Pages - Menu

Sunday, January 29, 2012

Wakwentang List, Wakwentang Tip

1. Ang matatalino at disiplinadong tao ay hindi nakaranas ng pagbagsak mula sa entrance exam hanggang mga major subject at board exam. Naka-graduate sila on time. Hindi nila alam ang pakiramdam ng bumagsak sa isang subject ng paulit-ulit, o kaya sa tatlong subject ng sabay-sabay sa loob ng isang sem. Hindi nila naranasan ang sumakit ang ulo sa pag-iisip kung paano ipapaliwanag kay erpats at ermats na sabit ka sa Filipino at P.E. Higit sa lahat, ang bumagsak at mabigo sa board exam. At mas lalong hindi nila alam ang pakiramdam ng isang napag-iwanan sa kolehiyo.

2. Matatalinong payo lang ang madalas na ibibigay nila at puro may kinalaman sa study habit and all that shit. Hindi nila tayo maiintindihan na mga average student lang, isama na rin natin ang mga bopols at bugok. Hindi nila maiitindihan at mauunawaan na hindi lahat ng istudyante ay magagawa ang mga paraan at teknik nila sa pag-aaral. Parang 'yung titser mo sa isang subject na ayaw ibaba ang antas ng pagtuturo sa lebel ng mga istudyante. Ang ending, lalong walang natututunan ang mga istudyante at mauuwi sa pagbagsak.

3. Kapwa iskul bukol lang ang makakaintindi sa isa pang iskul bukol. Parang pagsasabi rin na tamad na tao lang ang makakaintindi kung bakit tinatamad ang isang tao, partikular sa mga bagay na may kinalaman sa pag-aaral.

Bottom line: Huwag makikinig at susunod basta-basta sa sabi-sabi lalo't galing sa matatalinong tao. Kung binasa mo ang mga nakasulat sa itaas, maiintindihan mo kung bakit.

1 comment:

  1. Gusto kong maiyak habang natatawa sa post mong ito (sige, ako na baliw). Nakakarelate ako. Tama! sa mga taong katulad natin na isang average kid lamang dapat nakikinig kung ano ba talaga ang laman ng silid- aralan at kung ano ang meron sa labas!

    Mabuhay ang mga estudyanteng ginugol ang kalahati ng buhay nila sa katarantaduhan at pagka-cutting! XD

    ReplyDelete