Pages - Menu

Sunday, January 15, 2012

Wala naman talagang panty 'yung asawa ni Marie e!

Bawat lebel na pinasok ko sa pag-aaral ay laging may espesyal na tagpong may kinalaman sa panty. Ang panty na kinaiingat-ingatan ng mga kababayan nating may puday. Ang panty na sobrang sagrado at ayaw talagang ipakita sa mata ng publiko lalo't suot ng mga kakabaihan, noon. Gasgas na ang reklamo at enkwentro sa mga chikas na madalas magsuot ng hanging shirt, pagkatapos ay todo hila naman sa mga damit nila pababa sa puwitan para matakpan ang sumisilip na kapirasong likod, cleavage ng pwet na tila labi ng alkansya at garter ng so-en na panty, 'yung kulay dilaw na may burda ng rosas sa gitna.

Ang pagiging elementary, highschool at college, may iba't ibang kwento na hindi na kasalanan ng mga mata ko kung bakit ko nakita.

College Level. Halos linggu-linggo talaga ang pagdaan ko sa Junction, Cainta noon, lalo kapag paluwas na. E pa'no, linggu-linggo rin naman ang ginagawa kong pag-uwi noon para humingi ng baon at magpalaba ng damit sa nanay ko. Madaling araw lagi ng Lunes ang alis ko dito sa bahay, at kahit alam kong mahirap sumakay sa parteng 'yun ng Cainta lalo't pa-LRT ang byahe, hindi pa rin ako nagsasawa sa pag-aabang ng masasakyan sa parteng 'yun. Komportable't nakasanayan ko na kasi dun. Doon lang din kasi ako may pwesto para ihian pagbaba ko. May abandonadong gusali kasi dun dati na puno ng nilalangaw na tae na libreng ihian. Hindi naglaon, naging bakanteng lote na puno pa rin ng tae. Lumipas pa ang mga taon, nawala ang bakanteng lote at may itinayo na RUBI, bilihan ng mga motor sa pagkakaalam ko. Nawala ang ihian ko!

Mabalik tayo sa panty. Noong minsan kasing nag-aabang ako ng masasakyan, wala talaga akong masakyan! Ang daming dumadaang jeep pa-Cubao pero halos lahat puno. Mas marami ang dumadaan na byaheng Tropical lang at McDo, mas mapapamahal ako sa pamasahe kapag nagdalawang sakay pa ako, kaya hindi na lang kahit halos walang pasahero lagi ang mga byaheng 'yun. Tatlumpung minuto na akong nag-aabang ng masasakyan, hanggang magdesisyon na akong magdalawang sakay sa wakas. Sabi ko sa sarili ko, sa ikalawang jeep sasakay na talaga ako. May mga ganung shit ako nun sa buhay ko e. May tumigil na jeep sa harapan ko, "Tropical! Tropical!", sigaw nung kundoktor sa unahan na walang ginawa kundi magpatugtog ng malalakas na tagalog rap, kasabay ng pagtalsik ng laway. Kokonti ang sakay, mga lima lang siguro. Dalawa sa sakay nito ay mga istudyante rin, nakapaldang checkered na medyo dark blue. Matagal ang ginawang pagtigil ng jeep sa harapan ko. Todo hapit sa pagdampot ng pasahero. Matigas ang paninindigan ko na sa ikalawang jeep ako sasakay kahit mahuli pa ako sa unang klase ko. Napabaling ang mata ko sa palda ng isa sa mga babaeng sakay. Medyo gumagalaw na ang jeep, paos na rin ang gangstang kundoktor. Akmang paalis na talaga, papabilis na ang andar, nakapako pa rin ang tingin ko sa palda, bumukaka ang pukinginangshit at kita ang panty na may matambok na kung anong mabalahibong hayop sa loob! Sayang!!!

Simula noong nangyari ang insidenteng 'yun, tinanggal ko na ang ikalawang-jeep na drama ko sa pagsakay.

5 comments:

  1. Sus... Basta usapang panty at pepe susunggaban mo! Pepe ko lang, pls!

    ReplyDelete
  2. may pusa sa loob ng panty ni marie. pero 'yung asawa niya, wala naman talagang panty. unless bakla ang asawa ni marie. o tomboy. o_O

    bitin ang college encounters. nananabik ako sa elementary level. pati pre-school kung meron. :p

    ReplyDelete