Pages - Menu

Friday, April 20, 2012

Tapsilog

Sa pagkaka-alala ko, kuha ang larawang ito noong unang buwan namin bilang mag-dyowa. Naghanap lang kami ng kaibigan na maaaring tambayan, hanggang sa matuloy nga sa Cainta. Konting inuman lang, kantahan, at pag-ngata ng yogurt na nakalagay sa isang payat at mahabang plastik na parang straw.

Balak ko sanang takpan ang mukha nitong si Czarina dito sa picture na nasa gilid, hindi kasi ako nagagandahan sa kanya sa picture na 'to. Kaya lang baka isipin n'yo na ikinahihiya ko siya, eh mahal ko 'yung tao. Ang totoo, halos lahat naman ng picture na ipino-post n'ya sa Facebook ay hindi talaga s'ya maganda. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang rehistro ng mukha n'ya sa picture, madalas tuloy kung ilang shots bago kami makakuha ng larawan na pakiramdam n'ya ay maganda na s'ya. Siguro kasi pango talaga 'tong si Czarina kaya ganun. Magkagayunpaman, madalas naman sa bawat pagkikita namin, hindi pa man kami tuluyang nagkakalapit, mabilis agad ang pag-guhit ng mga ngiti sa labi ko. Kasunod ang paghiling ko sa kanya na halikan n'ya ako sa labi ('yan ay kung magkikita kami ng hindi magkagalit). 'Yun ang masarap dito, lagi akong stunned at nagagandahan sa kanya kapag harapan. Kapansin-pansin tuloy na mas malambing talaga ako kapag magkasama kami. O mas malambing lang talaga ako sa personal. O pakiramdam ko lang na malambing ako pero ang totoo eh hindi talaga? Nebermaynd!

Diretso na tayo sa kwento at tama na ang segway na mukhang magpapahamak pa sa'kin kapag itinuloy ko pa ang mga litanya ko't kumento na nagfocus masyado sa mukha ni bebegurl at ang pagiging camwhore nito.

Pagdating nga sa bahay ng isang tropa na itatago na lang nating Mariano, tulog s'ya. Hindi ko alam kung tulog nga, o ginising lang ng gelpren n'yang si Kath. Basta pagdating namin doon ay inaya kami ni M na kumain sa tapsihan na medyo may kalayuan ng kaunti sa bahay nila. Dahil libre naman at gutom din kami, sino pa ba naman kami para kapalan ang mukha at tumanggi sa biyaya. Diretso kami sa tapsihan! At habang naghihintay ng order, dito na pumasok ang picture-picturan moment. Ewan ko ba sa babaeng 'to, o uso talaga 'yun sa mga gurlaloo ngayon, lahat na lang kasi ng kilos namin noon ay pinipiktyuran.

Pagkatapos kumain ay umuwi na rin kami. Bilang medyo kundisyon naman ang mukha ko noong gabing 'yun na makikita n'yo sa larawan sa itaas, nilagyan ko ng kaunting yabang at tikas ang lakad ko. Namataan ko kasi sa hindi kalayuan ang grupo ng mga batang-batang kababaihan na pilit ang pagdadalaga. Hindi naman sa nagpapapansin ako sa kanila, sadya lang nagkusa ang mga mata't leeg nila na maglaan ng lampas sa sampung segundo para sipatin ang mukha ko. 'Yun lang, nakatunog si dyowabels sa ilang segundong kaganapan. Pagtapat na pagtapat sa amin ng mga dalaginding habang nakatingin pa rin sa mukha ko, mabilis, gigil, may pwersa pero may kaakibat na lambing na tinapik ni Yna ang betlog ko at pagkatapos ay kumaripas ng takbo. May kadiliman ang paligid pero ramdam kong nagblush ako dahil nakita rin ng mga dalagita ang nangyari. Medyo napahiya ako ng bahagya, 'matik tuloy na noong tumakbo si Yna pagkatapos ngang tapikin ang betlog ko't alaga ay humabol ako. Sa kasamaang palad, busog na busog ako kaya hindi ko rin naabutan ang loko.

Isa siguro 'to sa mga bagay na nagustuhan ko kay Yna, medyo palaban talaga't may pagka-loko rin kung minsan na nakakasabay naman sa trip ko (hilig ko kasing manghawak ng puwet kahit nasa publikong lugar kami). Ang pangit lang siguro kay Yna bukod sa rehistro ng mukha n'ya sa mga picture, ay mahiyain s'ya sa pagsasabing nabitin s'ya dun sa kinain n'ya sa tapsihan. Kailangan n'ya pa tuloy akong i-tapsilog. Tapikin Si itLog.

Miss ko na nga pala ang mahaba mong buhok. Namimiss ko na ring pusudan at tirintasan ka, promise. 14344. XO

10 comments:

  1. nkakahawig u lng si vince ng parokya ni edgar.
    tingin ko lang ah ewn ko sa iba...
    aus sa kwento ah, psweet,
    new word tapsilog tapik saitlog

    ReplyDelete
  2. Huhu pareho kami ng dilemma ni Yna :< Ang pangit ko din lagi sa picture (Hindi ko sinasabing maganda ako sa personal) kaya tuloy wala kaming maraming picture ng jowabells ko.

    ReplyDelete
  3. Hindi ko nakita yun. Sayang.

    ReplyDelete
  4. kamuka ni yna mo si yeng constantino. hehe.

    hindi pa ata ako na-tapsilog ni dude pero madalas kaming nagsasalatan pag naglalakad sa may ayala tapos wala na halos katau-tao gawa ng magmamadaling-araw na.

    tamang manyak lang. malambing kasi kami sa isa't-isa. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pang-148 ka na sa nagsabing magkamukha nga sila ni Baby Yeng ko. Hehe.

      Delete
    2. Binobola lang ako ng mga yan. Ayus naman din dahil kahit papano may napapala ako sa pagku-kwento mo sa buhay ko. Verysad.

      Delete
    3. Excuse me, buhay ko ang ikinu-kwento ko dito, sabit ka lang po. Thank you.

      Delete
    4. Ayus lang. Mataba ka naman. *End of conversation*

      Delete
  5. hahahahahaah tapsilog. Tapikin Si itLog

    ReplyDelete
  6. Havey ang pamagat mo tsong :)

    ReplyDelete