Pages - Menu

Tuesday, August 30, 2011

Basic Human Needs

Tulad ng pagkain, damit, bahay at computer para makapag-Facebook, napakahalaga rin talaga ng lovelife lalo para sa mga kabataan ngayon. At dahil nga isa 'to sa pangunahing pinoproblema ng mga bata ngayon, panibagong problema na naman kung paano makaka-move-on kung sakaling magkahiwalay sila ng mga tinatawag nilang true love na inakala nilang tatagal forever.

Kung mahilig kang magbasa ng kung anu-ano lang, tulad ng Facebook status ng mga kaibigan mong emotera't emoterong kantutero, tweets, mga blog at iba pang sulatin na may kinalaman sa pag-ibig, malamang sa malamang ay alam mo na ang ibig kong sabihin.

Ilang sulatin na nga ba ang nailathala para maka-move-on? Hindi ko na rin mabilang e, at wala naman talaga akong planong bilangin. Ang nais ko lang gawin ngayon ay magbigay ng ilang payo kung pa'nong lalong ibabaon ang sarili mo sa pinakaunang bagay na inaalala mo: Ang mahiwagang pag-ibig!

Gasgas na ang mga tips kung paano makakausad mula sa nabigong pag-ibig at kung pa'no hihilom ang mga pusong nasugatan. Kaya naman narito ang ilan sa mga payo para sa mas swabeng pagda-drama at pagpi-feeling John Lloyd at Bea. Alam mo na, mas may pinaghuhugutan, mas magaganda ang status na maipopost mo sa Facebook.

#1 Unahin natin sa buwan ng Pebrero ang pagdadrama. Tyempo sa araw ng mga puso, malas mo wala kang kakiskisang nguso. Pumunta sa pinakamalapit na mall, ilibre ang sarili ng masarap na pagkain. Dabest 'to kung dalawang straw ang kukunin mo sabay tusok sa isang malaking baso. Manood ng sine mag-isa. Isipin mo na sana kasama mo ang taong mahal mo na nakapwesto sa pinakamadilim na bahagi habang magkayakap at nagnanakaw ng mga sandali. Pagkatapos ng pelikula, masdang mabuti ang mga magkasintahan na lalabas ng sinehan. Namnamin mo ang masarap na sandaling 'yun, kaibigan.

Kung may magaganap na Lavapalooza sa araw na 'yun, 'wag mag-atubiling pumunta. Kapag inantok at nabato ka na, 'wag munang umuwi ng bahay. Mag-inom ka muna. Pagkatapos ay makipila sa mga motel at matulog nang mag-isa. 'Wag kalimutang magpaantok habang nanonood ng porn sa cable.

#2 Ityempo ang eksenang 'to kapag wala kang pera. Pumunta ulit sa pinakamalapit na mall. Dumiretso ka sa foodcourt at maghanap ng pwesto malapit sa magkasintahan na masayang kumakain ng mga ininit na ulam. Suminghot-singhot hanggang tuluyang magutom. Titigan muli at kabisahin ang mga galawan ng magkasintahang naglalambingan sa harap mo.

'Wag kalimutang sumulyap-sulyap sa mga picture n'yo ng dati mong syota sa cellphone mo na kuha noong nagdate ka'yo at kumain ng sabay sa isang resto.

#3 Kung may access ka naman sa internet at hindi mo trip lumabas ng bahay, magdownload ka ng mga nakakakilig na pelikula. Mas okay kung Korean movie na may temang nakakalungkot na pag-ibig ang papanoorin mo. 'Yung tipong makakarelate ka talaga para naman medyo lumakas-lakas ang agos ng luha mo.

Kung wala namang internet, mamakyaw ka muna ng mga piratang DVD bago umuwi.

#4 Kapag ayaw kang patulugin ng lungkot mo dahil sa kaiisip sa nangyaring hiwalayan, ganito lang ang gawin mo: Pumunta ka sa kusina at magtimpla ng kape. Bumalik sa kwarto pagkaubos ng kapeng barako. Humiga sa kama at isaksak sa tenga ang earphones mo habang pinakikinggan ang mga paborito n'yong kanta lalo 'yung theme song n'yo.

#5 Palagiang puntahan ang profile n'ya sa Facebook kung swerteng walang nangyaring burahan sa pagitan n'yong dalawa. Halungkatin ang mga larawan n'ya na kitang-kita ang saya sa mga ngiti n'ya. Isipin mo na masaya s'yang wala na ka'yo, samantalang ikaw hindi makamove-on sa pang-iiwang ginawa n'ya sa'yo.

#6 Bumili ng couple shirt. Dahil wala ka na namang kasintahan, itago mo na lang 'yung isa sa kabinet mo. Ang pinakamagandang gawin mo na lang ngayon ay umasa na babalik pa rin s'ya at balang araw maisusuot n'ya rin 'yung damit na binili mo para sa kanya kahit wala na naman talagang pag-asa.

#7 Palaging pumasyal sa mga lugar na madalas n'yong puntahan. 'Wag kalimutang magbaon ng kamera. At syempre, 'wag din kalimutang magpicture sa mga paborito n'yong spot. Muli, isipin mo na sana kasama mo s'ya habang ginagawa mo 'yun.

#8 Itabi sa pagtulog ang lahat ng bagay na makakapagpaalala sa kanya. Lalo 'yung mga bagay na ibinigay n'ya sa'yo. Kung may malaking teddy bear, eh di yakapin mo sa pagtulog. Ibulong mo sa oso ang mga salitang "I love you, *insert name* forever". Isipin mo na lang na sasagot ang oso gamit ang boses ng taong mahal na mahal mo, to death.

