Pages - Menu

Sunday, October 2, 2011

DPWHing

Pagkatapos ng pagpapabida ng magiting na kongresistang si Winston Castelo sa kanyang "Anti-Planking Act of 2011", noong byernes lamang ay lumabas naman ang isa na namang walang kwentang balita ukol sa panibagong batas: ang "Anti-Angry Birds Law", na sa awa naman ng kung sinong maawain ay hindi totoo at isa lamang satire. Sabagay, wala namang nakakagulat sa balita kung naging totoo.

Sinimulan ng planking ang lahat. Pagkatapos magdapaan sa kung saan-saang lugar ang mga tao, sumunod naman ang pagiging kwago (owling). Meron pang pugot ulo (horsemaning) at ang matinding batmanning. Ilang linggo lang ang nakakaraan ay pinag-pyestahan naman ang pagkalat ng mga larawan ni Scarlett Johansson na naging simula ng panibagong internet posing craze na tinawag na "scarlettejohanssoning". Ang isang -ing na hindi mo magagawa kung hindi ka nabiyayaan ng lakas ng loob at makinis na puwet.

Ang buong akala ko nga'y matatapos na ang lahat ng -ing,  hanggang sa dumating ang lecheng si Pedring na naging sanhi ng pagkawasak ng maraming tahanan sa iba't-ibang panig ng bansa. Kabilang nga sa nasalanta at winasak ni Pedring ay ang Roxas Blvd na pugad ng mga bading. Magkatunog lang, hindi ako sigurado kung marami ngang bading do'n. At syempre kapag may bagyo, mabilis na papasok ang mga pulitiko. Kanya-kanyang pabida sa pagtulong sa mga nasalanta. Kanya-kanyang abot ng pwedeng iabot kalakip ang kung anu mang kapalit. Sa kaso ng Roxas Blvd, may isang departamentong nakalaan para umayos dito. Ang DPWH; ang DPWH na mabilis namang umaksyon. Ang ipinagtataka ko lang, kailangan pa ba talagang ipakita sa mga tao na nandun mismo ang malalaking tao ng DPWH at hands-on sa pag-iisip ng solusyon sa mga pinsala? E bilang tamad naman talaga ang mga bundat na 'to, noong araw siguro na nakatakda silang pumunta sa site e nagkatamaran ang mga mokong at may isang matalinong unggoy ang nakaisip na i-photoshop na lang ang lahat! Bukod nga naman sa iwas pagod, ibulsa na lang ang budget sa pagbisita sa site. Mas mura nga namang umarkila ng bobong tao para mag-edit ng larawan.

Malas lang talaga nila at nausuhan na ang mga Pinoy ng internet at photoshop. 'Yun ngang mga low class movie effects ng mga pelikulang noypi, hindi na natin digs e. 'Yun pa kayang sobrang pulpol na pagkaka-edit ng larawan?! Ito din siguro 'yung mga artist ng DOT. 'Yung mga artist na pulpol din sa paggawa ng DOT logo noon. Mukhang hindi na ata talaga matatapos ang king inang mga -ing at hinaing na 'to sa mga opisyal ng bansa.

At syempre, papahuli ba naman tayo sa DPWHing.


9 comments:

  1. may bago na ah, BAKLing! :D nyahahah ayos ah, alam ko yang lugar na yan, malapit yan sa kubli.lol

    ReplyDelete
  2. goyo, bat parang photoshopped lang pagkakaupo mo sa gilid ng tulay?

    mabuhay ang mga taga DPWH. hindi pa tinodo ang mga pangarap at sa surface ng buwan isinama picture nila. mga hangal. tsk!

    ReplyDelete
  3. Naks instant sikat ah! kaya lang sana kumuha sila ng magaling sa photoshop. Sayang ang pagpapapogi nyehehehe!

    ReplyDelete
  4. tama ka dun ser, talaga naman o. lahat gagawin para magpabango. yun nga lang sumingaw parin yung baho.

    sarap batukan nung nakaisip nun. parang tanga lang. nakakainis.

    apekatdo talaga ko e nu? haha

    ReplyDelete
  5. Loool. Gagawin ang lahat ang lahat sa ngalan ng pulitika. Well, what do you expect? We are in the Philippines.


    I-trending na yan sa Twitter: DPWH-ing. :)

    ReplyDelete
  6. Hindi na sila nahiya. Sinisisi pa nila yung photographer. Hindi na lang nila gawin ang trabaho nila keysa mag-stage ng effort at magpretend to be busy.

    ReplyDelete
  7. hahaha dami ng whatever sa pagpapakuha ngayon ano... eh dati posing lang naman tawag nito.. hahaha

    ReplyDelete
  8. Hi,

    I would like to invite you to join BC Bloggers. We help bloggers exchange links with each other fast and easy.

    Join BC Bloggers Here

    ReplyDelete