Pages - Menu

Tuesday, April 17, 2012

Pumapatol ako sa DOM, guys.

Para akong musmos na nagtanong sa tatay n'ya kung bakit umuulan sa ginawa kong pagtatanong sa lahat ng taong makakabasa ng walang kwentang status update ko sa Facebook kung sino ang taong may hawak ng baril na loaded ng sad emoticon na nakatama sa'ken! Yes, my friend chicken! Sobrang lungkot ko noong maisipan kong ipagkalat sa mundo ng Facebook 'yun.

Hindi na ako bata para maniwala sa kung anong drama ang meron tuwing Friday the 13th, pero imbes kasi na malasin ay parang hulog din naman ng langit na libre ang tanghalian ko tyempong wala akong pera. Swelday din ng ilan kaya naman noong mapadpad ako sa lugar ng dating kaklase noong highschool kinahapunan, tyempo pa rin na nailibre ulit ako para naman sa hapunan. Parehong McDo. Nakakaumay sa may pera, pero para sa tulad kong salat na salat, syempre masarap kahit medyo maalat.

'Yung dalawang beses lang pala na nailibre ako sa pagkain ang positibo noong araw na 'yun. Ayoko mang maniwala sa letseng Friday the 13th na 'yan, mukhang kailangan na dahil sobrang malas talaga ng araw na 'yun para sa'kin.

May appointment ako, akala mo naman bigating businessman, noong umaga. Alas-sais y medya na ako nasabihan noong Hwebes, sa kalagitnaan pa ng sobrang sarap kong tulog kasama si bebegurl. Pagsapit ng umaga, inabot ako ng sobrang traffic. Hindi pala sobra, malayo lang talaga ang pinanggalingan ko. Nahuli ako ng halos dalawang oras sa interview para sa papasukan kong trabaho. Bilang pakiramdam naman nung si Irene-na-recruitment-staff-ata na kasalanan n'ya ang lahat, hinintay n'ya pa rin akong dumating. Pagdating sa lugar ay mabilis kong isinuot ang maliit na polong hiniram ko lang kay Mariano na s'ya ring referrer ko. Pagpasok sa loob at pagkakita kay Irene, dinala n'ya agad ako sa kwartong pag-gaganapan ng tanungan portion with the technical guys. At tulad ng inaasahan ko, olats ang resulta ng panayam. Nangamote ako. Buti na lang talaga at sanay na sanay na akong nare-reject sa tuwing naghahanap ng trabaho. Tumigas na ang dating malambot kong puso pagdating sa mga ganung bagay. Parang katulad lang din sa pakiramdam noong college sa tuwing magkakaroon ng bagsak na subject. Kabisadong-kabisado ko na kung paano ang diskarte sa buhay-talunan.

Pagkatapos ng sablay na aplikasyon sa isang kumpanya sa McKinley, dumiretso na ako ng punta sa dati kong boardinghouse. At kung bakit dating boardinghouse? 'Yung putang inang matandang hukluban kasi, nalaman lang na ikokonsumo ko na lang 'yung paunang bayad at depositong ibinigay ko para sa dalawang buwan, aba, inareglo ako na pauupahan na lang daw n'ya sa iba at ibabalik na lang n'ya ang pera para sa isang buwan ko pang natitira. Syempre pumayag ako! Pera 'yun, at pabor talaga sa'kin 'yun dahil hindi ko na naman halos nagagamit ang boardinghouse ko simula noong umalis ako sa pukinginangshet na una kong trabaho. Kung gaano ako kabilis nag-empake noong sinabi n'ya sa akin na may nakuha na s'yang boarder at lilipat na kinagabihan, s'ya namang bagal ng matandang hukluban na panginoong may lupa sa pagbabalik ng pera ko. 'Yung lakad ko nga pagkatapos ko sa McKinley ay para kunin 'yung bayad sa ikalawa at ikatlong pagkakataon na parehong bigo. Lahat ng gamit ko ay nasa bahay pa rin n'ya, para may ebidensya ako kapag bigla akong kinalimutan noong matanda. 'Yung apat na libong balik-renta nasa kanya pa rin. Na noong araw na 'yun ay inaasahan ko na talagang makukuha ko. Pero hindi. Ang masaklap pa, humirit 'yung king inang si kalbong gurang na kapag wala pa raw 'yung deposito nung nakita n'yang boarder na papalit sa'ken, kung gusto ko raw ay bumalik ako at ubusin na lang 'yung isang buwan. Pakyu! Tang ina you! Bente siete pesos na lang ang pera ko!

Pagkalipas ng apat na araw, ngayon ko lang napagtanto na ang matandang huklubang si kalbo pala ang salarin sa pagputok ng sad emoticon gun. Kung ibinigay n'ya na 'yung balik-renta, eh di sana hindi ako napatambay noong Byernes ng gabi sa kung saan-saan ng matagal habang gutom, hindi alam kung saan pupulutin, at gwapo pa rin. Higit sa lahat, hindi na sana ako napaisip tungkol sa lahat ng putang inang pagsisisi, pagkakamali, kabiguan, kapalpakan at lahat ng ka-negatibuhan sa rakenrol kong buhay na medyo nakakaumay na!

Salamat sa matandang landlord ko, hindi ko na kailangang mahabag sa sarili ko sa lahat ng kapalpakang tinatamasa ko ngayon. 'Tang ina, sa'yo ko na lang ibubuhos ang pagkaburyong 'to. Muli, salamat sa'yo. Malas mo, mas pogi pa rin ako sa'yo. Tang ina you.

3 comments:

  1. nakarelate ako dun sa nasanay sa rejection.hahahah

    :p

    papatol ka tlga kung ganyan eh .lels

    ReplyDelete
  2. haha fighting spirit tlga.

    FU salandlord mo, naranasan ko rin minsan ang ganito ng nangungupahan rin ako sa manila...

    ReplyDelete