Pages - Menu

Wednesday, February 8, 2012

Virgin pa po ako.

Minsan nga gusto ko na lang isipin na hindi talaga ako mapalad at walang swerte sa paghahanap ng trabaho. Wala naman akong balat sa puwet pero ganun pa rin ang nangyayari. Bago pa man ako maka-graduate sa kolehiyo, nakaranas na rin akong mag-apply sa iba't ibang kumpanya bilang isang kolsener boy. Apat na magkaka-ibang kumpanya pero pare-parehong lagapak. 'Yung dalawa medyo nagpaasa pa na pwede akong matanggap, pero 'yung dalawang natira, diretsahang sinabi sa pagmumukha ko na hindi ako qualified sa pakikipag-bastusan sa mga kano sa telepono. Puro chiks pa ang nagsabi nun sa mukha ko, ha! Hindi naman ako ganun kabobo, pero kasi madalas nilalamon ako ng hiya at kaba. Ang nangyayari tuloy, wala. Bokya. Bukod sa hiya, medyo aminado naman ako na mahina ako sa inglisan. Medyo sira rin ako sa fhi at ep. Kaya ayun, hanggang sa tinigilan ko na ang pag-aapply sa mga kolsener company. Para mapigilan na rin kahit papaano ang tuluyang pagbaba ng tingin ko sa sarili ko dahil sa mga kabiguan na tinatamo ko.

Pagka-graduate ko naman sa kolehiyo, hindi muna paghahanap ng trabaho ang inatupag ko. Napasarap kasi ako sa pahingang matagal kong hinintay. Halos dalawang buwan akong tambay bago ako naghanap ulit ng mapapag-applyan. Puro inom ang inatupag ko at pagiging baboy. Nagpabagong-taon pa ako bago umaksyon. Swak na swak sana dun sa bagong taon at bagong buhay kung may kakambal na bagong trabaho. Kaya lang hindi ganun ang nangyari. Unang sabak ko, lagpak agad exam pa lang! Akala ko parang mga exam lang sa school na take your time. Wala man lang nagpaalala sa'ken na pabilisan pala ang laban. Ayun, 'yung last set ng exam hindi ko nasagutan. Pangalawang larga ko naman, sobrang nakakainip! Kung wala ka talagang bayag na papainitin sa tagal ng pagkakaupo, wala ka talagang mailalaga. Apat na oras akong naghintay bago matawag ang pangalan ko at nakapag-exam. Okay naman 'yung exam, medyo yakang yaka. 'Yun nga lang, isang oras ulit bago tawagin. At tinawag nga, pero para lang sabihin na maghintay pa ulit ng tawag para sa resulta ng exam. Sa awa naman ng Diyos, pagkalipas ng isang linggo ay tinawagan din ako. Pinababalik ako para naman sa interview. Isang hakbang na lang magkakatrabaho na ako. Masyado ata akong naexcite, kaya ayun naglamon ako ng kabag at dead air nung interview na. Medyo pinatagal pa naman ng isang araw bago sabihin sa'kin sa pamamagitan ng email na hindi nila type ang mahiyain sa kumpanya nila. Ayus na rin, kesa naman isupalpal sa mukha ko. Okay na 'yung medyo nakapagpahinga bago makaramdam ng panghihinayang.


Pagkatapos nung pagkabigo ko sa pangalawang apply, na muntik ko ng masungkit ang pangarap kong jackpot sa gusto ko pang kumpanya, pumasok sa isip ko na sana pala sinunod ko muna 'yung payo ng kakilala ko na ayokong tawaging kaibigan dahil hindi n'ya alam na graduate na ako. Nagtext kasi 'yung mokong sa'ken, nangangamusta. Kahit alam kong para sa lahat 'yung text message, sinagot ko pa rin at sinabing job hunting ang pinagkakaabalahan ko. Ganito 'yung sinabi n'yang pamatay na payo sa'ken pagkatapos n'yang mabasa na naghahanap ako ng trabaho: "Ayus 'yan! Pre, subukan mo sa Tribal, Jag, o kaya Bench! Experience lang, kahit 6 months. Okay din dun. Subukan mo rin pala sa Anti-fit, maputi ka pa naman, makukuha ka dun!".


Medyo nadurog ang puso ko sa totoo lang. Para akong sinampal ng katotohanan na walang mangyayari sa anim na taon kong pag-aaral ng kursong engineering. Pakshet na 'yan! At tang ina 'yung tropa kong 'yun na puro kabaklaan ang alam.


