Pages - Menu

Thursday, February 23, 2012

Pampalipas Oras

Sa tinagal ko na ring pagiging iskwater na nagkakalat ng kung anu-ano dito, at kahit papaano'y pagpupumilit makagawa ng isang makabuluhang kwento bukod sa pag-iistorya ng mga walang kwentang karanasan, normal lang siguro na maghangad din ako na makagawa o makapagbahagi ng isang kwento't istorya na tatatak sa mga tao at mag-iiwan ng matinding latay na hindi mabubura at patuloy nilang pagninilayan. Parang tattoo na masakit sa una, permanente pero may konting kiliti sa tuwing sasagi sa ulo mo ang isinisimbolo. 'Yung may bigat at puno ng emosyon pero magaang basahin dahil natural ang pagkakasulat at pagkakalahad ng bawat eksena't pangyayari. May pinaghugutang masalimuot, madilim o parang rainbow na karanasan at hindi basta kathang isip lang. Kumplikado ang takbo ng istorya daig pa ang nag-field trip sa bituka pero alam mong may patutunguhan. Mahahawakan ang puso mo, pagkatapos ay gagapang ang kuryente sa ugat diretso sa kalamnan sa ilalim ng bayag. Ipapasa sa madilim na bahagi para magbigay naman ng kakaibang kiliti sa kapirasong laman sa gitna ng talahiban. Hindi pilit ang pagtanggap ng masasabuyan, bagkus ay tutukain ng kusa, hahanap-hanapin at aasa pa ng panibagong romansa't pakikipagtalik sa mga letra't salita. At kapag nilabasan, ang katas ay magsisilbing pataba sa natutuyot na laman sa ulo ng mga mangmang. Mamumunga, mahihinog at manganganak ng panibagong lupon ng naimpluwensyahang mga nilalang.

Pero dahil musmos at bubot pa ako sa karanasan, pagtiisan n'yo na lang muna ang lahat ng kalokohang produkto ng aking katabaan. Este kabataan.

3 comments:

  1. 'yung totoo? isa ka sa mga piling-piling blog na naka-subscribe ako. apir! \m/

    ReplyDelete
  2. hanep sa mga salitang ginamit. di ko mapigilang ngumiti. simesegway yung takobo ng utak ko hahaha pero sige lang blog lang ng blog. ito ang iyong mundo ikaw ang hari dito. =D

    ReplyDelete