Pages - Menu

Monday, April 2, 2012

Papa-papa-paparazzi!

Hindi ko rin alam kung paano ko bibigyan ng hustisya sa pamamagitan ng pagkukwento ang pakiramdam ko na para kaming mga sikat na artista sa larawang 'to, na biglang naispatan ng mga nagkakagulong press sa isang amusement park isang Martes ng hapon.

Isang napakagandang kuha ng isang pipitsuging photographer pagkatapos naming magpakalula't makipag-ululan sa mga kasakay namin sa Surf Dance. Bitbit ko ang bag ng nobya ko habang ang tiyan ko naman ay namumukol at galit na galit sa pag-ngiti sa kamera. Samantalang ang babaeng daga na katipan ko naman ay mukhang malalim ang iniisip at pasimpleng nagkakamot at marahang inaayos ang panty na nilamon ng malaki n'yang puwet.

At pagkatapos iproseso ang ginintuang kuha, ito'y mabilis na ipinadala sa mga TV station para gawing hot chika sa araw na 'yun. Hindi pa man naibabalita, ang larawan ay agad na nag-leak at pinagkaguluhan ng mga tao sa sangka-internetan! Trending topic ang tiyan ko, pangalawa naman ang puwet ng syota ko. Mukhang mahirap nga talagang maging sikat, kaya ililista ko na lang ang sampung tunay na mga pangyayaring may kinalaman sa larawan.

1. Gabi bago ang araw na 'to ay dumalo kami sa birthday party ng ate ni Yna kasama ang iba pang myembro ng pamilya nila. Okay naman sa olrayt, medyo nakaka-kaba lang ng kaunti dahil higit walong buwan na kaming magkarelasyon pero hindi ko pa rin nakaka-kiskisang siko't nakaka-ut-utang dila ang tatay at isang barakong utol n'ya.

Nga pala, huwag na huwag kayong gagamit ng papel na baso sa pag-inom ng Red Horse. Nakakalasing, syet.

2. Sa Enchanted Kingdom unang nagyaya kinabukasan ang gelpren ng kuya ni Yna na si Mhai, na s'ya ring may pakakas ng lahat at nagsabing ililibre kami ng bayad sa entrance. Nasa Sta. Rosa, Laguna na kami tsaka lang namin nalaman na sarado pala ang Enchanted Kingdom kapag Martes at nagbubukas lang tuwing Hwebes hanggang Linggo. Kaya pala hindi umiikot 'yung dambuhalang  ferris wheel, na hindi ko nasakyan noong huling punta ko sa Enchanted Kingdom noong first year highschool pa lang ako't bago pa lang lumalago ang bulbol.

Naalala ko na naman na ang pinaka-masayang karanasan ko sa tour na 'yun noong first year highschool ako ay nung nilunok ko ulit 'yung suka ko na nasa bibig ko na. Syempre, para hindi mapahiya.

3. Dahil nga sa nabulilyasong lakad sa Enchanted na mukhang ang salarin ay ang see through dress ni Mhai, nagpagpasyahan na lang ng grupo na bumalik ulit sa Maynila at pagtiisan na lang ang Star City. Sila pagtitiisan lang, pero ako hindi dahil first time kong pumunta sa Star City noong araw na 'yun. Imagine, pitong taon na akong naglalagalag sa Maynila pero virgin pa rin ang puwet ko sa mga rides sa lugar na 'yun.

Ganun pala talaga ang mga tao kapag pumupunta sa Star City, nagpi-picture ng mga nakapaikot na braso nila habang suot 'yung pass sa mga rides. Akala ko pang-tour at field trip lang ng mga highschool student 'yun.

4. Kapag dalawang beses mo palang sinakyan ang Surf Dance at Star Flyer ay magkakaroon ka ng jetlog kuno feeling bago matulog. O first time ko lang masakyan 'yung mga 'yun kaya napanaginipan ko?

5. Dahil sa sobrang panonood ko ng Final Destination, noong pangalawang beses na naming sasakay sa Star Flyer ay medyo bumahag na ang buntot ko, umurong ang betlog at umi-spring ang etits. Hindi naman sa natatakot na ako, masyado ko lang inisip na baka premonition 'yung mga inaasal ko sa pila. Pati tuloy si dyowa kinabahan. Pero nakaka-kaba naman talaga, hindi kasi kasya sa'ken 'yung suporta sa katawan. Huhu.

Magkagayunpaman ay sumakay pa rin ako at inisip ko na lang na kung magkakaroon ng aberya, sana naman ay pogi pa rin akong babagsak sa semento.

6. Wala kaming pinatawad na rides, ultimo 'yung mga pambata. Unang beses ko ring makasakay sa carousel, maderpaker! Nakakahilo rin pala 'yung gagong 'yun lalo na kapag kinakabayo mo 'yung kabayong sinasakyan mo.

7. Gusto ko sanang ipukpok sa ulo ng mga magaling na namamahala sa lugar na 'yun ang bote ng 1.5 softdrinks na nagkakahalaga ng nobenta pesos. Tang inang mahal! Buti na lang talaga at hindi ako bumili, laway ko na lang din ang ginawa kong tubig.

8. Limang araw nga pala akong nag-tulog, uminom, nagdota at lumamon ng marami sa bahay nila Yna. Ang totoo nga n'yan, 'yang pulang damit na suot ko sa picture ay sa tatay ng syota ko!

Pangalawang araw din ng suot kong brief d'yan.

9. Naispatan ako ng kung sinong mga peeps na hinala ko ay galing sa Tumblr. Bukod kasi sa parang halos lahat sila ay puro bakla, masyado rin silang mga bata. Nakakahiya namang sabihin na tinawag nila ako at nagpakuha pa ng litrato. Pero pakiramdam ko pinagtripan lang nila ako kaya nila ginawa 'yun. Ang taba't panget ko pa naman nung araw na 'yun! Shit! At ang mas nakaka-shit, sila 'yung grupo na nasa likod namin sa pila pati sa upuan sa Surf Dance, pero tsaka lang nila nalaman na ako si Super Goyo noong makababa na.

10. Sinabi ko kay Yna na magtabi na lang kami sa upuan ng bump car. Idinahilan ko na lang na kahit dun man lang eh maipag-drive at maisakay ko s'ya sa tsikot. Hindi sumama, nagbungguan na lang tuloy kami.

2 comments: