Pages - Menu

Monday, January 30, 2012

Pera-pera muna!

Imbis na mainis sa tuwing makakatanggap ng mga group message galing sa mga tao sa phonebook ko, kabaligtaran ang nangyayari dahil natutuwa pa ako, pwera na lang kung may hinihintay akong sobrang halagang mensahe na madalas naman ay wala. Kahit papaano kasi'y na-uupdate ako sa mga buhay nila. Lalo na 'yung tipong may konting drama ang laman at banatan galing sa mga tropa kong lalaki na daig pa ang mga baklang iniwan ng mga dyowa nilang hindi man lang nasulit ang nahuthot na pera sa kanila kung magdrama! At syempre hindi mawawala 'yung "gud morning" o kaya "gud eve" sa huli bilang pagbati. Baklang bakla ang mga bwakang ina! Pero okay na rin na dinadaanan nila ako kahit madalas puro mga walang kwenta ang GM nila na 2007 pa patok, kasi kahit papaano'y tumutunog ang cellphone ko na bihira ang may magtext! Masabi lang na may nakakaalalang ibang tao, pwede na!

Kanina nga ay nag-group message na naman 'tong isa kong tropa, ang totoo s'ya lang naman talaga lagi ang suki ng inbox ko. Paliwanag naman n'ya, mga barako lang naman daw madalas ang dinadaanan n'ya. Ito ang sabi sa text n'ya: "Talaga bang pera at achievement sa buhay ang #1 factor para sa security?".

Nagtanong ang gago sabay sabing, "Hindi rin siguro." bilang pagsagot n'ya. Napapag-usapan na rin naman, sasagutin ko na. Para sa mga katulad naming salat sa pera at tayug ng narating sa buhay pero sobrang gwapo, madalas talaga ang pagdalaw ng ganitong usapin, hanggang tumubo at mamahay ang insecurity sa dibdib at medyo makaapekto sa taglay na kagandahang lalaki na tanging pinaghuhugutan ng kumpyansa sa sarili.

Sa panahon ngayon, hindi na uso sa mga kababaihan ang gwapo, sabi nila at base na rin sa survey na ginawa namin sa mga kababaihan na kakilala namin. Mas panatag sila na may pera at trabaho ang lalaki. Balewala ang lait ng mga kaibigan sa pangit na mukha ng kumag na kinakasama, makasigurado lang sa hinaharap sa buhay. Hindi bale ng magkahawahan ng kapangitan, basta tapat at stick-to-one. Okay lang na magmukhang may kasamang mascot sa profile picture sa Facebook, pwede naman silang i-block. Okay lang mawalan ng gana sa pagkain kapag magkasabay, p'wede namang kumain ulit kapag hindi na magkasama. At higit sa lahat, mas gusto kasi ng mga babae ngayon na "mabait" lang ang isasagot, para hindi na rin sila mahirapan sa pag-iisip kung paano ilalarawan ang hitsura at kung sinong artista ang kahawig sa tuwing tatanungin sila ng numero unong tanong na: "Gwapo ba?".

So, ang sagot sa tanong ay "Oo". Iba pa rin kasi talaga kapag may pera! Maliban kay Noynoy, ha? Itanong mo pa kay Pacquiao!

4 comments:

  1. sa experience ko sa marriage, di pwedeng puro pagmamahal, kelangan ding kumain. di rin pwedeng puro kagwapuhan, nakakauta rin. it should be a mixture of everything.

    kaya swerte nga ng Mrs ko, nakuha nya lahat bwaha tigas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. whooo idol na kita simula ngayon...hahaha

      Delete
  2. tulad nga ng sabi ni kuya mcrich dapat mixture of everything pero mahirap makahanap ng ganoon kaya madalas eh pipili ka talaga. pangit na stable o gwapong walang pera? for me dun pa rin ako sa gwapong walang pera, pwede namang pagkakitaan ang kagwapuhan nya. bwahahaha but seriously wala akong pakialam sa mga ganyan basta mahal ko tapos na ang usapan. =D

    ReplyDelete
  3. haha . nakarelate ako sa GM GM na yan ... pag patay ang lab layp natunog lang ang cellphone ko dhil sa GM.

    trabaho na lang ang kulang sakin at pera. *ehem* *ehem*

    buhatan ba to ng sariling bangko? hahaha

    ReplyDelete