Pages - Menu

Tuesday, September 20, 2011

Let's plank to that!

Katulad ng isang langgam na pipila't makikisawsaw sa isang tumpok ng asukal; isang langaw na makiki-dive at makiki-amoy sa isang malaking tae; makikigulo na rin ako sa pagbibigay ng komento sa isang isyu na sing-liit ng kulangot pero pinalaki dahil sa kawalan ng sustansya nito; mas walang sustansya at walang dating, mas masarap pag-usapan at pagtawanan. Wala akong pake kung ito ay may bahid pulitika o sadyang kamangmangan lang.

Ang "Anti-Planking Act of 2011" na buong lakas ng loob na ipinutok ng utak ng magiting na kongresistang si Winston Castelo ay lutong-luto na sa bunganga ng kung sinu-sinong netizens ngayon. Lahat ng opinyon at komento, ibinato na! Nga pala, 'wag na lang natin pansinin 'yung mga tropa natin na porn lang ang inaatupag sa bahay at walang pake sa balita. Mas okay 'yun, dahil puro naman talaga walang kwenta ang balita.

Ang pangunahing sakop ng nasabing bill ay ang mga istudyante; ang mga walang malay na istudyante dahil puro dota lang, pag-ibig, bisyo at kung anu-anong shits ang inaatupag. Tulad ko. At tulad mo!

Hindi ako labag sa planking. Mapa-matanda ka pa, bata, o kahit sino ka pa, basta trip mong mag-plank, e di mag-plank ka! Maging ako ay nasubukan ko nang mag-plank sa ibabaw ng isang footbridge sa V. Mapa noon. Oo, sa ngalan ng pakiki-uso at pagsubok sa internet craze na 'to ilang buwan na ang nakakalipas. May napala nga ba ako noong nag-plank ako? Bukod sa pagiging pa-cool at dakilang nakiki-uso, wala. Nadala lang ako ng hamon kung pa'no ko lalabanan ang hiya sa pamamagitan ng pagdapa sa semento. Isang dakilang trip na masarap gawin noong hindi pa masyadong talamak.

Teka, may mapapala nga ba ang bansa sa batas na 'to kung sakaling maisakatuparan? Wala! Wala! Wala! At wala na kayong magagawa para pigilan ang mga tao na magplank saan man nila naisin at gustuhin.

Ang nakakainis lang naman dito, sa dami ng problema ng bansa lalo ng mga istudyanteng hindi makapag-aral ay kung bakit 'tong planking pa ang napagdiskitahan ni Castelo? Nakikiuso lang ba s'ya? Kung kailan naman laos na ang planking at scarlettjohanssoning na ang uso, tsaka pa s'ya nagpabida.

Imbes na ito ang pagdiskitahan n'yo:


Bakit hindi na lang kayo gumawa ng paraan para maiwasan ang halos pagpa-planking for real na mga kabataang 'to sa buong bansa?


O kaya naman, raid-in n'yo na lang ang opisina ng kung sinu-sinong opisyal sa buong bansa at gumawa ng "Anti-Bondying Act of 2011". Paano nga naman makakapagpasa ng mabisang batas, e puro ata ganito ang ginagawa sa kongreso:


Konti na lang pa-plank na 'yang mga 'yan sa semento! Halimbawa lang 'yan ng mga opisyal ng bayan na walang ginawa kundi magpa-bondying-bondying. "Anti-Bondying Act of 2011" ang mas kailangan, hayaan ang planking. Pinapalaki n'yo masyado, mas marami pa kayong dapat pagdiskitahan; tunay na buwaya-ing, kotong-ing, corrupting, at higit sa lahat ang sleeping n'yong lahat sa kangkungan, mga sir at madam d'yan sa pwesto.

13 comments:

  1. ewan ko ba sa Gobyerno natin! Sa dinami-dami ng problema ng Pinas, nakuha pang pakealamanan ang planking. lalo tuloy silang napaghahalata na WALANG GINAGAWA at pati simpleng bagay na hindi naman nagdudulot ng malakeng problema ay pakekealamanan

    ReplyDelete
  2. Nakakalungkot
    Nakakaiiyak
    Nakakainis
    Nakaka@#$%!*

    Halo-halo ang naramdaman ko.

    ReplyDelete
  3. Ay,shet ang haba na ng comment ko di lumabas.

