Pages - Menu

Thursday, January 19, 2012

Lalaki kasi 'yung asawa ni Marie

Hindi ko naman talaga kagustuhan na putulin 'yung kwento na pinamagatang "Wala naman talagang panty 'yung asawa ni Marie e!". Una, hindi naman kasi 'to 'yung tipo ng kwento na kailangan pang hatiin dahil may kapana-panabik na kasunod at ending. Pangalawa, bigla akong tinamad magtype at tapusin ang kwento tungkol sa panty na may bumukol na pusa sa loob. Game!

Highschool Level. Siguro nga'y kahit papano ay may malisya na kami noong highschool. 1st year, alam na namin na mas masarap tingnan ang babaeng may malaking dyoga (dyoga ang tawag namin sa suso at boobs dati noong mga virgin pa kami). May kadikit akong kaklase noon na itago na lang natin sa pangalang Poknat, may poknat kasi s'ya sa malaki n'yang ulo pero matalino naman at malakas ang dating. S'ya 'yung kasama ko noon nung ikinumpara namin ang mga papasibol pa lang na suso ng mga kaklase namin sa kung anu-anong bagay na maisipan namin. May butil ng bigas, itlog, itlog ulit pero prito, hindi mawawala ang papaya, pakwan, melon, lahat ng prutas na pwedeng ipilit sa itsurang suso nakasali. Pati ang disenyo ng likod ng bra ng mga kaklase namin ay pinagdiskitahan na rin namin. May t-back, may mukhang aparador na may ukit na mga bulaklak, meron din na parang pinto, at 'yung mga boring na plain lang ang design. At syempre, 'yung mga kaklase kong hindi pa nireregla at tinutubuan ng suso noon ay naka-half-body pa rin. Sigurado rin na So-en panty with burda sa tapat ng puday ang partner nun sa ilalim, take-note, may pangalan nila syempre sa likod ng garter sa gilid.

Second year bigla na lang nagkagulatan sa loob ng classroom pagdating ng pasukan. Aba, 'yung mga kaklase namin noon na sa butil ng bigas namin ikinumpara, sila pa ang may malaking bumper ngayon! Hinala ko, noong bakasyon lang niregla 'yun. Hindi ko na lang papangalanan, kasi naging gelpren ko 'yun noong 3rd year na at hindi naman s'ya ang bida sa kwentong 'to. Balik tayo sa first year.

Isa sa mga kaklase kong nabiyayaan ng suso at talagang proud s'ya na malaki ang suso n'ya ay hottie talaga noon. Tipong confident talaga. May alalay pa. Sa likod ko pa nga nakaupo 'yun e. Isang umaga, dito na nagsimula ang trouble namin sa babaeng 'to na kapangalan ng isa sa kanta ng A1 dati, pero maka-Westlife ako noon. Social Studies ang subject namin noon. Kanya-kanyang taas ng kamay ang matatalino kong kaklase kada tanong ni ma'am. Una-unahan talaga! Kanya-kanyang pabida. Hanggang sa medyo nagtanong na ng mahirap. Itong kaklase ko naman na hottie at medyo may pagka-attention whore dati kahit hindi pa uso ang term na 'yun noon, bilang may utak din naman at malaki talaga ang suso, ay nagtaas ng kamay! Lipat tayo sa next paragraph, classmates.

Tumayo si hottie with malaking boobs. May make-up na s'ya noon, laging naka-tirantas ang buhok, naka-taas din ang pilik-mata, at naunang tumayo ang suso pag-angat n'ya sa upuan para sumagot. Tyempo, ako ang nasa unahan. Alam ko naman na may malaking umpok ng espesyal na taba na sa dibdib lang makikita ang nakapwesto sa ulunan ko para magsilbing unan, pero syempre bilang panggap na goodboy ay patay-malisya lang ako. Habang nagpapaliwanag ang kaklase kong hot na gusto na atang isubsob ang suso n'ya sa batok ko, bigla naman sumitsit sa'ken 'tong mga unggoy kong kaklase kasama ulit si Pareng Poknat. Tumingala raw ako! Sitsit nila sa'ken, may senyas pang kasama. At dahil sa basbas sa paggawa ng kalokohan, bilang hindi naman killjoy na tropa, walang alinlangan, ginawa kong unan ang mahiwagang suso! Yebah!

Pagkatapos ng mga eksena ay nagtawanan, parang may riot. Medyo nainsulto 'tong kaklase ko kahit medyo nakangiti s'ya. Ngiti siguro ng nang-aasar, ewan. Basta kami masaya. Hanggang sa ipatawag kami sa opis isa-isa.

"Bakit mo ginawa 'yun?", unang tanong sa amin ng nasirang mahal naming principal.

"Sabi po kasi nila.", gamit ang boses kong mahina kahit alam ko namang hindi ako malalagay sa alanganin dahil kapit-bahay namin si madam principal. Para damay-damay na rin. Mas marami ang mapaparusahan, mas masaya.

"Kapag ba sinabi nilang tumalon ka sa balon, tatalon ka?", tanong ulit ni madam.

