Pages - Menu

Wednesday, January 18, 2012

Dagdagan natin 'yung sinabi ni Kumpareng Bossing Andrew E.

Humanap ka na ng panget, huwag lang 'yung sabaw at sobrang babaw.

Labas dito ang ugali, dahil kapag talagang sobrang sama ng ugali, lahat ng magagandang bagay na tinataglay mo ay titibagin ng kapintasan na 'yun. Ang pagiging bobo, matalino, pagiging panget at maganda lang muna ang pag-usapan natin dito.

Kung bakit ko sinabi na 'di bale ng panget basta malaman ang ulo, simple lang. Mahirap pakisamahan ang babaeng sobrang wala kang mapiga. Pagkatapos n'yong maglampungan, sa pinaka-perpektong sandali ng gabi, kung saan masarap pag-usapan ang mga plano sa buhay, mga trip na dapat gawin, lugar na gustong mapuntahan, mga paborito n'yong pelikula, libro, banda, at mga breed ng hayop na gusto n'yong i-pet, mahirap naman kung ang sasabihin n'ya sa'yo ay, wala s'yang ideya at ikaw na ang bahala with pahabol bilin na matutulog na s'ya dahil napagod talaga s'ya sa lampungan n'yo. Kumalabit ka na lang ulit kung gusto mo pa ng isa.

Pero kung hindi ka naman nangangarap ng masarap na pag-uusap pagkatapos magpakasasa sa katawan at pagmamahal ng isa't isa, at puro kantot lang talaga ang trip mo, sige lang at huwag gawing sangkap ang laman ng ulo sa pagpili ng makakasama. Hindi ko naman sinasabi na dapat ay sobrang talino ang hanapin n'yo. Ang katalinuhan ng tao ay depende rin sa taong magsasabi kung matalino ka nga ba o hindi, depende kung interesante ka sa paningin n'ya. Ang mas nararapat na termino kapalit ng katalinuhan na hinahanap, ay 'yung taong may kasing lebel ng pag-iisip at swak na swak ang mga ideyang inilalabas ng mga ulo n'yo. Marunong tumanggap ng paliwanag, at bukas sa mga bagong kaalaman na matututunan.

Hindi ko rin alam kung bakit ko idino-dokumento ang mga bagay na 'to. Siguro kasi, malapit na akong mag-asawa at dapat ngayon pa lang ay alam ko na ang mga bagay na gusto ko talaga. Isipin mo, hindi naman kayo habang buhay na maglalampungan lang. Darating ang panahon na puro mga salita n'yo na lang ang kikilos para gahasin ang damdamin ng isa't isa.

Mukhang mahirap nga ata talagang mag-asawa.

9 comments:

  1. kelan ka mag-aasawa?

    ako gusto ko na. pero wala pa 'kong pera. ayoko ngang makipisan sa mga biyenan ko. pag ganun kasi ang kalakaran, laging bulbol-sarado ang tite mong maugat sa erpats ni misis.

    pero tama ka dun sa puntong dapat ka-lebel mo 'yung mamahalin mo. 'yung nagsasabi na kamuka mo raw 'yung mapapangasawa mo? produkto lang 'yun ng natural na pagpili mo sa taong ka-lebel mo, physical attribute specifically. kung may itsura ka, natural menteng ayaw mo sa panget. kung panget ka naman, wag ka nang umasang may papatol sa'yong maganda.

    unless mapera ka parang si ninong manny.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tsaka na ako mag-aasawa kapag may trabaho na ako. Hindi ko pa nararanasang sumweldo e.

      Tama ka dun sa punto mong lebel din ng hitsura. Hindi ko na lang pinagdiinan, kasi sa gwapo kong to, hindi naman ako hahanap ng masama ang mukha. LOL

      Delete
  2. Ako ang girlfriend mo ngayon. At iisipin ng lahat na ako rin ang madalas mong nakakausap at nakakasama kahit hindi naman. Ni salita nga hindi mo magahasa ang damdamin ko dahil bum ka dyan sa RIZAL. Hindi ko lang trip ang pagkakasulat. Dahil kung ibang tao ako, at kabilang sa mga TAO mo, iisipin kong si Yna na girlfriend mo ngayon ang tinutukoy mo. Hahahah! Pero okay lang kasi tang ina, alam ko naman sa sarili kong hindi man ako ganon katalino pero MAS LALONG HINDI BOBO! Wala lang talaga 'kong boobs pero maganda ako saka mabait at sobrang talento. Saka mayabang. Happy 6th ~*monthsary*~ LOLOLOLLLL!

    ReplyDelete
  3. naloka ko sa mga comment sa taas di tuloy ako makapagisip ng dapat sabihin tsk tawa na lang ako pwede? hahahahaha

    **

    ayun..tama ka naman na dapat di puro katawan o mukha lang ang pagbabasihan ng makakasama habang buhay. masarap makipagkwentuhan kesa sa makipaglampungan.

    ReplyDelete
  4. tama nga naman. minsan hindi lang naman dapat looks, pero siyempre, bigyan mo naman ng itsura, kasi mahirap gumising tapos akalain mo bangungut lang ang nasa harap mo.

    paborito ko ang blog mo. pasensiya na kung ngayon lang nakapagcomment, pero binabasa ko lahat ng blog mo sa office, thanks sa google reader.

    ReplyDelete
  5. anong mahirap ka jan, masarap may katuwang sa buhay noh.. hehe! pero kong pwd may utak may hitsura pa ang partner mo dba.. sinali na kita sa BR ko.

    ReplyDelete