Pages - Menu

Sunday, February 12, 2012

Sex Ed Ambassador

Ugaliing mag-ehersisyo kahit dibdiban ang ginagawang pag-aaral. Makakatulong ang malusog na katawan sa pagkakaroon ng malusog na isipan. Sa kasamaang palad, hindi counted ang sex sa ehersisyong tinutukoy ko.

Para mas lalong maging epektibo ang ginagawang pag-aaral, dapat ay balanse. Hindi lang puro utak, dapat pati katawan malakas. At mas lalong hindi lang dapat puro katawan, dapat macho rin at malaman ang utak.

Ayon sa batas ng pisika ng pangangatawan ng tao, mas magiging aktibo ang utak kung okay at swabe ang pagdaloy ng dugo dito. Bukod sa pagkain ng masusustansya, na maaari ring makapagligtas sa pagsabog ng tae mo sa eskwela, makakamit ang magandang daloy ng dugo sa ugat papunta sa utak kung tayo ay may sapat na ehersisyo. Hindi na kailangan pa ng mahabang paliwanagan dito dahil self-explanatory na masyado na magkakonekta ang ulo at katawan ng tao.

Bukod sa benepisyong hatid ng ehersisyo sa utak, makakatulong din 'to sa pagtanggal ng mga puking inang baby fats at tabang mantika na marami ang nagrereklamo, e mga tamad namang mag-ehersisyo! At kung bakit ko naman sinabi na hindi kasama ang sex sa ehersisyong tinutukoy ko? Pakitanong na lang sa malaking porsyento ng mga kabataan na maagang namulat sa kalibugan at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Tiis-tiis na lang muna sa pangangati mga bebot, makakapaghintay naman siguro ang mga pepe n'yo na masibak. Para naman sa mga kabaro kong barako, tikol tikol na lang. Pero kung talagang kulang ang jakul, matutong gumamit ng kapote.

Wala naman sigurong masamang maging healthy at maingat. Mabuhay!

4 comments:

  1. bat ang aga ng balemtayms post mo, ser? bukas pa 'yun ah.

    nung nagre-review pa lang ako dati sa board, kasama sa mga hinakot ko mula probinsya papunta rito sa maynila eh 'yung ilang kilong dumbbells ko. sa sobrang puyatan blues kasi nung mga panahong ;yun, kelangang-kelangan mo talaga ng pampagising at pampakundisyon. at anim na buwan din akong celibate dahil feeling ko, kapag nagtikol ako eh mababawasan ang lakas na gagamitin ko para makapag-aral kinabukasan. tingin ko 'yung pag-absolve ko sa pagtitikol ng anim na buwan eh nakatulong nang malaki para pumasa ako.

    isa siguro 'yan sa mga tips na pwedeng-pwedeng ipamana sa mga nag-aaral at nagrereview.

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Natawa ako sa lalaki dun! Ang macho eh! Teka, ginagawa mo ba yung mga tips mo ser idol? Lol!

    ReplyDelete
  3. Noong nag-aaral pa ako at nagrereview para sa board exam, maraming maliliit na bagay ang hindi ko nagawa. Kaya siguro ako bumagsak.

    ReplyDelete
  4. salamat sa mga tips..

    inspiring lalo na ang last part..hehehhe

    ReplyDelete