Pages - Menu

Thursday, May 24, 2012

Happy Birthday To Me!

Kapag tatamaan ka nga naman ng lintik na tadyak ng kamalasan, imbes na sipa ng pulang kabayo ang tumama sa'kin ngayong bisperas hanggang kinabukasan mismong kaarawan ko, isang humahagupit na lagnat ala-rider kick pa ang naka-sapul! Bull's-eye! Gitnang-gitna sa G-spot (Goyo's spot of weakness), boy.

Taun-taon na lang ganito. Taun-taon na lang na sa tuwing darating ang kaarawan ko ay may iniinda akong sakit. Dalang-dala ko pa rin hanggang ngayon 'yung sumpa ko noong bata pa ako na sa tuwing magbi-birthday ako eh mamalasin ako. Biro lang 'yun, nagkataon lang na madalas akong maaksidente noon tuwing bakasyon at nagkataon lang din na bakasyon ang birthday ko. Speaking of bakasyon, dahil bakasyon nga ang patak ng birthday ko, hindi ko pa nararanasan ang mabati ng isang bultuhan. 'Yung tipong parang mga unggoy na sabay-sabay na kumakanta ang mga kaklase ko ng Happy Birthday to Me and the Gorilya is You, Maderpaker. At dahil din doon, hindi ko pa rin nararanasan ang manlibre ng bultuhan din. Na isang magandang pangyayari naman pabor sa katulad kong isang kahig sa sementong walang palay.

Mukha naman akong masaya sa picture, diba? Ang totoo, pinapaasa ko lang ang sarili ko sa picture na makakainom ako ng malamig na Red Horse. Luma ang bote at wala talagang laman. Nakuha ko lang kasi 'yan sa likod bahay. Isa pa, hindi rin naman ako makakainom ng malamig na beer kung sakali mang meron dahil ang puno't dulo ng lagnat ko ay ang matinding pamamaga ng lalamunan ko. Ibig sabihin, medyo pilit lang talaga ang smile ko sa picture.

Alam ko namang trip na trip n'yong mag-flood sa mga Facebook wall, kaya ganito na lang para happy tayong lahat. Bilang hindi rin naman tayo lahat friends sa Facebook at nakasarado rin ang wall ko, batiin n'yo na lang siguro ako ng isang matindi, malupet, cute, pa-cute, o kung ano man, gamit ang Facebook mo dito: Birthday Wall. 'Yung may saysay naman sana at may kwenta bilang once a year lang naman nagdiriwang ng kaarawan ang mga poging katulad ko. So, ayun. Happy 20th Birthday ulit sa'kin ngayong 25th of May! \m/