Pages - Menu

Saturday, January 28, 2012

Hindi S'ya si Marie

Bago matapos ang taong 2011, nakarating sa akin ang isang tsismis na magkakaroon daw ng grand alumni sa elementary school na pinanggalingan ko. Unang beses itong mangyayari sa pampublikong eskwelahan na 'yun, at magaganap ito sa ika-8 ng Abril, taong kasalukuyan. At dahil nga sa nasabing grand alumni, bilang isang tambay at laging online, walang magawa sa bahay, at naghahanap ng pagkakaabalahan pati na rin ng trabaho, pandagdag na rin sa pampalipas ng oras, ako na ang nagkusang gumawa ng Facebook group para madaling makontak ang mga dating kamag-aral. Pampabango na rin ng pangalan kung sakali mang maisipan kong maging pulitiko pagdating ng panahon.

Nasa dulo kami ng Rizal malapit na sa Laguna, at kung tutuusin ay probinsya pa ring maituturing ang lugar namin. 1) Wala pang Jollibee dito, 7-Eleven, Ministop, kahit nga Angel's Burger wala e. Pero may mga nagtitinda pa rin naman ng burger, wala nga lang tatak at pangalang matunog na. 2) Dos pa rin ang presyo ng sigarilyong Marlboro. 3) Marami pa ring poso ang gumagana kahit may gripo na. 4) Alas-otso pa lang ng gabi ay halos tulog na ang mga tao at tahimik na ang paligid, pwera lang sa mga tindahan na nagbebenta ng alak at mga kabataang magpapakalango na naman sa alak. 5) Uso pa rin ang Gin Bilog. At panghuli, para sa numero sais na katumbas ng Grade 6 sa elementary, marami pa rin sa mga kaklase ko noon ang walang Facebook! Pahirapan sa paghahanap ng mga dating kamag-aral. 'Yung mga pangit noon, pangit pa rin ngayon. 'Yung iba nagbago ang itsura, medyo gumanda at mga nagkalaman na. Marami na rin ang may asawa. Marami na rin ang nasa ibang bansa. At mas marami ang wala na kaming balita.


Nitong nakaraang araw lang pagbukas ko ng Facebook, kasama sa 35 notifications ko ang pag-accept sa akin ng isa sa mga dati kong schoolmate noong elementary. Hindi kami magkaklase dahil lagi akong section 1 noon, siya naman ay nasa section 3. Tandang tanda ko pa rin ang mukha n'ya, ang totoo ay wala pa rin namang masyadong nagbago. Tandang tanda ko rin pati ang eksenang 'yun na s'ya ang bida, at hindi ko talaga makakalimutan 'yun. Nangyari 'yun noong grade 2 kami.


Dahil halos lahat naman kami noong elementary ay malalapit lang ang bahay, nag-uuwian talaga kami kapag tanghali para kumain kasama ng pamilya. 'Yung ibang mga taga-bundok at taga-ibang barangay ay mga nagbabaon naman ng maluto at sa loob na ng classroom nananghalian. Kaya uso talaga noon ang mga desk na malansa, with matching tapun-tapon pa ng ketchup at mumo. Alas-dose y medya pa lang ay nagbabalikan na agad kami sa school kahit ala una pa ang simula ng klase. Madalas nakasarado pa ang bawat classroom, bilin din kasi sa mga naiiwan na dun kumakain na isara ang kwarto pagkatapos nilang magkalat ng mumo at ketchup. Balewala naman sa'min kung bukas man o sarado ang classroom, maglalaro lang naman kasi kami sa labas habang naghihintay ng pagdating ni ma'am. Ang mga babae, madalas chinese garter ang laro, 'yung iba naman jackstone. Kumporme na lang sa kung anong uso. Kami namang mga lalaki, kung hindi naglalaro ng baraha na may nakaimprentang mga eksena sa mga pelikulang aksyon, nagpapatos naman kami ng pera sa lupa, o kaya naman ay naglalaro ng bomba.


Isang tanghali, kainitan ng araw at kalakasan ng hangin, nag-aangatan ang alikabok sa lupa, naglalaglagan ang mga tuyong dahon mula sa puno ng narra at akasya sa tapat ng silid namin, nagsasayawan ang mga damo sa playground, kasabay ng pagtatakbuhan ng mga bata sa iba't ibang baitang. Sigurado sa ibang dako ng eskwelahan ay may nagsusuntukan, abala naman sa pagsusugal ang mga nasa ika-apat, ika-lima at ika-anim na baitang. 'Yung ibang bata, ngumangasab ng Jolly galing sa suking tindahan na kailangan pang akyatin ang bakod sa gilid bago ka makabili. May mga istudyante rin na sumundo kay teacher para ipagdala ng gamit, sipsip ba, utos ng mga magulang na nagbabakasakaling maging honor student ang anak. Ordinaryong araw sa kanila, pero sa akin hindi nung magsimulang lumakas ng todo ang hangin. Kanya-kanyang takip ang mga bata bilang proteksyon sa mas mabilis na paggalaw ng alikabok sa hangin. Ang mga babae, kanya-kanyang hawak sa palda para hindi umangat at makaiwas sa pagbalandra ng mga panty nilang dilaw at pink lang ang kulay, s'yempre So-en ang tatak. Ang ibang lalaki naman, kahit maalikabok ay dilat na dilat at nag-aabang ang mata sa mga panty na masisilip. Tumigil ang hangin. Tumunghay ako. Muli. May isang kumpol ng alikabok, kahalo ang mga maliliit na piraso ng tuyong damo ang sumama sa hangin at unti-unting bumubuo ng maliit na bilog. Paikot-ikot. Lumalakad. Papalapit sa amin ang munting ipu-ipo, isang mahinang hampas na parang ordinaryong hangin lang, na ang tanging kaibahan ay ang korte nito, muling nagtakipan ng mata ang lahat, hawak ulit sa palda, tumalikod ako...


...eksaktong tatlong segundo, pag-ikot ko para tumalikod ay iminulat ko ang mga mata ko. Ang ibang babae na may kalayuan sa pwesto ko ay bago pa lang humahawak sa palda. Ang isang babaeng 'to na imbes na humawak sa palda at suportahan 'yun sa pag-angat, mas piniling umupo na lang. At dahil bata, pabukaka ang pag-upo n'ya. Nakita ko ang panty n'ya, walang malisya pero may nagpamali, dahil sigurado akong mani n'ya 'yung sumilip sa nakabukang pekpek n'ya ang nakita ko. Butas ang panty ng kawawang dalagita.


Kinabukasan, nagkabuga ako.


Related Story: Ang mga panty. Bow.

5 comments:

  1. ano yung buga? hehehe nakakanostalgic ng mga kwento.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para na rin sa kaalaman ng mga peeps na maliligaw dito at magtataka ng kaparingot kung ano nga ba 'yung buga, 'yun ay tagalog ng sore eyes. Hehe! Hindi ko alam kung 'yun din ang tawag dun sa ibang lugar, pero dito sa'min, 'yun na ang kinamulatan ko. Pwera na lang kung may buga ka, mahirap kasing magmulat ng mata. K.

      Delete
  2. hindi ako naniniwalang patay-malisya ang pagpihit mo si direksyon ng mani ng kaklase mo. tinaymingan mo talaga ang paghagupit ng ipu-ipo sa palda niya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala pa akong malay nun sa mga ganun bagay. Isa pa, hindi kagandahan 'yung taga-section 3 na 'yun. Salamat sa namuong hangin na nagmistulang maliit na ipu-ipo, maaga kong nakilala ang itsura ng mani.

      Delete