Pages - Menu

Monday, February 20, 2012

Tugsh-tugsh World

Simula noong magbagsakan ang presyo ng mga gadget dahil sa pagiging sobrang popular nito at tindi na rin ng kumpetisyon ng mga product makers, ganun din ang paglaganap ng pamimirata sa kahit anong produkto. Apat lang siguro sa sampung taong makakasalubong mo sa syudad ang walang nakasaksak na earphones sa magkabilang gilid ng ulo nila. Ang datos ay base sa napakatindi at hindi pa pumapalyang obserbasyon at pagsusuri ko sa mga bagay-bagay. Hindi na naman siguro dapat pagtalunan pa na ang pangunahing dahilan lang naman ng paglaki ng bilang ng mga taong laging may nakasaksak na kurdon sa mga tainga nila ay ang kagustuhang malibang. Ngayon pa na sobrang dali lang magdownload ng mga paboritong kanta, wala na talagang awatan pa, men. It's a Tugsh-tugsh World na nga, sabi ko.

Gadgets. Kasunod ay ang salitang pera, holdapan at syempre mawawala ba ang payabangan. Speaking of payabangan na normal lang naman talaga kapag may gadget kang mamahalin, sayang naman kasi kung hindi mo ilalabas, ay naalala ko na naman 'tong isang mokong na nakasakay ko sa van minsang paluwas ako pa-Maynila.

Katirikan ng araw noon, tyempong maluwag ang pagitan ng mga upuan sa loob ng van kaya hindi na ako namili pa ng pupwestuhan. Sa likod ako napaupo. Sunud-sunod na ang pagpasok ng pasahero. May pumasok na isang binata na mukhang nasa disinuebe ang edad, todo porma at may dalang hindi naman maliit pero hindi rin sobrang laki na bag. Kung probinsyano kang tulad ko, maiisip mo agad na nag-aaral sa Maynila 'yun. Ilang saglit pa ang lumipas, nag-ring ang telepono nung lalaking katabi ko. Noong una nga akala ko sa'ken 'yung tumutunog, kumapkap pa ako sa bulsa ko hanggang sa maputol ang tunog at nag-umpisang magsalita 'yung katabi ko. "Hello, shino 'toh?", unang bagsak pa lang ng mga salita ay kumpirmadong bakla ang putang ina. Mga datingan ba na bihis lalaki naman, pero deep throat inside, e beki pala.

Umandar na ang van, nakakalibang ang paligid. Ganitong mga pagkakataon ko naiisip na ang sarap sigurong magsoundtrip! Iniimagine ko pa lang ang pakikinggan kong mga kanta kung sakaling may earphones lang 'tong Nokia kong cellphone, biglang naglikot naman 'tong si bakla para kumuha ng gamit sa loob ng bag na dala n'ya. Nakaramdam din ng tamang-soundtrip na mood, inilabas ang earphones kasunod naman ang Ipad2 n'ya. Medyo nanginginig-nginig pa 'yung kamay n'ya, ramdam ko na medyo excited s'ya at may pakiramdam na magtitinginan kaming mga katabi n'ya sa Ipad2 na hawak n'ya. May konting yabang sa galaw, mararamdaman mo naman 'yun. Medyo pinunas-punusan muna n'ya ang screen, isinaksak ang earphones sa gadget at nagkalikot na ng dapat kalikutin sa gadget n'ya na 'yun. Bilang usisero at walang magawa ng mga oras na 'yun, syempre nakadungaw ako dun sa screen, tulad ng lagi kong ginagawa kapag may katabi akong nagtetext. Naghahanap na ng kantang unang pakikinggan. Puro si Beyonce at Lady Gaga ang nakikita kong artist. Medyo natakpan ng konti 'yung screen nung makapili na s'ya ng kanta. Naka-full volume ang loko, tumatagos sa earphones 'yung tunog papunta sa tenga ko. Wow, men, tagalog version ng Teach How to Dougie pala ang trip! Kaya pala sa likod din umupo, para dun s'ya sa likod, dun s'ya sa likod. Okay lang sana e, kaya lang puta naka-play on repeat. Wala namang tunog 'yung mura ko pero parang narinig n'ya, kasi nagtanggal s'ya ng earphone sa side ko. Medyo nakuha 'yung atensyon ko kaya napalingon ako sa tenga n'ya, pati sa loob. You know what, teh, may sabit-sabit ng kung anu-anong sapot shit at tutule ang loob ng tenga ni gurl. Susyal masyado 'tong si bakla, earphones pa ng Ipad2 ang pinantututule.

