Pages - Menu

Sunday, February 5, 2012

Based On Experience

"Kumain ng tama at masusustansyang pagkain. At higit sa lahat, huwag basta upak ng upak!", kung bakit ko sinabi 'to, hayaan n'yong ikwento ko sa inyo ang dalawang karanasan ko noong nasa Day Care Center pa lang ako at Grade 4.

Malinaw pa sa alaala ko ang trahedyang 'to noong nasa Day Care pa lang ako at nag-uumpisa pa lang sa pag-aaral. Apat na taon pa lang ako noon, malamang sa malamang ay hindi ko pa alam kung anong mga pinagkakakain ko at ipinapakain sa akin. Naalala ko na lang na sumabog ang tae ko sa puwet sakto pagtunog ng bell na hudyat para sa uwian. Para makauwi ng walang hassle, naglakad ako na nakadikit ang puwet sa bakod at pader ng mga kabahayan, suporta ba sa ebak para 'di malaglag. Para akong nanunulay noon, nakadipa, patagilid na naglalakad habang nakadikit nga ang puwet sa pader. Pagdating sa bahay ng lola ko, hinubo ko agad ang salwal ko. Kulay dilaw ang tae ko. Agad kong tinawag si lola para palabhan ang shorts at brief ko. Buti na lang talaga at walang nakaalam nun sa mga kaklase ko. Ang ipinagtataka ko lang ngayon, hindi ko akalain na alam din pala ng kapatid kong babae ang insidenteng 'yun kahit dalawang taon pa lang s'ya noong mga panahon na 'yun.

Pagdating naman ng Grade 4, hindi katulad ng pagtae ko noong nasa Day Care ako, itong isang 'to naman ay alam ng lahat ng kaklase ko. Malapit lang ang bahay namin sa school, pero hindi ako makatakas noon dahil sa bantay sarado kami ng titser namin. 'Yung iba kong kaklase nakaramdam din ng pananakit ng tiyan, pero nakadiskarte sila ng pagtae sa bayabasan sa  bandang sulok na bahagi ng campus. Ako, tiniis ko na lang. Grabeng torture ang inabot ko noon. Mula sa butil butil na pawis, sobrang sakit na puwet dahil sa pagpipiit, pati pagkahilo naramdaman ko. Hanggang sa hindi ko na matiis ang hilab ng sikmura ko, tuluyan ng sumabog ang malambot kong tae na burarak sa navy blue shorts ko. Naalarma ang lahat dahil biglang bumaho. Inisip nila na utot lang, kaya medyo pinalampas din pagkatapos langhapin ng mga sampung segundo. May lumabas ulit na ebak, may tunog nga dapat 'yun, hindi ko man mapigil ang paglabas, kahit tunog man lang mai-mute ko. Pagkatapos magpakawala ng isa pang batch ng ebak ay agad akong nilapitan ng tarantadong si Poknat sa upuan ko na may bakas na ng pamamasa, "'Tol, ang baho 'no? Siguro may napatae, feeling ko si ano 'yun...", 'yun ang sabi n'ya sa akin sabay turo dun sa isa pa naming kaklase. Tang inang 'to, alam na ngang napatae ako, pinagtripan pa!

Pagdating ng uwian, tayo agad ako. Nagmamadali akong umuwi. Dahil sa pagmamadali, tumulo at gumapang ang katas ng ebak sa hita ko, pababa hanggang sa binti ko. Maraming bakas ang iniwan sa upuan. At dahil nga sa unexpected na kahihiyang 'to na inabot ko, kinahapunan ay hindi ako pumasok. Anong mukha pa ang ihaharap ko sa mga kaklase kong naglinis ng upuan na tinaihan ko? Ano? Wala! Simula rin noon, nawala ang lakas ko sa pang-aasar. Shet naman kasi, men, ano pang laban ko kapag sinimulan na akong tuksuhin ng, "Napatae! Napatae!". Pakyu sila! Nawala lang ang sumpa noong maging high school na ako.

Swerte na rin na elementary ko pa naranasan ang masabugan ng tae sa salwal. May kakilala kasi ako na high school na ng mapatae, hanggang ngayon na may asawa na, asar talo pa rin! Pagdating naman ng college, lessons learned ika nga. Umuupak lang ako ng bultuhan sa pagkain kapag alam kong wala na akong klase at uuwi na pagkatapos. Pero kapag sinumpong ang puwet ko sa oras ng klase, wala na akong pake sa prof. Uuwi ako sa boardinghouse ko para tumae, bahala na kung wala na akong maabutang klase pagbalik ko sa campus.


At isa pa nga pala sa pinakamasaklap na nasaksihan ko, dala na rin siguro ng kaba, sumabog ang ebak ng kawawang tao na hindi ko kilala sa mismong araw ng licensure exam! Wasak ang pangarap! 'Yung toilet bowl dun sa school na pinag-examan namin noon, puno ng tae, promise!


Kaya kayo, kids! Huwag basta uupak ng kung anu-anong kumbinasyon sa pagkain, lalo kapag nasa school! Bukod sa maiiwasan ang pagkapahiya kapag napatae, maiiwasan n'yo rin ang pagiging mataba, na isa pa sa pinagmumulan ng matinding tuksuhan. Magandang preparasyon na rin sa pagkakaroon ng malusog na katawan. Makinig kayo sa payo ko, dahil lahat ng 'to mula pagkapatae at pagiging mataba ngayon, lahat 'yun danas ko! Maniwala ka!


3 comments:

  1. nakakaloka naalala ko yung mga ganyang moment ng mga classmte ko nung elementary kami. at fortunately, di pa naman nangyayari sa akin yung ganito. sana wag mangyari in the future hihihi =D

    ReplyDelete
  2. mga moment na hihilingin mong hindi na lang sana nangyari sa buhay mo..

    syet. hahaha

    ReplyDelete
  3. . . . tangina, naalala ko yung isang beses na naglalaro ako sa ipad2 taas. may tumaeng taga-feu daw sabi ni ate alice. kumalat yung amoy sa buong ipad2 taas. lipat kaming lahat sa ipad3 eh.

    ReplyDelete