Pages - Menu

Tuesday, January 10, 2012

Bookworm Kuno

Ang pagkakaroon ng mga kaibigan na mahilig magbasa ng libro ay isang napakalaking bentahe para sa isang katulad ko na gusto ring magbasa pero walang perang pambili at mahilig talaga sa mga bagay na hiram. Hindi ko naman talaga ganun kamahal ang pagbabasa ng libro kung ikukumpara sa mga peeps na maituturing talaga na bookworm at gumagastos para mapalamon ng mga bagong kaalaman ang matataba na nilang utak. Pero kung paramihan at paramihan lang din naman ng istoryang nabasa ang labanan, may laban ako sigurado. Sa sobrang tagal at sobrang dami na kasi, hindi ko na maalala kung ilang buhay at karanasan ng kung sinu-sinong tao na ang nasubaybayan ko sa pamamagitan ng pagbabasa, hindi sa internet at lalong hindi sa libro, kundi sa tabloid. Isa akong avid reader ng bantog na column ni Xerex Xaviera noon sa Abante, 90's 'to noong elementary ako hanggang pumasok ang 2000 at ako ay mag-highschool. Dahil nga hindi pambata ang babasahin na 'yun, nagtatago pa talaga ako sa taas-bahay ng mga lola ko para lang makisilip sa kwento nila. Minsan, pumupwesto rin ako sa bubong. Kung anong ginagawa ko pagkatapos magbasa, akin na lang 'yun. Pati nga ang column ni Dra. Margie Holmes, pinapatos ko na ring basahin kapag walang wala na talaga. Kaya nga ba hindi na rin ako nagtataka kung bakit medyo maalam ako sa mga bagay na may kinalaman sa yugyugan.

Noong matuto naman akong gumamit ng internet, hindi na ako masyadong nagbabasa ng mga dyaryo. Masyado na kasi akong abala noon sa pag-aaral at paglalaro ng kung anu-anong computer games. Pero 'pag namimiss ko at tyempong wala akong takdang aralin, sakto pang walang pasok, bumibili pa rin ako ng tabloid. 'Yung mga Toro na nga lang, Bulgar at Bomba. Naglaho na kasing parang bula sa eksena si Pareng Xerex noon. Parte na rin ng pagkahumaling sa internet noong mga unang taon ko sa college, may nagpakilala naman sa'ken ng website na pantasya.com. Naging tambay din ako dun, at halos lahat ata ng istorya dun nabasa ko na rin. Siguro nga mahilig din akong magbasa, hindi nga lang ng mga likha ng mga sikat na awtor. Iniisip ko nga ngayon na sana pala tipong mga Manila Bulletin at Daily Inquirer ang pinag-aksayahan ko ng panahon. E di sana, matikas na english blogger ako ngayon.

Nakahiligan at natripan ko rin ang magbasa ng mga basketball magazine, FHM at iba pang sexy mags, at nahilig din ako sa mga kung anu-anong trivia. Basta may magazine na nakahambalang ay binubuklat ko, kahit Candy Mag pa 'yan! Hindi dahil sa larawan ng mga pacute na papabols na laging malawak ang ngiti, nangingintab ang ngipin, hinimod ng sakiting kalabaw ang buhok at kulang na lang lagyan ng caption na "Look oh, may dimple ako", punyeta. Binubulatlat ko 'yun para makakita ng mga sariwa at pantasya-in-the-making na mga dilag.

Taong 2008 naman ako opisyal na nahilig sa pagbabasa ng mga letrang nakaimprenta sa papel at may pabalat, ang libro. Bilang napaka-ordinaryong peeps, mga libro rin ni Bob Ong ang unang mga nabasa ko. Meron din kay Atalia. Lahat ay ipinahiram lang ng mga butihin kong mga kaibigan, na chiks syempre.

Kundi hindi pa nagpadala ng alert ang Goodreads sa email ko, hindi ko pa mababalikan ang lahat ng mga librong nabasa ko sa taong dumaan. Ang goodreads.com na ipinakilala lang din sa akin ng isang kaibigan sa tumblr. 2011 pala ang taon na pinakamarami ang librong nabasa ko. 'Wag mo na muna akong ikumpara sa'yo, kwento ko 'to, ikaw na ang kumakain ng libro. Kung kanino mang magaling na epal ang ideya ng nasabing site, napakadakila at sobrang lupit ng naisip mo. Tamang-tama ang lugar na 'yun para sa mga makakalimutin at walang bookshelf na babalikan para alalahanin ang mga librong nabasa tulad ko. Kasi nga, puro hiram lang ang binabasa namin. Narito ang ilang librong nabasa ko noong 2011 at ang mga istoryang kalakip nito. Wala sa pagkakasunud-sunod ang ayos, trip ko lang na ganyan.