    Ang masasabi ko lang eh it's POINTLESS. Sobrang pointless to the point na sumakit bigla yun bangs ko kahit wla akong bangs dahil sa ka pointlessan ng bill na to. Matatanggap ko pa sana kung ang sakop ng bill niya yung mga mister na nag pla-planking sa mga chikabelles nila.=))

    Mas madami pang iang problema yung bansa natin na kelangan pagtuunan ng pansin bakit naisipan niya kaya ang planking? Sample nalang diyan yun mga batang kalye na naka plank everyday.

    ReplyDelete
  4. Swakto ang article na to. Bakit nga ba hindi na lang yung mga bata sa lansangan ang asikasuhin nila imbes na yung planking na umuuso na yan. First time I heard "planking" sinesearch ko kagad kay pareng google after that hindi na ako naging interesado,why? kasi di ko type magpa picture na tago ang mukha ko.lol

    Anyway, just here again to say hello. I dont know if you still remember me. -Dark Lady

    ReplyDelete
  5. I AGREE WITH YOU. CRITICZ SHOULD SET THEIR THOUGHTS ON ADDRESSING THE REAL PROBS OF OUR NATION, IN GIVING SOLUTIONS TO PROBS.

    OUR LESS FORTUNATE KABABAYANS ARENT ACTUALLY BURDEN IF YOU TEACH THEM TO HELP THEMSELVES IN A VERY CARING MANNER. THEY SHOULD MAKE US REALIZE THAT WE ARE GIVEN THE VALUABLE OPPORTUNITY TO HELP. WE CAN HELP IN LITTLE WAYS WE CAN. WE CAN LEND A HAND & AMKE A DIFFERENCE.

    ReplyDelete
  6. Wala na kasi silang makitang solusyon sa problema ng bansa natin kundi ang kung ano lang ang latest. Para lang silang sawsawan at kung anu anong bill ang pinapatupad. Ni hindi gawin ang trabaho at di na magnakaw. Crocodile country talaga tayo, pugad ng buwaya.

    ReplyDelete
  7. ahahha natuwa ako dun sa planking sa loob ng kongreso.. hahaha natutulog na planking.. hahah humihilik pa hahhaa

    ReplyDelete
  8. hahaha! totoo lahat ng sinabi mo, goyo.

    ewan ko kung anung pumasok sa kukote ni cong. castelo pero talagang mapapa kunot ka ng noo at mapapa 'weh?! di nga?!' sa ganitong batas.

    kung magiging senador yung mama, malamang na gagawa rin yan ng batas na katulad ng kay leon guerrero. lagyan ng minimum weight ang bag ng mga bata.

    dapat sa mga mambabatas na gaya nito mag planking sa mga kalsadang butas butas para naman matakpan yung mga dinadaanan ng motoristang nagbubuwis o kaya, mag plank at gawing tulay sa mga estero at daan na laging binabaha.

    tsk!

    ReplyDelete
  9. anu ba yan! kay small ng brain ni congreshman!

    ReplyDelete
  10. Obyus naman na gusto lang magpapansin ni kuya kongresista. Nagkibit-balikat na lang ako at napa-bahagyang simangot nung malaman ko 'to eh.

    Sobrang old school kasi nila, hindi nila maintindihan ang point ng online memes, at mga memes in general.

    Pangarap kong magkaroon ng pulitiko na bihasa sa Internet culture. Sana hindi pa huli ang lahat, Congressman Goyo.

    ReplyDelete
  11. May point ka goyo..
    Mas marami pang problema ang ating bansa kesa unahin ang anti-planking act na yan. Kung ayaw nila na makasagabal sila sa trapiko, edi maglagay na lang ng sign na "Bawal ang magplank dito, nakamamatay" hehe.Ilagay lang sa lugar ang planking, kaso yun nga, the clever the place to plank, the better daw...
    Baka lang kasi may mga maaksidente.. ;)

    ReplyDelete
  12. Ang galing ng post na ito, lalo na ung may picture picture ---

    umiksi tuloy ung comment ko, ang hirap magcomment sa loob ng kweba -- ala signal grabi

    isa itong SOBRANG makabuluhan na post. dapat marami ang makabasa nito.

    Regards Goyo --- aral mabuti :)

    ReplyDelete