Pages - Menu

Sunday, April 29, 2012

Siete Uno

Bago ako pumasok sa ikalawang linggo bilang isang kunwaring nagbabagong buhay na tao, nararapat lang siguro na magbahagi ako ng isang mahalagang bagay na natutunan ko noong Lunes (04/23/12).

Noong bata pa ako, ordinaryong baligtaran lang talaga ang tingin ko sa 69. Baligtaran dahil ang numerong sais at nuebe ay magkamukha at nakaposisyon na magkabaligtad nga. 
Sa Bingo ko unang nalaman na kahit pala ang mga numero ay pwedeng gawing kasangkapan sa kabalastugan. "Sa letra ng O, masarap sa gabi. Baligtaran! Kainan!", 'yang mga katagang 'yan ang bumuhay sa kyuryosidad ko. Bilang bata, napilitan akong magtanong kung bakit masarap sa gabi ang baligtaran na 'yun na kung tawagin ay 69. At kung anong kinakain dun! Wala akong matinong sagot na nakuha, pero nagkaroon naman ako ng ideya. Hanggang sa makapanood na ako ng mga porno at mapatunayan kong 69 nga talaga ang dapat itawag sa sex position na 'yun. Higit sa lahat, meron pala talagang kinakain sa gawaing 'yun.
Ang sixty nine ay halos kasing popular na lang ng high five ngayon. Pero hindi ko sinasabing kasing daling gawin tulad ng apir. At dahil nga sa masyado ng popular ang numerong 69 sa kabastusan, ilang mga hipster engineer at math enthusiast ang nagpilit ng bagong number combination na maaaring maihalintulad sa isang sex position. Ang siete uno na nakasulat katulad ng nasa larawan. Kung bastos ka, kuha mo na 'yan at malamang paborito mo 'yan. Ito ang mabisang posisyon pagkatapos ng 69.

Ang impormasyong ito ay isinalin lang sa akin ng isa sa mga professor ko. Isang matinding patunay na ang mga number at mga sign ay hindi dapat katakutan, sabi nga sa Mathinik na usong palabas kahalili ng Sineskwela noong 90's. Higit sa lahat, isa rin itong matibay na ebidensya na ang mga taong nasa linya ng engineering ay likas na bastos.


Nga pala, mas makatao 'to kaysa dog style. Nakatayo kasi.


2 comments:

  1. pero mas masarap pa rin ang 69. on second thought, masarap din pala ang 71. pwedeng both?

    ReplyDelete