#9 Ipamukha mo sa sarili mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat ng kalungkutan mo, na ikaw ang dapat sisihin kung bakit nagkahiwalay kayo. Magsorry ka sa kanya. Kulitin mo s'ya nang kulitin kahit hindi ka na n'ya pinapansin dahil nagpalit na pala s'ya ng number. Isipin mo na lang na nagpapamiss lang s'ya at babalik s'ya sa'yo sa lalong madaling panahon.

#10 Panghuli, ikumpara ang sarili sa bago n'yang kasintahan para lalong tumagos sa'yo na wala ka naman talagang panama sa ipinalit n'ya sa'yo. Tingnan ang mga pictures nila sa Facebook. Para matapos na ang kalungkutan mo, gumawa ka ng isang account na nakapangalan sa ex mo at i-in-relationship mo sa'yo.

#11 Para kumpletos rekados na ang panglolokong ginagawa mo sa sarili mo, 'wag pumalya sa pagce-celebrate ng monthsaries lalo ang anniversaries n'yo nang mag-isa.

#12 Hardcore tip galing kay Mariano: Mag-edit ng mga litrato ng mga porn stars at ilagay ang litrato ng nawalang-kasintahan. Mas mainam kung gagastusan mo ang sarili mo't bibili ka ng fuck doll, at doon mo ikabit ang litrato. Huwag kalimutang kumuha ng litrato ng kasintahan na nakanganga, pagkatapos ay butasan ang bibig para ma-simulate ang chupaan moments habang nakakabit ang litrato sa fuck doll.

Mag-praktis ng Squid Masturbation habang tinititigan ang litrato ng nakalipas na minamahal para sa mas "realistic" na pakiramdam ng mainit niyang pekpek (talong kung babae ka).

#13 Pahabol nga pala ang pagbili ng regalo sa sarili sa darating na pasko. Kunwari ex-gf/bf mo ang nagbigay. Buksan mo ang regalo sa saliw ng kantang "Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako..."

Sana nakatulong ang mga payo kong ito para sa mas epektibong pagdadrama. Maligayang pag-iyak mga kaibigan, kapatid at kapanalig sa pag-ibig!


20 comments:

  1. hanep sa advice! hahaha makakatulong to sa mga balak maglaslas ng pulso dahil sa love hehehe

    ReplyDelete
  2. ikaw na ang Dr. Love parekoy!

    ReplyDelete
  3. walang sinabi yung mga advice ni papa jack, tol.. kulang mo na lang e slot sa isang radio station.. hehehe

    ReplyDelete
  4. 12. Mag-edit ng mga litrato ng mga porn stars at ilagay ang litrato ng nawalang-kasintahan. Mas mainam kung gagastusan mo ang sarili mo't bibili ka ng fuck doll, at doon mo ikabit ang litrato. Huwag kalimutang kumuha ng litrato ng kasintahan na nakanganga, pagkatapos ay butasan ang bibig para ma-simulate ang chupaan moments habang nakakabit ang litrato sa fuck doll.

    Mag-praktis ng Squid Masturbation habang tinititigan ang litrato ng nakalipas na minamahal para sa mas "realistic" na pakiramdam ng mainit niyang pekpek (talong kung babae ka).

    ReplyDelete
  5. Feeling ko dadami ang cases ng suicide dahil sa mga tips na to. Hahaha. Sobrang laking tulong eh. LOL.

    ReplyDelete
  6. Dapat isalibro to eh. ahaha ayos sa tips!

    ReplyDelete
  7. lalong ma-stress niyan...
    sa halip na magmall,baka mag bigti na lang

    LOL

    ReplyDelete
  8. ayos! hahaha kulang nalang magpakamatay na,....

    ReplyDelete
  9. waging wagi para sa mga pusong sawi!

    ito na siguro ang pinaka mabagsik na payo na hindi direktang nag uutos na mag suicide na lang sa awa sa sarili at pagiging pathetic dahil sa palpak na love story. haha!

    ReplyDelete
  10. Pambihira.. Nagdadrama ako, pero diko naman susundin to.. hehe. Nakakasakit ka fwend.. hehe..
    Natawa ako dito, dapat talaga malawak ang isip ng isang tao pagdating sa moving on.
    Galing ng mga payo mo.. :)

    ReplyDelete
  11. hahahah ang adik ng advices...
    #11 Para kumpletos rekados na ang panglolokong ginagawa mo sa sarili mo, 'wag pumalya sa pagce-celebrate ng monthsaries lalo ang anniversaries n'yo ng mag-isa. hakhak desperado much lol~~~

    ReplyDelete
  12. Idagdag ko na rin na kung sakaling binalak mong maglaslas, dapat vertical huwag horizontal para mapuruhan. Tutal puro pasakit naman ang inaatupag mo hehehehe

    ReplyDelete
  13. hahahha...putek.. hahahah... bagong style ba ito ng suicide... har har har..... kelangan namnamin ang bawat gagawin.. para tagos sa puso at baga.. hahahahhaha.. nice one... lab et!

    ReplyDelete
  14. Goyo mag published kana ng sariling mong book :)

    ReplyDelete
  15. waaaaaaaaaaaaaaah!! ang sama mo!!!!! errrrr....
    hahaha!

    ReplyDelete
  16. buhahaha putek na mga advice 'to, mas malupet pa sa suicide...e...

    ReplyDelete
  17. LOL! Napakagandang mga suhestiyon. Idagdag mo pa ang pag-stalk sa kanya sa bahay nila at dalawin at makipagkuwentuhan pa din sa Nanay, Tatay, at mga kapatid niya.

    ReplyDelete
  18. waaahhh. ANG LUPET!!!! :)) tawang-tawa ako. MAGPAKAMATAY na lang. hahahaha

    ReplyDelete
  19. haha ntawa ako dito .. pamatay ang tips. XD

    epic yung #12 .. lels

    ReplyDelete