1. The Boy Next Door ni Janet Quin-Harkin. Maniwala ka, hindi hand-picked ang isang 'to. Nakita ko lang 'to sa mga gamit ng kapatid ko noong minsang naghahagilap ako ng pagkakaabalahan para patayin ang sangkatutak na oras ko noong lugmok kami sa punyetang thesis. Sabi ni Ineng (baka kasi hindi n'yo alam ang pangalan ng kapatid ko), maganda naman daw at nakakakilig. Tamang chick flick ang datingan, maganda pero hindi ako kinilig.

2. The Transformation ni Natasha Rostova. Dahil nga sa pagbalik ng pagkahilig kong magbasa, naghanap talaga ako ng mga librong mahihiram. Isang kaibigan na itago natin sa pangalang Alianne, na hanggang ngayon ay alien pa rin ang pagbasa ko, ang nagpahiram sa'kin nito. Kung bakit ito ang ipinahiram n'ya? Bastos ata kasi ako dati sa tumblr. Marami akong natutunan sa librong 'to. 1) Kung paano sumulat ng erotika sa wikang ingles na mukhang hanggang pangarap na lang; kung paano ilarawan ang tite, pepe at suso sa salitang hindi malaswa at may halong kiliti. 2) Iba't ibang kalagayan ng babae pagdating sa usaping pag-ibig at sex. 3) Higit sa lahat ay ang dagdag kaalaman na may kinalaman sa BDSM.

3. Looking for Alaska ni John Green. Nakakahiya mang sabihin, pero hindi ko pa makikilala si John Green kung hindi dahil sa librong 'to. Ipinahiram ng mabait at dating kasintahan kong si Corinth. Maganda ang pagkakasulat. Ganitong libro 'yung mga tipo ko. Masyadong mainit si Alaska, masyadong mabangis. Matikas. Ang hirap mahalin. Mas malakas magyosi kaysa sa'yo.

4. The Panti Chronicles ni Jay Panti. Hindi ko na masyadong maalala kung natapos ko bang basahin ang librong 'to. Oo ata. Limang libro ni Jay Panti ang ibinigay sa akin ng isang kaibigan na nakilala ko rin galing sa tumblr na si Mia Perez, bilang regalo raw dahil paborito n'ya akong blogger at para raw akong si Jay Panti kung magsulat (bastos daw kasi talaga ako sa tumblr dati). Hindi ko naman kilala ang sulat ni Jay Panti, pangalan lang ang alam ko. Noong binasa ko 'yung libro, parang hindi naman. Hindi ko pa nga nagagalaw 'yung apat e. Inanay na ata.

5. Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Bob Ong. Kasama rin ang librong 'to sa mga ineregalo sa akin ni Mia. Bilang pagsubaybay sa mga likha ni Pareng Bob Ong, na mukhang mahirap na talagang tigilan dahil utang ko rin naman sa kanya ang pagkamulat ng husto sa pagsusulat, s'yempre naging masaya ako sa regalong 'to. Dalawang upuan ko binasa, tulad ng ibang komento ng mga peeps na sumusubaybay din sa mga likha ni B.O, mas maganda ang mga nauna n'yang libro. May kulang. Minadali, walang asin at anghang. Maganda pa rin naman. Pero, tumatanda na tayo at medyo nag-iiba ang panlasa sa mga bagay-bagay.

May bago na naman nga palang libro si Tiyo Bob Ong, libreng magdonate kapag sawa na kayo.

6. Para Kay B ni Ricky Lee. Kung paanong inilarawan ni Ricky Lee ang pag-ibig at kilig sa ilang mga eksena sa librong 'to, hanga ako. Sabi nga ng mga kilalang tao na nagkomento sa libro, nakalagay sa likod na pabalat, maganda ang bagsakan ng mga salita. Ayoko lang talaga nung huling parte na nagkwentuhan bigla ang mga karakter at ang bidang lalaki na bida rin sa kwento. Naiintindihan ko ang punto nun para sa mga manunulat pero kasi, wala lang. Hindi ko trip. Buti libre ang magbigay ng opinyon na babasahin ng mga tao dahil nakasulat sa blog mo.

Ang libro nga palang ito ay ipinahiram naman sa akin ng kasintahan ko ngayon na si Yna, wala ng tumblr pero marami atang secret blog. PS: 'Wag n'yo namang isipin na lahat ng mababait na babae sa akin ay sinosyota ko. Nagkataon lang na pare-pareho kami ng trip kung minsan.

