Pages - Menu

Sunday, October 16, 2011

The Pink Arinola

Normal na gabi lang naman ang lahat noong araw na 'yun. Nakaupo ako sa gilid ng bintana, nakaharap sa liwanag na nagmumula sa study lamp, nakapatong ang mga braso sa lamesa. Paminsa'y sumisilip din sa labas sa tuwing may maririnig na yapak sa kalsada. May oras din na bigla na lang akong matutulala sa ilaw na nakasabit sa poste.

Paulit-ulit lang ang nangyayari. Sa pagitan ng bawat aralin na pilit kong isinisiksik sa kokote ko, hindi ko maiwasan ang magsindi ng sigarilyo; pampakalma, pampawala ng pagod, pang-alis ng antok, panlibang, o nakasanayan na lang. At sa bawat istik, makakaramdam ng panunuyo ng lalamunan dahilan para tumungga ng isang basong tubig. Paulit-ulit. Ang ending, punung-puno na ang pantog ko sa dami ng tubig na nainom ko.

03:45 ang oras na nakalagay sa telepono ko. Siguradong patay na ang ilaw sa ibaba. Kung hindi ako makakasipa ng mga bote ng softdrinks na nagkalat, malamang naman e makatapak ako ng pusa. Ang masama, baka mamaya doon ako mapapasok sa kwarto ng land lady ko at hindi sa kubeta. Kalimutan ang teorya mong takot ako, tamad lang talaga.

Tatlong buwan na rin ang nakakaraan noong maglipat ako ng gamit dito sa boardinghouse malapit sa Shakey's sa tapat lang ng Uste. Ayoko sanang dalhin 'tong pink arinola na minana ko pa sa kapatid ko. Pero sabi ni ermat, mapapakinabangan ko. At dumating na nga ang gabing 'yun. Bilang sagot sa katamaran ko, pink plastic arinola lang ang matatakbuhan ko. TNL scale: plus 20 sa pagiging tamad, minus 50 points sa pag-gamit ng arinola. Puta, pink pa!

Halos mangalahati ang laman ng arinola sa dami ng iniihi ko. Bumalik ako sa pag-aaral. Wala pang sampung minuto ang lumilipas, nagparamdam na naman ang pantog ko. Isina-isang tabi ko na ang mantra ng mga tunay na lalake. Muli kong nirapido ng ihi ang arinola. Dalawang ulit pa akong muling umihi sa kawawang arinola na naging dahilan ng pagkapuno nito.

Dala na rin ng init ng panahon, hindi maiwasan ang pag-inom ko ng tubig. Pinangatawanan ko ang pagiging tamad. Hindi ako bumaba para umihi sa kubeta sa ibaba ng boardinghouse! Tiniis ko pansamantala ang ihi na gustung-gusto ng kumawala. Malapit na. Hindi ko na kayang tiisin. Matatalo na ako sa larong ako lang naman ang may gawa, at sariling katamaran ko lang naman ang kalaban ko. Pero hindi.

Inihalik ko ang pisngi ko sa bakal na nasa bintana para mas masilip ko ng mas mabuti ang kalsada. Walang tao. Kahit tae ng aso walang nakakalat. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hingang malalim. Itinutok ang noo'y spring na etits sa butas ng bintana. TNL scale: plus 75 sa pag-ihi sa bintana mula sa second floor at pagiging tunay na tamad. Hindi pa man nauubos ang ihi na dumadaloy sa alaga ko, may maliliit na yabag ang naulinigan ko. May taong papalapit mula sa kabilang kanto na hindi ko tanaw dahil walang ilaw ang poste sa gawing 'yun.

Papalapit na ng papalapit. Lumampas na sa tapat ng bintanang iniihian ko. Kita ko na ang likod ng mamang unti-unting lumalayo. Patuloy lang ako sa pag-pagpag ng etits ko hanggang sa masaid ang kahuli-hulihang patak. Nang biglang lumingon ang bwakanginang matanda...

"Akala ko'y umuulan. May umiihi pala!"

TNL scale: plus 115 points sa pag-ihi sa bintana at matandang nakahuli. Plus 20 respect. Bawing-bawi ako sa paglabag kong nagawa sa mantra ng mga TNL sa paggamit ng pink arinolang 'yun.

Bumalik na ako sa pag-aaral at muling niloko ang sarili ko na marami ang pumapasok sa kokote ko. Huli na ng maramdaman kong basang basa pala ang shorts ko dahil sa ihi na gumapang paloob sa pader na kinalalagyan ng bintanang inihian ko.

12 comments:

  1. isa ka talagang TNL! approve :D

    ReplyDelete
  2. hahahaha...ganyan ako dati...

    binabalisawsaw ka ata...lol

    ReplyDelete
  3. "Akala ko'y umuulan. May umiihi pala!"
    ...ganun lang! ganun lang ka normal sa matanda ang ma-ihi-an ;) LOLs!

    ReplyDelete
  4. @ Hana Banana, hindi naman s'ya tinamaan e. Hehe. Noong nasa malayo na s'ya at napalingon sa pwesto ko, tsaka lang naisip yun. Mehehe.

    ReplyDelete
  5. lol. TNL nga. 3yrs old pa ako nung last kong sinubukan umihi sa bintana. wahaha.

    ReplyDelete
  6. HAHAHAHA. Solid yun ah? Alam ko ata yung boarding house na yan malapit sa Shakey's. LOL.

    ReplyDelete
  7. Akala ko asawa ko lang gumagawa ng ganyang kasipagan.hehehehe..Di pala siya nag iisa.

    ReplyDelete