Pages - Menu

Monday, April 30, 2012

Celine Dion's All By Myself

Sabi ng mga kakilala ko, madaling araw daw ang pinaka-masarap na sandali para mag-inayak sa kung ano mang hirap na pinagdaraanan mo. Ang totoo, wala naman talagang gustong mag-emo. Pambakla lang daw kasi 'yun, sabi nila. Pasado alas dose na pala.

Sa dami na rin ng mga taong nakasalamuha ko at patuloy na nakakasalamuha araw-araw, hindi talaga maiwasan na maisip ko lagi kung anong iniisip ng mga mokong na 'yun sa kung anong ugali ang meron ako. Oo nga't kilala ko ang sarili ko, ako na pabagu-bago ang gusto at magulo talaga ang isip. Ako na kupal at wala sa lugar kong humirit. Pero basta, gusto ko pa rin talagang malaman kung sino ba talaga ako para sa kanila. Teka, parang litanya 'to ng mga madededo na ah.

Hindi sa pinangangalagaan ko ang imahe ko, unang una kasi ay wala naman talaga akong image na iniingatan. Saktong tamang isip lang na sana hindi ganun at ganito ang ginawa ko noon. Sa makatuwid, marami pala akong pagsisisi. Isang talunan na nagtatapang-tapangan at nagtatago sa pagpapanggap na isang matikas pero malambot pala talaga. Isa akong sinungaling na nabubuhay sa sarili kong paninindigan na wala akong pake sa iisipin ng iba.

Si Alexis, sus. Ano? Tang ina n'yo sabihin n'yo. Epekto lang siguro ng katotohanang wala pa rin akong napapatunayan sa buhay ko. Hindi pa naman siguro huli ang lahat, hindi pa talaga. Iis-isin ko ang mga panget na markang iniwan ko sa mga taong lumimot sa tulad ko. Babalikan ko lahat ng taong may atraso ako. Hindi ako nabubuhay sa nakaraan, pero hindi kasi ako 'yung tipo na kumakalimot sa panget na karanasan. Parang multong kailangang ihanap ng purgatoryo. Parang mga kalat sa isip na kailangan ng isang selyadong basurahan. Kaso na kailangang sistensyahan. At pader na puno ng lubak ng pangit na ugaling kailangang palitadahan.

Madaling araw na nga. Mabuti na lang at malabo pa rin ang lahat. Ako lang lagi ang nakakaintindi sa mga sinasabi't gusto kong tumbukin. Sarili ko lang lagi ang kakampi. At sa lahat ng 'to, isa lang naman talaga ang pinaka-pinagsisisihan ko. Putang ina, sana talaga noong first year college ako ay hindi ko ipinasok sa ring ng kalaban 'yung bola pagka-rebound ko.

8 comments:

  1. Nakakatuwa na makita ang sentimental side mo, Master Goyo. Patunay lang yan na isa kang tunay na lalake. Kaya ang pogi-pogi mo eh. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya nga ang pogi-pogi talaga nya.

      Delete
    2. Thank you sa pagsasabing pogi ako. Dun palang solved na, eh. And hello to you, Ms. Abergas.

      Delete
  2. Replies
    1. Gusto ko 'yang kiss sa ass na 'yan! Hehehe! If you know what I mean.

      Delete
  3. Senti mode? Haha! Namiss kong magbasa sa blog mo... Anyways, natuwa naman ako sa muling pagdalaw ko :)

    ReplyDelete
  4. sabay tugtog ng "the conflict".. hehehe

    ReplyDelete
  5. sabi na eh. sa kapalpakan na naman mauuwi 'tong sentemotional shit na 'to. *fist bump brothuh*

    ReplyDelete