Simula noon ay hindi na ako mapakali sa paghahanap ng earphones para sa pipitsugin kong Nokia cellphone. Maliit kasi ang tite ng earphones ang kailangan ko, pero wala akong makita. Converter sana ang bibilhin ko, pero mas lalong wala akong mahanap kahit sa mga CD-R King na nagbebenta na rin ngayon ng mug pangkape. Marami-rami na pa naman 'tong kantang na-download ko kaya medyo gusto ko na talagang magsoundtrip-soundtrip habang nagbabyahe. Hanggang sa kahapon, habang naglalakad ako sa ibabaw ng isang footbridge sa Rotonda ay may nakita akong mga nakalatag na earphones at headset sa sahig ng tulay. Mga imitation ng iba't ibang klase ng earphones. Tinanong ko agad kung meron nung maliit ang tite na Nokia earphones. Sabi nung manong, panget daw 'yun kasi mahina ang tunog. Iniabot n'ya sa'ken 'yung usung-uso ngayon na Beats by Dre. Tyempong maliit naman 'yung tite, tsaka nung tinesting ko ay malakas naman ang tunog. Tyempo rin na papauwi ako ng Rizal, hindi na ako nagpatumpik-tumpik kahit walang pera ay binili ko na para malibang ako sa byahe. P75.00 lang, hindi ko na tinawaran.

Pagkakuha ng kahon ng earphones ay umalis na agad ako at bumaba sa footbridge, nag-abang ng masasakyang jeep at nagtungo sa sakayan ng van pauwi ng Rizal. Bago pa umandar ang van, dinukot ko na ang earphones sa bag ko para matesting na ng husto kung maganda nga 'tong pekeng Beats by Dre. Okay ang tunog kahit mumurahin, malakas nga. Medyo nangati lang ng konti ang tenga ko kaya tinanggal ko muna 'yung earphone sa kanan, idinamay ko na rin 'yung sa kaliwa, ipinasok ang hinliliit sa tenga at tinanggal ang kati. Solved ang tenga ko sa pag-ayuda ng hinliliit ko, patunay lang na mas nasasarapan ang babae kapag nag-bebembangan. Ibabalik ko na sana sa tenga ko 'yung earphones, unconsciously, naalala ko pang i-check kung alin ang para sa kaliwang tenga at alin ang para sa kanan. At noon ko lang din napagtanto na madumi pala 'tong earphones na nabili ko. Hindi bagong unit ang nakuha ko, 'yung sample pa na sangkatutak na tutuli na ng kung sinu-sinong tao ang gumahasa. Masyado kasi akong na-excite sa produkto ni Dre, at sa pagsasalit-salit tumugtog ng The Beatles, ni Bob Marley, Adele, at ng Eraserheads kasama pati si Rico Blanco sa ulo ko habang umuulan at banayad ang byahe sa tahimik na gabi. Syet, ang cool ko naman masyado.

Officially, simula kagabi ay bingi na rin ako, may sariling mundo at bawal kausapin lalo at nagba-byahe. Pero alam mo ba, mas sasarap ang soundtrip ko kapag napanalunan ko 'tong IPhone 4S sa contest ng San Marino. \m/


3 comments:

  1. Haha susyal ang pangtanggal ng tutuli haha XD adek. ganda nga ng gadget panira naman yun haha XD

    ReplyDelete
  2. teka entry ba to para sa isang pacontest?at iphone4s ang price?sosyal!=D haha

    ako walang earphones kasi naman iba yung compatible para sa gamit ko tsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. 'Yung picture sa link lang ang entry sa isang contest, pero 'tong post, syempre hindi. Sumegway lang ako ng pagpo-promote~

      Delete