Pages - Menu

Saturday, February 25, 2012

Isang DeDe para sa Tagumpay!

Sa maniwala ka at sa hindi, may malaking papel na ginagampanan ang dede sa pag-aaral ng bawat isa sa atin. Ayon sa resulta ng ginawang pag-aaral ng mga siyentipiko: ang pagtitig daw sa dede ay nakaka-relax ng utak at may magandang dulot sa kalusugan ng tao. Ito ay may parehong epekto rin daw sa mga babae kung magbibigay din sila ng konting panahon sa pagtingin sa dede. Mas lalo raw sigurong epektibo ito kung hahawakan at susupsupin, sabi naman ng mga manyakol. Mukhang may katotohanan naman, subalit, ang anumang gawain na hihigit sa pagtitig sa malulusog na suso ay maaaring makasalungat sa ikatlong payo ng mga dakilang iskul bukol.

Hindi naman kasi talaga 'yung dedeng may pasas sa tuktok ang gusto kong supsupin, este tumbukin, na maaaring makatulong sa pag-aaral ng mga istudyante. Ito 'yung dede na ipinakilala sa akin ng isa sa mga naging professor ko. Sabi n'ya: Huwag na huwag daw nating kakalimutang humawak sa dede. Kahit kaninong dede pa 'yan, basta may mahawakan lang. Mapatungkol man sa pag-aaral, sa trabaho o kahit saan pang bagay na ginagawa natin. Dedication and Determination lang lagi ang kailangan. Kung wala ka kasing dedikasyon at determinasyon sa pag-aaral, malamang sa malamang, kangkungan ang bagsak mo. At baka 'yun pa ang maging dahilan ng paghihirap mo sa hinaharap, na maaaring magresulta para sa'yo ng balakid sa paghahanap ng mapapangasawa. Walang asawa equals walang tunay na dede habang buhay!

Kaya kayo, tandaan n'yo lang lagi ang Dedication and Determination. Dede lang mga kapatid!

2 comments: