Pages - Menu

Wednesday, December 7, 2011

Usapang Nakaka-lalake

Simula noong sumikat ang manifesto ng mga tunay na lalake (tnl), naging numero unong palusot na ng mga katulad kong butete na ang tunay na lalake ay walang abs. Na ang pagiging abala para magkaroon ng abs ay mga gawaing pang hindi tunay na lalake lang. Na kaya malaki ang tiyan namin dahil malakas kaming kumain ng kanin at higit sa lahat, malakas kaming uminom. Mga tunay na lalakeng galawan na mukhang hindi naman nakatulong sa'kin sa maraming aspeto ng buhay. Mga palusot ng katamaran at kawalang disiplina, sa totoo lang.

Ginasgas ng husto ang palusot na ang tunay na lalake ay walang abs sa tuwing may pupuna ng nagmumurang pambuteteng tiyan. Ilang damit na ang hindi maisuot at tuluyan ng nabulok sa aparador. Ilang pantalon na rin ang nagpaalam, 'yung iba nagagamit nga, mabilis naman mabutas at bumigay ang zipper dahil sa sikip. Parusa rin ang hirap sa pagbili ng mga bagong kasuotan, ayaw ko namang mag-super loose shirt. Mas lalong pahirap ang pagyuko, lalo kapag magtatali ng sintas. Kailangan din ng matinding effort sa pagpapaliit ng tiyan sa tuwing may makakasalubong na bebot. Sa makatuwid, masagwa talagang tingnan kapag malaki ang tiyan. Ikinalulungkot ko mang sabihin at ipamalita, kasama ako sa lumalaking porsyento ng mga butete sa Pinas.

Sa panahon ngayon na numero unong sukatan ng pagkatao ang panlabas na anyo, sino ba namang hindi mababahala sa paglobo ng katawan. At mas lalo akong sinampal ng isang masaklap na paalala na kailangang kailangan ko ng magpaliit ng tiyan at magpapayat noong minsang nag-cr ako sa Jollibee pagkatapos kumain ng sobrang dami.

Pagpasok sa kubeta ng nasabing fast food chain, daglian akong humarap sa salamin para suriin ang kagwapuhan. Napayuko sa tiyan na puno ng fries, burger, softdrinks at meatballs. Masaya ako sa kabusugang nararamdaman pero pilit gumuguhit ang lungkot sa mukha dala na rin ng sagwa ng hitsura ng tiyan. Napailing na lang ako. Pagkatapos suriin ang kumukupas na angking kagandahang lalaki, dumiretso na ako sa cubicle para pakawalan ang ihi na kanina pa tinitiis. Yumuko ako para silipin ang alaga, o shit, ulo na lang ang nakikita ko at malapit ng maglaho dahil sa paglaki ng tiyan ko. Damay pala pati ang pagkalalaki sa paglaki ng tiyan, at pihado mas malaking problema 'to.

O baka naman, maliit lang talaga ang etits ko.

7 comments:

  1. haha, kaya nga kahit ako'y mau-ulcer na pinipilit kong 2x a day na lang kumain, at laway na lang ang aking nilulunok pag may meryenda o pagkain na aking nakikita... ayon sa awa ng mga bulate sa aking tiyan ay inubos ang mga taba na nagpapalubo at nagpapaliit nga sa etits "na sabi mo."

    One of my ways is leave my barbell sa aking daanan para kapag nakita kong nakaharang ay kunwari dadamputin ko para itabi para ma-exercise may abs at sabay 5 curls to strenghten my biceps at pag baba ko sa tabi magroroll naman sya pabalik sa daanan mo...

    Galing mo talagang magkuwento pards, pati ako napakuwento mo sa kagalingan mo magtsismis ng mga akala mo walang kuwentang pag-usapan. But it's worth it na ma-iremind mga kabaro natin na health is still one of our assets!

    Good day!

    ReplyDelete
  2. There are girls who like their men to be on the panda side. Dehins ako kasama dun pero mag maganda pa rin na kita mo ang "kaibigan" mo para makapag-hi ka ng maayos at madalas. ^^,

    ReplyDelete
  3. One meal a day lang para swabe.

    Tapos buhos sa weekend para balanse.

    Konting jumping rope lang, ayos na yun. Basta pagpawisan ka lang everyday, malaking tulong na.

    ReplyDelete
  4. ahahaha... dahil nga sa TNL rule na yan madami ang nagpabaya sa katawan. lols.

    tama, pagmalaki tyan, mahirap yumuko. mahirap pumili ng damit... mahirap makahanap ng damit na may discount kasi tyak maliliit ang sizes. grrrr.

    ReplyDelete
  5. Hindi lang ikaw ang may ganyang problema. Kasama rin ako sa lumalaking porsyento ng mga butete sa Pinas. haha! Pero hindi ko masyadong pinoproblema yun. Labs naman ako ng mahal ko kay malaki yung tiyan ko. Oks na yun. Hahaha!

    ReplyDelete
  6. Pag tumataba lumiliit talaga. Kaya yan bawas lang sa rice at ingat kay calories =)
    -mommyJunkie

    ReplyDelete