Pages - Menu

Sunday, September 11, 2011

The Underwear Challenge

Maraming nagsasabi na ang social focus raw ng mga tao ngayon ay ang internet. Totoo naman 'to tsong, 'wag na tayong tumanggi. Lahat nagkukumahog sa pagpo-post ng kung anu-anong shit sa kani-kanilang mga blog. Bawat imik, tweet. Bawat minuto, update. Guilty din ako dito. Nakakagulat din malaman na nakakagulat pala "para sa ilan" na lahat tayo ay may blog na. Nagkagulatan na. Sa totoo lang, natutuwa ako sa katotohanang 'to. 'Yung mga nagugulat kasi, e 'yung mga ilitistang akala ata habambuhay na sila lang ang marunong magblog. 'Wag n'yong angkinin ang internet, mga unggoy!

Abusihin ang internet, pero 'wag kang magpa-abuso dito. Kung alam mo ang ibig kong sabihin, e di magaling! Inaabuso mo ng husto't nagtagumpay ka sa panggagahasa sa internet kung marami ka nang natutunang bagay na talaga namang kapaki-pakinabang. Biktima ka naman kung dumating ka na sa punto na hindi ka mapakali sa pagrefresh kung may bumisita na at pumansin sa bawat gawang ilalathala mo. Lagpas sukdulan naman ang kaengotan mo kung ultimo 'yung mga likes at comments sa bawat facebook status mo e inaabangan mo.

Hindi ko pwedeng tawaging istilo 'to, dahil hindi naman maganda ang galawan kong 'to. Ano nga bang tinutukoy ko? Ano pa nga ba, e di 'yung pagbuga ng mga bagay-bagay sa bawat introduction ng isang post na sobrang layo sa magiging katapusan nito. Sa makatuwid, pampahaba at pampalakas lang ng bula ang buladas intro na nabasa n'yo.

Ang sadya naman talaga ng post na 'to ay para sa isang bagay na hindi naman talaga dapat ipagdiwang, pero dahil mahilig akong makiuso't makisawsaw, magce-celebrate rin ako. Malayo pa naman talaga ang araw na 'yun. Pakiramdam ko kasi masyadong mahirap ang kontest na 'to kaya kailangan talaga ng mahabang panahon. Bukod do'n, magiging masyadong abala rin kasi ako sa mga darating na linggo ng buhay ko.

Bago sumali ang mga tao sa isang patimpalak, kahit gaano pa ka-cool at ka-tae ang kontes na 'yan, premyo naman talaga ang madalas na nag-uudyok para magpatuloy sa pagsali ang mga nagbabalak lumahok. Ano nga bang premyo? Wala akong pera kaya 'wag kang umasa ng engrandeng trip to Afghan for two. Domain lang ang premyo dito. 'Wag ka na lang din magtanong kung saan ako huhugot ng dot-com na ipamimigay ko. Isang dot-com lang 'to, 'wag kang masyadong umasa na may kasunod pa.

Ano nga bang mapapala mo sa dot-com? #1 Kung tinatawag mong blogger ang sarili mo, patok na patok 'to kung (super-cool-cute-astig-url-na-pinili-mo).com ang mababasa nila sa itaas ng site mo. #2 Magmumukang seryoso ang blog mo kahit puro kataehan lang ang laman nito. (e.g 'Tong blog ko, obvious ba). #3 Magmumukha kang may pera kasi nakapagpundar ka ng dot-com na kung tutuusin ay mura lang naman. Ang siste lang, medyo mahirap kasing asikasuhin. #4 Ipagyabang mo sa lahat ng kakilala mo na may sarili kang WEBSITE. Magiging bida ka, tandaan mo 'yan!

Tama na ang paliguy-ligoy, dumiretso na tayo sa mekaniks ng laro:
#1 Lahat pwedeng sumali sa kalokohang 'to. Basta malakas ang trip, artistiko kuno, at matindi ang lakas ng loob. May blog ka man o wala, pwedeng-pwede. Kung tutuusin naman kasi, hindi 'yung premyo ang mahalaga dito, 'yung pagsali n'yo na talaga namang ikatutuwa ko. Pwedeng-pwedeng dibdibin, pwede rin namang babuyin. Nambaboy ka na, may domain ka pa.
-
#2 Kakailanganin mo ng kamera, 'tol. Kahit anong kamera, pwede! At dahil patok na patok ang pagkuha ng larawan ngayon, at halos lahat tayo ay may pasyon na sa potograpiya, e di dito na rin tayo mag-focus sa shit na larong 'to. Ano nga bang kukuhanan ng larawan? Teka, eto o:

