Pages - Menu

Wednesday, January 11, 2012

Flaming Regla

Bukod sa mga pangkaraniwang trip sa inuman, meron akong isang prank na natutunan noong failed trip namin at tyempong nagkaroon ulit ng inuman sa isang resort sa Pampanga na pinagpalipasan namin ng gabi. 'Yung tang inang inuman na 'yun na naging sanhi ng pagkakaroon namin ng 50 hours community service bilang parusa sa atrasong ginawa namin. 'Yung kaklase kong bully ang bida at biktima dito, na binully din ng mas bully pero mas tahimik kong kaklase. Ang totoo, mas matanda sa amin ng isang taon ang mga 'yun kaya mas matitindi at mas maloloko.

1. Mag-inuman ng normal. Dapat walang plano kunwari para hindi mabulilyaso. Uminom lang ng tama at huwag manlalamang sa kapwa. Kung sinong maunang bumagsak, malas.

2. Kapag may lasing na, hintayin lang makatulog ng mahimbing ang biktima. Dito na magsisimula ang pambubulbol n'yo.

3. Kumuha ng ballpen na pula. Tanggalin ang ball point nito para magtae. Itaktak at ipahid sa likod na bahagi ng tainga ng biktima ang tinta. Huwag masyadong marami, 'yung tama lang. Parang ganito:


4. Pasarapin n'yo lang ang pagtulog. Maganda kung kusa s'yang magigising pagkalagay n'yo ng pulang tinta galing sa nagtaeng ballpen pagkalipas ng ilang minuto. Pero kung hindi kusang nagising, kulit kulitin n'yo.

5. Pagkagising ng biktima, siguradong mapapahawak 'to sa likod ng tenga n'ya dahil sa basang pakiramdam. At kapag humawak na s'ya, kusa na ang pagkalat ng tinta.


6. Normal na reaksyon ng tao kapag may hinawakang basa sa parte ng katawan n'ya ay ang pagtingin sa kamay pagkahawak sa parteng nabasa. Presto, pagkakita ng kawawa mong kaklase o tropa sa kamay n'ya, aakalain nito na nagdurugo ang tainga at batok n'ya.

7. Kapag kinunsulta kayo kung anong nangyayari sa kanya, galingan ang pag-arte.

8. Nakagawa ka ng isang malupit na prank, prank na may napakahabang proseso at matinding pagpaplano. Huwag kalimutan ang pagdokumento sa pamamagitan ng video o mga litrato.

9. Panghuli, ihanda ang mukha dahil oras na malaman na n'ya ang ginawa n'yong pagdudumi sa katawan n'ya, at posible ring pati sa kobre kama, malamang sa malamang eh maupakan ka.

4 comments:

  1. hahaha.. nakarelate ak odun sa inuman..

    ginagawa n lang dahilan ang mga bagay bagay para maginuman .. pasado , depression , celebration , project , beerdays etc

    ayus tong prank n to .. epic!hehe

    ReplyDelete
  2. ako man nakakarelate sa panay panay ang inuman at gimik pero yung mga pranks mga high school friends ko ang mga kasama ko nitong mga college na kami..hihihi nasa FB pa nga ang ebidensya at syempre sino ang pasimuno?syempre di ako yun hihihi =D

    ReplyDelete
  3. panalo ang mga larawan! hehehe. college days nice :)

    ReplyDelete
  4. namiss ko tuloy yung college days kong ganito din.. hahaha

    ReplyDelete