"Oho, sabi po nila eh.", 'yun na lang ang isinagot ko para consistent ang mga statement ko.

Natapos ang eksena sa office ng principal. Sa tagal na ng mga pangyayaring 'to, hindi ko na maalala kung anong parusa namin, o kung pinarusahan ba talaga kami. Natapos ang atraso namin kay hot boobies, pero akala lang pala namin 'yun.

Pagkalipas ng ilang araw, linggo ata o umabot din ng buwan, hindi ko na mahalungkat sa memorya ko ang mga petsa, tanging mga eksena na lang. Muli, ay nagkaron kami ng atraso sa kanya at ako na naman ang may sala. Nyeta!

Taun-taon kasi ay may nagaganap na field demonstration sa school namin noon bilang palabas na rin sa fiesta at pagpapasalamat sa mahal naming patron na si San Miguel. Foundation week din namin, kaya abala talaga ang lahat. Nagpa-practice kami noon ng sayaw, sa oras ng P.E namin ilang linggo pa bago dumating ang mismong presentation. Naka-ilang set na rin kami ng sayaw noon. Pagod na ang lahat. Hindi naman masyadong mainit dahil nasa lilim kami ng mga puno sa paligid. Nakaramdam ata ang instructor, pinagpahinga kami. Kanya kanya na kaming lupagi sa semento noon, suot ang jogging pants at white t-shirt. 'Yung mga babae, hindi lumupagi, ayaw sigurong madumihan. Upong parang medyo naka-bukaka lang pero hindi lapat ang puwet. Ewan ko ba sa mata ko kung bakit naisipang gumala. Masid-masid ng mga tanawin hanggang sa masipat ko ang nakabukakang si hottie boobies. Hindi ko naman sinasadya, napatingin na lang ako dun sa pwesto ng hiwa. Malas, may butas at kita ang panty. At shet na ubod ng lagket, pumasok na naman ako sa isang gulo noong ipinagsabi ko ang nakita ko sa mga kaklase kong lalaki. Nagpyesta ang mga mata, nakahatala ang biktima. Kalaboso na naman ang bida.

It's you again Mr. Gutierrez ang datingan ng mga eksena sa office. Ang ipinalusot ko na lang at ikinaka-badtrip ko talaga, kapag nga practice ng cheering namin sa labas ng school, naghuhubo na lang 'yun basta-basta e. Tapos panty na sumilip lang sa butas na jogging pants, magagalit s'ya?! Hindi ko nga pala alam kung So-en din 'yung panty n'ya, uso na rin kasi ang Avon noon, eh.

Hindi na naman pinakinggan 'yung palusot ko. Naglabas na lang ako ng sama ng loob sa mga kaklase ko. 'Yung nasa taas din ang palusot ko sa kanila, syempre naniwala sila dahil lahat naman kami alam 'yun. Hindi ko na nga pala alam kung paano tatapusin ang kwento tungkol sa panty at suso ng mga kaklase ko, sheeeeeeeeeeeet!!! Bukas ulit!

9 comments:

  1. naalala ko tuloy ung classmate ko na may future.. HOT kung HOT tlga.eheheheh..

    iskulbukol na iskulbukol ang hiskul days mo pre..hahahah...

    sana mabasa to nung biktima este nung classmate mong hot.. lol

    ReplyDelete
  2. hahahaha!! may avon na ba sa panahon mo?! at least avon yon hindi naman natasha no!! hahaha sikat pa rin ang SO-en ngayon akala mo!! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dahil sa reply mo, huhusgahan na kita at iisipin ko na So-en ang tatak ng mga panty mo. Nice! LOL

      Delete
    2. ay hindi so-en ang brand ng panty ko no!! nong bata ako malamang yon ang binibili ng nanay ko! ngayon dahil ako na ang bumibili hmmm hindi ko sasabihin sekreto muna!! hahaha basta hindi so-en!!! hahahaha

      Delete
  3. hahahah, nasa wrong place at the wrong time ka kaya ikaw napupuntirya for principal's office :p

    ReplyDelete
  4. kaloka ang palitan nyo ng comment ni ate quin anyway..pagbata ka talagang soen ang bibilin ng mommy mo para sayo noh pero ngayon aba syempre di na soen. hihi

    wala akong masabi sa kwento mo kasi naman girl ako ako yun pwedeng nabosohan noong high school pa ako pero wala naman akong matandaan hihihi

    ReplyDelete
  5. iba talaga ang coming of age stories ng hiskul, pero wala sa category namin dati ang butil ng bigas haha

    ReplyDelete
  6. hahaha astigin ang high school life ah... sayang nga lang at laet bloomer ata ako at di ko yan napansin o talagang wala lang mga boobs ang mga kaklasi ko.. hahaha

    ReplyDelete
  7. iniimagine ko 'yung pagsandal mo sa boobs ng kaklase mo habang nagre-recite siya. cloud 9, pare! buti di ka nalabasan. loljoke.

    may elementary version ba 'to? damay mo na rin pati pre-school. XD

    ReplyDelete