Pages - Menu

Friday, March 30, 2012

McFloating Debate

Laking pasasalamat ko na rin na halos tapos na ang tang inang craze tungkol sa Magnum. Na expected na rin naman na marami ang kukuha ng larawan ng mga sarili nila habang nilalantakan ang pangmayaman na ice drop na 'yun. May bago pala, dahil isang ate ang na-ispatan na nagpicture with resibo pa. Laking pasasalamat ko dahil isa akong loser, dukha at hindi marunong mag-impok ng higit singkwenta pesos para tapusin ang curiousity na pumapatay ngayon sa dila ko.

Segway na naman, dahil hindi naman talaga 'yung Magnum ang titirahin ko. Dati ko pa isinumpa sa sarili ko na hindi na ako bibili ng Coke Float sa McDo, o mas kilala bilang McFloat. Hindi ko na matandaan kung kailan ko 'to unang tinikman, at tulad ng karamihan, bumili ako nun bilang pamatay curiousity kung masarap ba talaga ang sundae na pilit pinapalutang sa isang baso ng softdrinks na punung-puno ng yelo. Masarap sa una hanggang sa ika-apat na sipsip gamit ang straw. Pero habang tumatagal, unti-unti rin ang pagkabugnot at pag-iisip na sana pala ay bentisingko pesos na yelo na lang ang binili ko.

Tao lang naman ako na hindi kayang panghawakan ang binitawang sumpa habambuhay. May mga pagkakataon pa rin na napapabili ako ng McFloat, 1) Para pareho kaming naka-float ng kasama ko sa McDo. Ang sweet kaya nun! 2) Gusto ko lang ng dagdag na gastos at magmukhang marami akong pera kasi nag-upgrade ako from softdrinks to float. 3) Minsan kasi talagang trip na trip ko lang ngumasab ng maraming yelo.

Ang nakakainis kasi dito, sa tuwing umo-order ako ng float ay lagi ko namang ibinibilin sa magandang crew ng McDo na bawasan ang yelo. Pa-less-ice-less-ice pa nga ako minsan, medyo English para may dating. Ngingiti naman si ateng crew na mukhang ang ibig ipakahulugan ay pagbibigyan n'ya ang request ko. Syempre ako naman mapapangiti rin at matutuwa. Hanggang sa tumalikod na s'ya para ihanda ang float. Babawasan nga ng yelo, pero puta ibabalik din naman 'yung inilaglag na yelo. Akala ata nitong mga 'to ay hindi ako tumitingin at nag-oobserba sa ginagawa nila. Lagi ko tuloy iniisip na hindi naman ata talaga sa softdrinks at sundae sila kumikita sa float, malamang sa yelo nga. Biruin mo nga naman ang mura ng yelo tapos ibebenta nila ng bentisingko pesos. Mas malaki ang float na bibilhin mo, natural mente mas maraming yelo.

Wala naman akong galit na nararamdaman sa McDo. Ang totoo nga'y tinalo na ng sarap ng Burger McDo ang pagnanasa ko sa Yum Burger ng Jollibee. Ang gusto ko lang naman kasi talagang ipaglaban dito, tang ina bakit ba kasi si Xian Lim ang kinuhang endorser ng McFloat at hindi ako?! Oo nga pala, mataba ako.

7 comments:

  1. Crush ko si Xian Lim pero nagtatae ako sa coke float na yan.

    ReplyDelete
  2. hahah ... sa susunod pag ako umorder sasabihin ko "mga limang ice cube lng po ilagay niyo."

    hindi din pla kasi naubra pag english. lels

    pampatanggal hangover ko yang mcfloat at fries. :D

    ReplyDelete
  3. May pagkabahagyang sinungaling ka rin, brad. Self-timer daw! E malinaw na "iPhone" ko ang pinang-litrato sa may katabaan mong mukha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry na kung hindi kita binigyan ng credit. LOL

      Delete
  4. Masarap namnamin yung mga nahulog na chocolate syrup sa ilalim kapag naubos na ang coke at ice cream. lol

    ReplyDelete
  5. ay ako binabalik ko un pag nilagyan ng yelo kasi no ice ang gusto ko hahaha

    ReplyDelete
  6. Gusto ko nung sa A&W. Yun lang ang totoong float para sa akin.

    ReplyDelete