Pages - Menu

Wednesday, November 30, 2011

Super Brownies

Kung meron sigurong pagkain na naging sobrang espesyal sa'ken, isa na siguro ang brownies dun. Tulad din ng pangkaraniwang lalaki ang hanap ko sa isang babae, numero uno s'yempre kapag magaling magluto. Plus 30 points pa kapag marunong mag-bake.

February 14, year kopong-kopong, araw ng mga nguso. Saglit lang tayong nagkausap, hanggang sa magpasya na lang tayo na magkita. Nagulat ako noon sa totoo lang na pumayag ka. Ang sabi mo kasi may lakad kayo ng barkada mo. Lakad ng mga single, giit mo pa sa text mo sa'ken. Hindi ko alam kung totoong hindi talaga natuloy 'yung lakad n'yo, o tulad ko, gusto mo ring magkasama tayo.

Ilang oras pa ang lumipas, heto na nga't magkasama na tayo. Buong yabang mo pang sinabi na may pasalubong kang brownies at ikaw pa mismo ang nagbake nun. Alam ko namang hindi ikaw ang nagbake pero napaniwala mo akong ikaw nga ang gumawa nun kahit may Max's na tatak sa ibabaw ng kahon. 'Yun siguro 'yung gayumang tinatawag, o baka naman sadyang madali lang akong utuin basta pagkain ang usapan.

Nakakahiya mang aminin, pero 'yun ang unang beses na may natanggap akong something na may malisya sa araw ng mga puso. Sa pagkakaalala ko ha. May sumpa kasi ako kapag valentines e, kung hindi kaaway ang kasintahan, madalas naman ay walang girlfriend.

Gusto ko sanang titigan lang ang brownies na dala mo, pero marupok ako kaya nadala rin ako ng katakawan ko. Habang kumakain ako-- oo, ako lang dahil sinabi mong busog ka kahit mukhang gutom ka na at tinitiis mo lang ang nararamdaman mong kalam ng sikmura, maperfect lang ang pagka-flat ng tiyan mo lalo 'pag nakahiga. 'Yun na nga, habang mag-isa akong kumakain ay panay lang ang ating kwentuhan. Walang masyadong bigat na drama noong gabing 'yun, kuntento lang sa kung anong ihain ng buwan.

Hindi ko inubos ang bigay mong brownies, nagtira ako ng tatlo. Hindi naman sa sobrang gusto ko at medyo kinikilig ako sa bigay mo, nagkataon lang din na wala na akong pangkain kinabukasan noong araw na 'yun.

At tulad ng lahat ng pelikula, ang gabing din 'yun pala ay may ending. Natapos ang valentines day na tayo ang magkasama. Inihatid kita sa sakayan, wala man akong rosas na alay sa'yo, kahit papaano nama'y alam ko na napasaya kita sa piling ko. Ayaw man nating magkahiwalay noong gabing 'yun, subalit hindi pwede dahil kailangan mong umuwi. Cinderella pala ang drama mo sa bahay n'yo. Nagalit ka pa nga sa'kin dahil hindi kita naihatid hanggang sa inyo. Gusto ko sa totoo lang, nahihiya lang akong manghingi ng pamasahe sa'yo. At tuluyan ka na ngang sumakay ng jeep at iniwanan ako.

Habang naglalakad pauwi, alam kong totoo ang mga ngiting gumuguhit sa mga labi ko. Totoo ang kilig. Nagmarka agad sa kalendaryo ko ang espesyal na araw na 'yun. Hanggang sa matisod ako ng ligaw na bato sa konkretong kalsada ng Morayta, kasabay ng pagkakaalala kong hindi nga pala tayo at may girlfriend ako.

Pagdating sa boardinghouse, ilang minuto lang ang lumipas ay nakita ko ang tatlong brownies na nilalanggam na. Tulad ng tatlong brownies na itinira ko, ng bibig at sikmura ko, siguro nga'y hindi nakalaan at nakatadhana na maging tayo noong mga panahon na 'yun. Magkagayunpaman, ikaw pa rin ang super brownies ko. E pa'no, sobrang itim mo!

Pero seryosong cute ka naman, kaibigan. Na minsan ko ring minahal kahit bawal.

10 comments:

  1. @Anonymous, okay! Iaassume ko na ikaw talaga 'to at nakita mo ang link sa facebook newsfeed. Hehe. Be happy, kaibigan! :3

    ReplyDelete
  2. nakakadisappoint talaga na hindi mo q hinatid. ;// lols past is past hehe

    ReplyDelete
  3. @Anonymous/K, LOL! Pagbutihan mo na lang sa boyfriend mo ngayon. Kung ikaw nga 'to. Hehe. Pwede naman kasing maglagay ng alyas. Baka isipin ng makakabasa, kinakausap ko ang sarili ko. Huhu.

    ReplyDelete
  4. minsan ko ng minahal pero bawal.....naksss!! yun yon!

    ReplyDelete
  5. Si Eba to. hayy nako sa dami namin nalito ka na. single ako teh. mas mabuti na rin siguro bka mapaaga ang pag-aasawa eh hehe pagbutihin ko na lang siguro ang career muna.=D hehe

    ReplyDelete
  6. At sino ka namang Eba? Wala akong kilalang Eba, promise! Haha.

    Opo, career ho muna. 'Yung pag-aasawa, maingat naman ako kaya wag kang mag-alala. Lol.

    ReplyDelete
  7. dali mo namang makalimot.. :(

    ReplyDelete
  8. WOW HAHAHA HI GUYS! WHO'S THE GF HERE? NALLITO AKO! SARAP MAGKALAT SA BLOG MO GOYO HAHAHAHA

    ReplyDelete
  9. kaw na maputi A. :P

    ReplyDelete