Paglipas ng ilang araw pagkatapos kong manghinayang dun sa pangalawang apply ko, sumabak ulit ako sa panibagong kumpanya. Basta may opening pinapasahan ko ng resume. Minsan nga hindi ko na tanda kung anong trabaho 'yung papasukan ko e. Sa Ortigas ang destinasyon ko. Mukhang okay naman ang kumpanya kahit nasa likod ang entrance nila paakyat sa 10th floor. Pagdating sa taas, pagkatapos i-check ang body temperature ko ng gwardya, ipinasuot naman sa'ken 'yung plastik na medyas para sa labas ng sapatos. May ganun pa, panis! Pagpi-fill-up pa lang ng application form na ibinigay nila patayan na. Pagdating ng exam, patayan pa rin! Umabot siguro ng 1000 items. Iba't ibang klase ng exam. Alas-otso y medya kami nagsimula, alas-tres y medya ng hapon natapos menus 'yung isang oras na lunch break. At kung bakit ko sinabing patayan ang exam, tang ina pasulatin ba naman ako ng program manu-mano sa papel. Hindi naman ako programmer, 'yung Basic Boolean Algebra nga limot ko na e. Kahit simpleng flow chart, kinamote ako. Tang inang buhay 'yan! Mali ang pinasukan kong liga sa kumpanyang 'yun. Namali ang pagbabakasakali ko. At kahit wala pang resulta 'yung exams dun, hindi na ako umaasa na magiging interesado sila sa kung anu-anong kahon at codes na inilagay ko sa papel nila. Sayang lang ang puno't papel sa'ken, men!


Okay sana ang ganitong mga pagbabahagi ko ng mga kabiguan ko sa pag-apply e. Kung pagkatapos naman ng kwento, sa huli ay ibabalita ko sa inyo na sa wakas sa ika-apat na pagkakataon ay may trabaho na ako! Kaya lang 'tol, hindi e. Ang sasabihin ko lang at ibabalita sa inyo ngayon, ay ang katotohanan na virgin pa rin ako. Virgin pa rin dahil simula noong ipinanganak ako, hindi pa ako nakakaranas ng regular na trabaho at unang tunay na sweldo!


Mag-aapat na buwan na nga pala akong opisyal na tambay simula noong maka-graduate ako!


12 comments:

  1. Kaya mo yan! Konting tiis pa, makakahanap ka din! :) - mabs

    ReplyDelete
  2. Kaya mo yan. Sa umpisa lang mahirap, kasi numbers game ang labanan. konti ang kumpanya, dami aplikante. kaya ang laban, isang aplikante, daming aplayan. Pag nakapag start ka na mag-work, parang kotse yan na kinadyot. dere-derecho na yan.

    ReplyDelete
  3. di ko alam sasabihin ko kasi estudyante palang naman ako at kahit ojt eh di ko pa naranasan sa summer pa. anyway..naisip ko lang dapat ata sa mga company na related sa natapos mo ang apply-an mo para magamit mo yung natapos mo tsaka mahirap matanggap sa work na di mo naman forte.

    ReplyDelete
  4. magaapat na buwan pa lang beat my record batch 2009 ako grumaduate...haha


    ano bang masasabi ko .wala. kasi alam ko ang pinagdadaanan mo at magsesenti na lang ako amgisa dito sa bahay.

    XD

    ReplyDelete
  5. Ayos lang yan. Lahat naman tayo kailangan ng point where to start. Baka eto pa lang ang start mo. Praktis lang yung dati para maayos mo this time. Enjoy your first pay LOL!

    ReplyDelete
  6. Kaya mo yan, promise naniniwala ako sa kakayahan mo. You have the degree and all. I-channel mo yung kalokohan mo sa katawan papunta dun sa parte ng utak mo na kukumbinsihen kang maging confident. Ako, naka-ilang kompanya din akong inapplayan bago ako nakapasa dun sa una kong pinagtrabahuhan. Kung kaya ko, kaya mo rin! Saka andyan namana si Yna for moral support! :D Aja Goyo!

    ReplyDelete
  7. Medyo naluluha ako sa mga payo n'yo, guys. Hindi ako susuko, magkakatrabaho rin ako!!! AJA!!!

    Salamat sa inyo! :3

    ReplyDelete
  8. enjoyin mo muna ang "bohemian lifestyle" mo ngayon, pre. kasi pag nagkatrabaho ka na, mapapamura ka talaga ng pinakamalutong na mura habang naglilitanya sa sansinukob na sana ibalik na lang ang bum na buhay mo dati. maniwala ka, kasi ako sukang-suka na sa pagiging lalakeng curacha. lol!

    nga pala, maraming babaeng naka-kulay pink na damit na may ka-holding hands na boyfriend ang gumagala sa ayala tuwing lunch break. ang tanong ngayon: ano ang karakas at suot ng lalakeng ka-holding hands ng babaeng naka-kulay pink na damit?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ako 'yun. pero kumain kami kanina sa chowking. hehe.

      Delete
  9. Interesting. Ganito naman ang inaabot ng lahat. Hehe. Kaya mo yan, makakahanap ka din.

    ReplyDelete