Pages - Menu

Monday, August 8, 2011

Twitter Drama

Malakas talaga ang hatak sa'kin ng kulay orange lalo't alam kong itlog ang nasa loob nun. Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit sa tuwing may makikita akong kwek-kwek, parang naaakit akong lumapit. Gusto kong bumili at tikman. Ang ipinagtataka ko lang, madalas kasi dun ako bumibili sa mga walang tao masyado, o wala talagang tao. Pagkatapos lang ng ilang minuto dadagsa na sila, makikituhog at masasarapan din tulad ko. Ayoko namang isipin na dumada-moves sila sa kagwapuhan ko kaya lumalapit sila. Ipinagpapalagay ko na lang na epektib siguro talaga kung magiging modelo at endorser ako. Endorser ng kwek-kwek. Ang laking itlog ko nun kapag nagkataon.

Parang naging tradisyon, ritwal o kung ano pang seremonyas na nga ata sa sistema ko na sa tuwing paluwas ako, hindi pwedeng hindi ako kakain ng itlog na orange. Pakiramdam ko nga kilala na rin ako sa mukha ni Manang Itlog e. Pagkatapos kong kumain kanina, fruit soda orange naman ang binili kong panulak, para terno. May kapartner pa 'yang isa e, hindi ko na lang sasabihin kung ano. You know.

Pagkatapos ng pakikipaglaban ko sa itlog na ginamit ko lang bilang intro sa gusto kong ikwento ay nagtungo na ako sa sakayan ng FX. Ayoko sanang pumwesto dun sa likod, nakatagilid kasi at pakiramdam ko jeep lang din ang sinakyan ko. Pero okay na 'to, ano pa nga bang magagawa ko nandito na 'ko. Pinagmasdan ko isa-isa ang bawat pasahero. Trip ko lang suriin ang mga pagmumukha nila tulad ng ginawa nung bata kanina sa jeep, 'yung batang titig na titig sa mukha ko at pakiramdam ko talaga masama ang naging hatol n'ya sa pagkatao ko dahil sa balbas at bigote ko. Nginitian ko naman, buti hindi nagsumbong sa nanay n'ya.

Ilang minuto pa ang lumipas, unti-unti ng napupuno ang FX. Bumukas ang pinto sa likod na bahagi kung saan ako nakapwesto. Pumasok ang isang dalagita, kasunod n'yang pumasok ang isang babae na sa tantsa ko e nasa edad kwarenta na. Hindi ko na sila tinitigan tulad nang ginawa ko sa ibang pasahero. Biglang nagsalita 'yung ale na ayoko pa ring tingnan sa hindi malaman na dahilan. Siguro kasi iniisip n'ya na napakagandang entrada nun sa pagsakay n'ya sa FX.

"Ayoko talagang pumupwesto sa likod e. Naalog ako masyado. Ang sakit sa ulo."

Sa isip-isip ko, papansin naman masyado 'tong aleng 'to. Ma-opinyon, hindi naman kami close. At tulad ng gusto n'yang mangyari na pansinin namin s'ya, pinihit ko na ang leeg ko sa direksyon n'ya para suriin ang pagmumukha at bunganga n'ya na nagliligalig. Ahhh, kaya naman pala n'ya nasabi na naaalog s'ya kasi ubod ng laki ang suso nya. Hapit na hapit pa naman ang suot n'yang parang sando. Alam kong pang-matanda 'yung sandong 'yun (spaghetti ba tawag dun? bakit nga ba spaghetti ang tawag dun?) pero nung isinuot n'ya nagmukhang pambata dahil nga sa laki ng suso n'ya.

Kapag ganitong mga pagkakataon talaga sa buhay ko kailangang kailangan ko ng masasabihan, kung hindi ko kasi ilalabas baka matawa lang ako. Binunot ko ang telepono ko, at tulad ng ibang batang internet, isip-isip ko na kailangan kong i-tweet 'to!

"@GOYOx1989 Miss, hindi mo na kailangang magpapansin. 'Yang laki ng suso mong 'yan, mapapansin ka talaga."

Pagkakitang pagkakita ko sa salitang tweeted, para akong nakahinga ng maluwag mula sa pagkakalunod sa nakikita ko. Pakiramdam ko naisigaw ko ang dapat sana'y sasabihin ko sa babaeng kaharap ko.

Galante pala 'tong si ateng nabiyayaan. Lunes kasi kaya matagal talagang mapuno. Dala na rin ng pagkainip, babayaran na raw n'ya 'yung isang upuan sa tabi ko. Hindi ko naman sinasabing ginawa n'ya 'yun kasi gwapo ako, nagmamadali lang siguro talaga s'ya at gusto na n'yang makaalis ang fx para makarating na rin sa pupuntahan ng dede n'ya, este n'ya. Nag-eexpect pa naman ako na sa bra n'ya dudukutin ang wallet n'ya, pero bigo ako.

Nakakainip talaga sa FX. Hindi ko maenjoy masyado ang tugtugan ni manong tsuper. Masyadong mahina ang volume, sinosolo ang tugtugan. Muli kong binunot ang telepono ko, magtitingin-tingin lang sana ng kahit anong balita sa facebook. Hindi ko rin alam, habang nagkakalikot ako sa cellphone ko, bigla namang napatingin ako sa bintana sa likod, hindi ko naman inaasahan na  nandun ang repleksyon ng dede ni ate. Parang may tumutulak sa leeg ko para tumingin sa kanan. Nagtagumpay ang tukso. Nilingon ko ng buong pagkatao ang nagmumurang dede n'ya! Hindi ko talaga maintindihan ang mga pangyayari, pagtingin ko sa dede n'ya, napatingin naman ako sa mukha n'ya. Nag-aalala kasi ako na baka mapansin n'ya na sumusulyap ako. Hindi nga ako nagkamali, bigla-bigla namang guhit ng ngiti sa mga labi n'ya. Alam n'ya ang ginawa kong pagtingin sa dede n'ya. Aba, syempre bilang isang maginoo, ngumiti rin ako. Muli, nagtweet na naman ako. Uso kasi 'yung ganito e, mga awkward moments kumbaga.