7. The Hunger Games Trilogy ni Suzanne Collins. Ang unang libro sa seryeng ito ay ipinahiram sa akin ni Pao noong minsang nagkita-kita kami para uminom. Si Pao na isa sa pinakapaborito kong kaut-utang dila na nakilala ko rin sa pagba-blog. Apat na libro ang ipinahiram sa akin ni Pao, isa pa lang ang nababasa ko, ngayon ko pa lang sinisimulan 'yung isa, pero lahat naman ay nabasa ng kapatid ko. Lahat ng librong inuwi ko, kapatid ko pa ang unang nakabasa kaysa sa akin. Mag-iisang taon na sa akin ang mga librong 'to, syet!

Ang pangalawa at pangatlong libro naman ay galing ulit kay Corinth. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nababasa ang huling ikaapat na bahagi sa pangatlong libro na Mockingjay. Naghiwalay na kasi kami. Isinauli ko na ang mga libro, babasahin na rin daw n'ya kasi. Napakagandang istorya ng pagkabitin sa isang libro. Tsaka ko na lang papasadahan ulit ang karingot na kulang kapag ilalabas na ang pelikula.

+

Sa pagsisimula nga ng taong 2012, nagsimula ulit akong magbasa ng libro. Inuna ko ang libro ni Haruki Murakami na Sputnik Sweetheart, kasama sa apat na librong ipinahiram sa akin ni Pao. Madalas talaga sa mga ganitong libro, laging nababanggit ang mga shit na may kinalaman sa pagsusulat, kung paano magiging isang magaling na manunulat, etcetera. Siguro kasi, halos hango sa buhay ng mga sumulat ang mga isinusulat nila. Napakagandang reyalisasyon nito, pumalakpak kayo. At magpahiram kayo ng mga bagong libro dahil magsisipag ulit ako. Gusto kong bumili ng sariling mga libro. Isisingit ko na ang panalangin ko na 'to, sana magkatrabaho na ako!

11 comments:

  1. Maganda yung Haruki Murakami tsaka translated na librong hapon. Erotica madalas.

    ReplyDelete
  2. wow, mas madami palang english books ang nibabasa mo sir goyo. :D

    hp lang ang series na binasa ko. Yung iba mostly pinoy books. Pero oks din magbasa ng english basta trip mo ang plots.

    :D

    ReplyDelete
  3. Trip ko yang Hunger games eh, pero hanggang nagyon wala pa kong nabasa ni isa. Hahaha!

    ReplyDelete
  4. Marami din akong books. Kumpleto ako ng Bob Ong Series, pwera sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan. Naipamigay ko na sa pamangkin ko yung iba kasi naaalibadbaran ako pag maraming kalat. Marami pa akong gustong ipamigay dito e.

    May mga bago akong books na nabili lang last month. Isa pa lang ang natapos ko. Eto sila

    http://rencelee.blogspot.com/2011/12/stress-outlet.html

    ReplyDelete
  5. nung beerday ni dude, niregaluhan ko siya ng para kay b. may nakaipit pang lableter 'yun. pag nagbabasa siya, ginagawa niyang bookmark 'yung makalaglag-panting liham pag-ibig ko. hanggang sa isang araw, naiwan niya sa work station niya. pagbalik namin, wala na 'yung libro. wala na rin 'yung lableter ko. may parteng sexy times pa naman dun. o_O

    nga pala, may nakapagsabi sakin na okey raw tumambay sa tumblr mo kasi puro tumblr na may hot and spicy chicks daw ang fina-follow mo. penge nga 'kong link nang masentensiyahan. XD

    ReplyDelete
  6. di tlga ako makarelate pag book review, magazine lang at tabloids ang kalimitan kung nababasa at isa pa tamad akong magbasa ng libro isa pa wla mahiraman hazzle nman kung bibili pa, wla budget!

    ReplyDelete
  7. @palakantot, hindi naman 'to book review sir! Lolz.

    ReplyDelete
  8. . . . nag-salsal ka sa kubeta, walang duda.

    anyway, battle royale ang pinaka-madugong libro na nabasa ko. at japanese din ang author nun.

    . . . wala lang. troll lang-

    ReplyDelete
  9. iba binabasa ko eh..im into tagalog romance novels..=D anyway..natawa naman ako sa pagbabasa mo ng candymag. yun lang hihihi

    ReplyDelete
  10. @superjaid, pedophile kasi ako. Daming batang bebot dun, eh.

    ReplyDelete
  11. hindi ko alam ang ginawa mo pagkatapos..hahahha


    gusto ko ding basahin yung para kay B .. mukang maganda siya ..

    ReplyDelete