 2. Mas maganda ang tanawin sa unahang bahagi ng jeep, para ka ring nakasakay sa kotse dahil hindi ka nakatagilid sa pag-upo. 3. Bonus din kapag dinaldal ka ng driver, basta may kwenta ang sasabihin. Pampatanggal inip lang. At pang-4. Trip ko lang. Walang makikialam.

Sa wakas!, pagkatapos ng 30 jeep na pinalampas kong sakyan ay may nakita rin ako na may bakanteng pwesto sa unahan. Nakalaan 'to para sa'ken, isang daang porsyento sigurado na ako. Kung may makipag-unahan man sa pagsakay, babacks-outin ko! Itinaas ko ng bahagya ang kanang kamay ko para pumara, lumampas ang mahabang jeep sa pwesto ko. Okay lang isip isip ko, sayang nga naman ang break fluid, sinundan ko na lang ng lakad nung tumigil dahil sa trapik. Pagtapat sa unahang bahagi ay napansin ko na nakasarado ang pinto nito, "Boss pabukas.." malumanay kong sabi. Tatlong segundo pa ang lumipas ay hindi pa rin umiimik si manong. "Boss pabukas ng pinto nakasara.", isnob ang gagong tsuper na 'to. Bwisit na bwisit akong umalis sa tapat ng pinto at naglakad palayo habang iniisip ang dahilan kung bakit hindi n'ya ako pinagbuksan. Mabilis ang pormulasyon ng ideya, sunod sunod, may halong pagkayamot. Alin kaya sa mga ito ang dahilan ng gagong 'to.

1. Hindi ako naniniwalang bulag ka, hindi ka makakapagmaneho kung puro dilim ang nakikita mo. Hindi ka rin bingi, sigurado ako dyan dahil nung unang beses kong tinawag kang Boss ay nakita ko ang itim sa mata mo na gumilid at tumingin sa direksyon ko. Umirap ka, hanep. Inisip ko na lang na ayaw mong makatabi ang isang panget na katulad ko. Kundi chix ang hanap mo, malamang super papa ang gusto mong katabi. Gago, halata ko sa irap mo.

2. Posible rin na kaya ayaw mo akong pasakayin at makatabi kasi kahit ikaw mismo ay nababahuan na sa sarili mo. Nahihiya ka siguro na magkaamuyan tayo. Sana pinasakay mo ko pre, e di sana nalaman mo na pareho lang tayong amoy pawis at suka toyo mansi na may halong putok.

3. Maaari rin na ayaw mong tinatawag kang "Boss". Sana pala "Ma, bayad isa lang" ang sinabi ko. Sigurado garantisado maririnig at papansinin mo ako.

4. Bukod sa amoy putok na umaalingasaw sa pwesto mo, baka napatae ka na rin sa salwal mo at muli nahiya ka na namang ipaamoy sa'ken. Sus! Lahat naman tayo nakakaamoy ng tae, arte mo dre!

5. O baka naman akala mo magnanakaw ako, holdaper sa katanghaliang tapat na may maitim na budhi at balak. Malamang nabasa mo sa isip ko ang plano kong pagtutok sa tagaliran mo ng patalim at kanyon. Hanep sa powers, tol. Teka, 'tong mukhang to magnanakaw? Ng puso pwede pa.

Pagkatapos ng kung anu-anong panghuhusgang ginawa ko sa isip ko dahil sa isang bagay na ginawa ng choosy na tsuper na 'to na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang tunay na dahilan, sa wakas ay nakatyempo rin ng bakanteng pwesto sa jeep na minamaneho ng isang mabait na mamang tsuper.

Ayos 'to. Trapik nga talaga. May rally pala sa Mendiola, nagwewelga na naman ang mga kababayan natin laban sa gobyerno at tyinempo talaga sa ika-isang taon ni Noynoy sa pwesto. Nagbabakasakali na dahil espesyal ang araw na 'yun para sa mga kritiko ng pangulo ay papakinggan sila nito. Dito na pumasok ang opinyon ng mabait na tsuper na nagligtas sa pagkabadtrip ko. Noong araw daw ay isa s'ya sa mga nauto ng oposisyon para makigulo sa rally laban sa kung sino mang magaling na nasa pwesto. Nadala raw s'ya dahil wala rin namang nangyayari. Bukod sa init ng panahon, talo pa raw kapag nahuli ng pulis at binomba ng tubig na may halong tae. Naiintindihan ko si manong, nakakadala nga namang mabomba ng tubig na may halong tae.

At ewan ko ba kung bakit madaming bingi, bulag, at gago dito sa Pinas. Parang 'yung maarteng tsuper lang na inisnob ako ang lahat ng pulitiko sa bansa natin. Kitang kita na ang pangangailangan ng mga tao at sariling bayan, patuloy lang sa pagbibingi-ngihan at pagbubulag-bulagan. Nakita ka na, iirapan ka pa.

Simple lang naman talaga ang galit ko dun sa baklang tsuper na 'yun, pakiramdam ko talaga  kasi ipinahiya n'ya ako sa mga bebot na nasa loob ng lata na ipinapasada nya. Masyado kang nagtitipid sa laway e, sana nagpaliwanag ka ng mabuti, susunod naman agad ako.

Sana lang 'yung mga nagrally, hindi napahiya tulad ko.

4 comments:

  1. Una, hindi ko pa napapanuod yung Transformers 3. No comment ako dito. Hindi ko rin alam kung mas okey ba yung ipinalit kay Megan Fox.

    Pangalawa, tulad mo trip ko rin sa unahan ng jeep. Kasi nakakapagsalamin ako at nakakapagyosi. Sayang bawal na magyosi. Mas madali sumakay o bumaba. Mapili rin ako sa jeep.

    Pangatlo, ayoko sumakay kapag may pinto sa unahan. Kadalasang trip ng mga tsuper, bebot papasakayin dian. Napahiya na din ako. Natuto na. Gago yung tsuper na di man lang umimik. Pwede ring bakla nga siya at di pasado ang kagwapuhan at kakisigan mo, siguro ramdam niya di mo rin sya papatulan.

    Panghuli, malabo na yan. Patuloy lang din na may magra-rally. Baldado ang gobyerno. Bulag, pipi at bingi. Isipin mo yun pati tae ipinamamahagi sa raliyista. Buti di ko naranasan yan. Naging aktibista ako pero wala lang.

    ReplyDelete
  2. 1.Natawa ako sa kinaawaan mong guy na nakaeyeliner na nageffort bago umalis ng hauz.

    2.panoodin mo ang transformers,malulugi ka ,sige ka/

    3.Sobra ka naman kung makapamili nang sasakyan jeep,talagang 30 ang pinalampas?hehe

    4.Mahilig din ako pumwesto sa unahan ng jeep,mas relax,basta wlang tatabi.siguro kaya ndi ka pinagbuksan ng tsuper kasi ndi ka nya type.haha,or bebot ang gusto nya isakay don.

    5.Sawang sawa na tayo sa mga rally na yan,ndi rin naman pinapakikinggan,at ndi na nwalan ng kontrabida nag pinas.

    Last.hanga talaga ako kapag nagkwento ka na.Lakas ng dating.sarap basahin kahit mahaba.


    BOW!

    ReplyDelete
  3. idol. ^^ gusto ko din ang post na ito. may book ka na ba? dami mo na nagawa e. I idolized you next to bob-ong.

    *di nakakabored pagkekwento mo. :)) keep up

    ReplyDelete