Lingid sa kaalaman ko, may mga tao palang nakikitsismis sa mga tweets ko. Malamang 'yung mga followers ko. Hindi ko rin inaasahan na bibigyan n'ya ng kulay ang mga pinagsasasabi ko dun. Eto na nga ba ang sinasabi ko e, kung mambabae ka talaga dapat 'wag sa internet. Sinabi ko lang 'yun, kumbaga aral para sa mga mokong tulad ko.

Tuloy lang ang byahe ng FX. Tulad ng dati, konting sulyap sulyap sa boobs 'pag boring na. Minsan nakikita ko na umaalog nga, lalo kapag sa balok na bahagi dumaan ang FX. Kung tutuusin walang malisya sa'kin e, ang tanging nararamdaman ko na lang ay awa. Awa para sa mga dede n'ya na siguradong nagmumura dahil hindi makahinga.

"Walang madaling trabaho, lahat 'yan pinaghihirapan" - Ms. Malaking Dede, 2011.

Muli dala ng pagkainip ay nagtweet ako. Isinigaw ko sa buong katwitter-an ang sinabing 'yan nung ateng malaki ang dede. Kapupulutan kasi ng aral. Sa kabilang banda naman, akalain mong bigyan ng ibang kahulugan. Isipin ba naman nung selosang panget na kilala ko na close na kami nung ate na malaki ang suso. Parang hindi naman ata tama na paghinalaan akong makikipag-usap sa stranger, lalo na 'yung malaki ang dede. Mali 'yun.

Sa datingan kasi nitong si ate na malaki ang dede, mukhang may pera. 'Yung kasama n'yang bata pala ay ipapasok n'ya bilang kasambahay kay doktora na kumare n'ya. Binibilinan n'ya ng kung anu-anong bagay na mukha naman talagang makakatulong sa career nung bata. Minsan nga pa-ingles-ingles pa si ate. Sablay sablay naman. Naalala ko tuloy bigla 'yung isang kano na nakasakay ko sa jeep. Banyaga pero hindi sablay managalog. Mantakin mo ba namang... "Tabi po. Dadaan ang malaki ang tite." ang sinabi n'ya para mag-excuse sa mga kasakay n'ya.

At d'yan nagtatapos ang kwento ng kwek-kwek at suso ni ate na higit 50 beses kong binanggit sa kwento. Kinuwento ko lang naman 'to para magpaliwanag kay "panget". Hindi ko po 'to inilathala para ipagsigawan na takot ako sa malaking dede. Paalam po.

9 comments:

  1. huli ka na, magpapaliwanag pa! lolzz

    di maiwasan yan na mabigyan ng ibang kahulugan ung mga nasasabi mo pre, hayaan mo, di ka nag iisa :D

    hindi ba nababalot ng orange ung malakeng dede ni ateng? lolzz

    ReplyDelete
  2. Owkey mag follow na! Medyo nabitin ako pero okay na rin.

    ReplyDelete
  3. SUSO! Puro na lang suso. May nakasakay din akong ganyan. Chicks. Ginamitan ko ng menyek style na pagtataklob ng kamay sa mukha habang sinisilip ko yung suso niya mula sa siwang ng aking mga daliri.

    ReplyDelete
  4. Mahalagang aral to tungkol sa SUSO, ang laki ng naitulong sayo Mr.Goyo kase kundi dahil sa SUSO nya wala kang maikikwento. Pero hindi nga lang pala ang suso ang isa sa nakakbuo ng usapan, lahat pala ng nasa paligid. Araw araw may posibleng pagmulan ng kwento tulad ng SUSO. (ANOSABEKO??)

    Ayos ka talaga sir goyo, masaya at cute ang mga kwento mo ;)) MALAMAN. Tsak yung Kwek kwek, pborito ko rin yan :D

    ReplyDelete
  5. bawal daw magpaliwanag sir goyo. hahahaha.

    gano kalaki ang dede? papaya? pakwan? gulong ng trak? hihihih

    ReplyDelete
  6. ang daming suso.. malaking suso.. suso na kasing laki ng kwek kwek.. suso na kulay kwek kwek.. Kapupulutan ng aral ito.. Lesson learned: Wag magsuot ng spaghetti kapag nagmumura ang suso lalong lalo na katabi si Goyo.. hehehe.. peace man! pero seryoso natatawa ako sa post mo... Well naaliw naman talaga ko sa mga post mo.. hehe

    ReplyDelete
  7. hahaha! hindi ako kumakain ng kwek-kwek unless pag penoy to medyo naawa ako sa chick pag balot ang kinain ko.
    haha moral lesson sa suso!

    ReplyDelete
  8. Hahhaa isa ako ron sa mga tsismoso sa twitter ! :P d nalang ako nagrereact ahahhaha! nahiya ako magtanong hahaha! pero okay nga maglabas ng awkward moments sa twitter haha!

    from kwek2x to ending, ang galing a :P ganda ng connections :P haha! so... at least naman ung pinaghirapan ni ate e napansin. *ngiti* hahaha

    ReplyDelete
  9. hahaha..natawa naman ako dito! favorite ko rin ang oranged egg!

    ReplyDelete