#3 Hindi naman kailangang kita ang mukha mo, basta depende sa istilo at trip mo. Ang subject? bra, brief o panty ng kahit sinong taong trip mo. Syempre mas malupet at patok kung ikaw mismo. Simple lang, kuhanan ng larawan ang mga panloob na nabanggit sa artistiko kunong paraan na alam mo. Pwedeng bra lang, panty lang o brief lang ang kasama. Pwede ring maghubad, ilagay sa ulo ang brief o bra, 'yung mga tipong ganun basta maibalandra lang ang isa sa tatlong underwear na 'yun. Ikaw na ang bahala sa gimik. Basta depende sa gagawin mo. PS: Hindi kailangang naka-photo set, ginawa ko lang 'yan para kunwari cool. Isang larawan lang din ang kailangan ko. Magphoto set ka rin kung trip mo.
-
#4 Lagyan ng pamatay na caption ang larawan na pinaghirapan mo. "Modern Fuckin' Vampire" ang title ng larawan sa itaas. Alamin mo kung bakit ganun ang titulo n'yan. Isa 'to sa dahilan kung bakit kailangan ng caption; para cute, astig, kwela, at higit sa lahat makuha namin ang gusto mong iparating sa malupet na picture mo. Hanapin mo nga pala 'yung pulang panty sa sample picture sa itaas.
-
#5 Kapag swabe na at kuntento ka na sa picture na makukunsiderang obra, ipadala mo lang ang mahiwagang entry sa email address na 'to: GOYOx1989@gmail.com. Hintayin mo lang ang signal kung kailan ko ilalathala ang picture na ipinadala mo. Kung trip mo nga palang i-post din sa site mo ang entry mo, walang problema. Kahit 'yung link na lang ng post mo ang ipadala mo sa email ko. Note: Hindi lalampas ng 24 oras para maipublish ang bawat entry. Pagkapadala, as soon as possible, eere na 'to.
-
#6 Paano malalaman ang mananalo? Ganito:
10% - Boto ng mga kapwa blogger na kilala mo. Wala akong pake kung saang lupalop pa galing, basta may blog pwede. Kahit nga notepad sa facebook pwede e. Kailangan lang nilang magcomment sa post na 'to, kung anong number ng entry na gusto nila. Bawat blogger ay pwedeng pumili ng tatlong iboboto. Hindi pwedeng anonymous. Gamitin ang URL ng blog kung boboto.
10% - Tulad ng mga nauna ng kontes sa mundo ng internet, kakailanganin nyo rin ang tulong ng mga facebook friends n'yo. Ipa-like lang ang entry n'yo, pang-dagdag din ang 10 porsyento na 'to. Gayahan lang dito ng mekaniks, ganun talaga ang buhay e. Akala mo sobrang laki ng premyo, may pa-like-like pang nalalaman. Pwede nyo nga palang i-unlike 'yung page pagkatapos para hindi masyadong nakakahiya sa mga napwersang maglike na mga kaibigan n'yo.
80% - Ang natitirang otsenta porsyento ay manggagaling sa boto ng limang gagong kilala ko.
-
#7 Magsisimula ang pagboto oras na mailathala na ang picture na ipinadala mo sa mahiwagang page ng blog na 'to. Mas maaga ang pagpapadala, mas matindi ang tyansang manalo. Matatapos ang botohan sa ika-8 ng November. Ilang araw pagkatapos ng nasabing petsa ay sasabihin ang pangalan ng nanalo. Isa lang nga pala ang mananalo. May libreng butas na brief ang nasa ikalawa't ikatlong pwesto. Ayos? Ayus!

Tulad ng sinabi ko, isang malaking trip lang ang kontes na 'to. Ito ang "The Underwear Challenge" na susubok sa pagiging malupet mo sa pag-iisip ng kung anu-anong cute na bagay gamit ang bra, panty at brief sa isang larawan. Isipin mo na lang na hamon 'to. Isipin mo na lang na nanggagago tayo. Kapag walang sumali, e di walang panalo! Simple. Basta aasahan ko ang pagsali mo ha, kahit trip lang 'tol.

PS: Inspirado ang kontes na 'to ng malupet na Tumblr URL namin ng gelpren ko. Kung ano mang pagkakahawig sa ibang pakulo dito sa internet ay malamang nagkataon lang, matagal ng plantsado 'to. Ito na ang pinaka-korni at medyo kumplikadong kontes na sasalihin mo. Para walang manalo. \m/

The Underwear Challenge Entries: [1:Wapak] [2:Salbe] [3:Duane] [4:Czarina] [5:Kath&M] [6:Rogasm[7:Mart] [8:Pao] [9:Jen] [10:Jaja] [11:Joey] [12:Bino] [13:SuperB[14:Palakanton] [15:Aneth] [16:Corinth] ['Yung sa'yo?]

