Pages - Menu

Tuesday, February 28, 2012

Machi Reputa

"Mamatay na ako ngayon din kung kahit minsan ay hindi pa kayo nakakapagpicture ng ganito sa talang buhay n'yo na wala naman akong pake!", itong linyang 'to lang sana ang iiwan kong kasama ng larawan na 'to dito sa kuta ko. Mabuti na lang at mabilis ang pagpasok sa utak ko ng paalalang mga cool at astiging kupal nga pala kayo. So bale kung nagkataon, malamang ay mamatay nga ako ng walang kalaban-laban dahil syempre bilang mga astiging kupal nga at mapagpanggap na matitigas na pader at kayang kumain ng isang kalderong kanin, itatanggi n'yo na wala kayong ganitong larawan d'yan sa mga selepono n'yo. Kaya eto, nagninilitanya ako ng kung anu-ano para medyo catchy ang intro sa walang kwentang kwentong 'to, at makaiwas na rin sa pagpanaw na lang basta ng dahil sa kaastigan n'yong magsinungaling na ni minsan sa buhay n'yo ay hindi n'yo kinuhanan ng ganito ang mga sarili n'yo. Oo, wala akong planong tumigil at tantanan kayo hangga't hindi n'yo inaamin na araw-araw ay ganito ang drama n'yo sa bawat kubeta na pinapasukan n'yo. With different outfits and poses syempre!

Hindi ko rin alam kung sinong sobrang mapagmahal sa sarili n'ya at walang magawa ang nagpauso ng ganito. Basta bigla na lang kumalat ang virus sa mga networking sites at hanggang ngayon ay hindi pa rin napupuksa. Mas lalo pa ngang dumarami sa totoo lang. Kung tutuusin nga ay normal na lang 'to at kasama na talaga sa banidad ng mga bebot sa modernong panahon na marami na rin ang nagpupumilit maging bebot. At kung dati ay simpleng cellphone camera lang, ngayon ay parang naging kautusan na rin na dapat ay naka-iPhone ka, o kaya naman ay SLR ang gagamitin mo sa pagkuha ng larawan. O ako lang ang nakakapansin nun? Siguro nga ay ako lang ang may ganang makialam sa mga ganun.

Wala naman akong ipinaglalaban sa isang 'to. Wala rin akong pagsalungat na nararamdaman sa mga gumagawa ng ganito. Ang gusto ko lang namang sabihin, matinding pagsubok pala ang pagkuha ng larawan sa sarili mo sa harap ng salamin habang nasa kubeta ka ng Jollibee na kahit anong oras ay pwedeng may pumasok na mga kapwa mo barako. Isipin mo ha, kung nahuli kasi ako sa akto habang ginagawa 'to, tang ina men, nakakahiya! Mabuti na lang talaga at mala-ninja akong kumilos. Sa loob ng limang segundo: kuha ng selepono sa bulsa, rock-on sign at isang madiin na pindot sa kamera. Pagkatapos ay labas agad sa kubeta na parang walang nangyari. Mission complete like Machix!

PS: Huwag mo ng masyadong pansinin ang sulat sa mga mata ko, at mas lalong huwag na huwag mong iisipin na panget ako sa kuhang 'to. Ang totoo nga n'yan, tinakpan ko talaga 'yan para hindi ako maparatangan na basta na lang nagbabalandra ng kagwapuhan sa internet kahit hindi naman kailangan! \m/

Salamat nga pala kay Bayaw Efraim sa pagpapahiram ng t-shirt para sa mga machix na tulad namin. Bagay na bagay sa'ken, bayaw! Pero mas bagay sa'ken ang kapatid mo.


2 comments:

  1. at dahil matigas ang ulo ko papansinin ko pa din ang pagburamo sa iyong mata gamit ang galit na lapis..ehehehehe

    panalo ang huling banat.. lol

    ReplyDelete
  2. ayos sa banat. haha "..Bagay na bagay sa'ken, bayaw! Pero mas bagay sa'ken ang kapatid mo." nyahaha

    anyway..never pa naman akong nagpicture sa cr MAGISA pero may picture ako sa cr ng isang mall kasama ang mga kaibigan kong gelay.

    ReplyDelete