36 comments:

  1. Inspirado ang kontes na 'to ng malupet na URL namin ng gelpren ko sa tumblr.

    Ako nga pala ang gelpren nya sa Tumblr! Tae ka, Alexis, bakit may gelpren ka pa ba sa FB, Twitter at dito sa puking amang site na 'to? Sa totoong buhay sino gelpren mo?

    Hindi mo man lang binigyan ng credits yung pag balandra mo sa panty ko! :(

    ReplyDelete
  2. Pinilit ko ring baguhin ang pagkakaayos nung pangungusap na 'yun pero mahirap. Alam mo naman ang ibig kong sabihin dun, tumblr URL ang tinutukoy ko dun. Hehe.

    Gawin na rin nating papremyo 'yung panty mo. :">

    ReplyDelete
  3. ang haba. sino kaya ang pweding biktemahin dito.

    ReplyDelete
  4. natapos ko din..

    anyway, medyo guilty ako sa first 6 paragraphs mo, hmm..

    very inviting ang challenge mo pero lately kc medyo busy sa school and daming out of town, eh wala akong sariling laptop so, I guess d ko sya magagawa..pero ttry ko mga friends ko kung game sila :)

    ReplyDelete
  5. ang hirap..... ihahanada ko ang kamera.... baka may maispatan na nakapanty

    ReplyDelete
  6. good luck dito!!!! atdomain ang prize. tiyak maraming sasali :D

    ReplyDelete
  7. Interesado ako kaya lang napakadaming ginagawa. Ayoaas isang domain :)

    ReplyDelete
  8. re your comment: wala akong masabi. lol..btw, marami kaya akong pic dun..^_^ d mo lng npansin cguro :)

    ReplyDelete
  9. Hehehe, Astig nito! aabangan ko ung mga sasali :D

    Ako sasali? hmmmm, camera shy ako eh :))

    ReplyDelete
  10. @lordcm, sali ka pa rin sir! Di naman kailangang kita ang mukha, concept na malupet lang, pwede na!

    ReplyDelete
  11. dapat may cash prize :D

    ReplyDelete
  12. astig to!

    goodluck sa pakontes mo parekoy!

    ReplyDelete
  13. hahaha dito lang ako magpapass.. hahaha... pass muna....

    ReplyDelete
  14. aww...ang hirapness naman...ayan may nakuha ka ng kumento galing sa kin.

    ReplyDelete
  15. waaah ang kuleet ng pakontest mo!!!!

    ReplyDelete
  16. ang cool ng pakontest mo ah kaya lang busy pa goyo.. let see ^_^

    ReplyDelete
  17. astig na pacontest! ...mkapag-isip nga ng asteeeeg na concept

    ReplyDelete
  18. gusto kong sumali, pero auto-talo na kaagad, kailangan ng "likes" e, wala akong sandamukal na ka-FB tsaka ka-tumblr.. hahaha

    pero nakakatuwang konsepto, aabangan ko mga susunod na mangyayari..

    ReplyDelete
  19. @arlene (huhu, kapangalan mo pa ermat ko), wala naman akong planong mang-entertain, gusto ko lang ipagdiwang ang ikalawang taon ng lugar na 'to sa internet. Dalawang matatag na taon! Hehe. Teka, nay ikaw ba 'yan?!

    ReplyDelete
  20. haha bka sya na nga yan pare! hehe

    ReplyDelete
  21. Sayang may domain na rin ako. Sana maraming sumali dahil gusto ko makita ang mga entries.

    Ang haba ng intro!!! LOL

    ReplyDelete
  22. haha..gusto ko yung concept parang comedy..haha :) pero sana wag namang my kahalong kabeystosan :)

    ReplyDelete
  23. parang masaya ito ah... hehehe

    makaisip nga ng entry.. :p

    ReplyDelete
  24. ok ah domain un prize sayang sira court ngayun d2 samin eh ang dami pa nman lage nka-brief pag naglalaro pag kagaling sa laot derecho na sa court pra mgbasketbol, pero try din ako bka my naispatan.....

    ReplyDelete
  25. Parang gusto ko ngang sumali. Gusto ko ng Rogasmic.com :)

    ReplyDelete
  26. Team Kath&M for the win! Napaka-artistic at tastefully presented ng photos.

    ReplyDelete
  27. there are things i will do because i love a person.. so YEY FOR TEAM KATH AND M! weee!

    ReplyDelete
  28. Kath and M. Sabi ni M boto ko daw e.

    ReplyDelete
  29. 'Kingina. Sa dinami-rami ng pabor na hiningi sakin, ito na siguro ang pinakasusuklaman ko.

    Pakyu kayo, M at Kath. May utang kayo sakin.

    Sa kanila nga pala ang boto ko. Pakyu kayo.

    XoXo

    ReplyDelete
  30. http://palakanton.blogspot.com/2011/09/underwear-challenge-spider-mans.html

    -yan pre ang link-

    ReplyDelete