Pages - Menu

Thursday, May 10, 2012

Kupaloids

Kung pamilyar ka sa blog ng isang pangkaraniwang kabataan, mapapansin mo na nagkalat ang mukha n'ya du'n na may kasamang tae-taeng caption o kaya naman ay isang hindi kahabaang istorya ng mga pangyayari para sa araw na 'yun. Ang punto, mukhang unti-unti na atang nagiging girly blog ang lugar na 'to. Pero hindi ang may ari, dahil sa pagtatapos ng sulating ito ay mapapansin n'yo ang bakal na bumabalot sa bayag ko!

Ramdam ko na kinse minutos na lang ay tutubuan na ako ng ugat sa tagal kong naghihintay ng masasakyang bus kanina sa Junction. Naka-set na kasi sa ulo ko na magba-bus ako at hinding hindi ako sasakay ng jeep para sa gabing 'yun. Gusto ko kasing magtaas ng paa buong byahe na hindi ko naman magagawa sa jeep. Gusto ko ring huminga ng malalim wantu-sawa ng walang nalalanghap na alikabok galing sa utot ng buong syudad. Sa madaling sabi, Dra. Vicky Belo, sobrang hagard ako kanina hanggang ngayon na itinitipa ko ang kalokohang ito dito sa harap ng monitor. Nga pala, hindi mabubuhay ang larawan sa gilid kung hindi ko pa naisipang mag-picture para i-check kung mukha pa ba akong tao kanina habang nakaupo sa gilid ng kalsada sa Junction; malapit sa Meralco at Andoks, sa tapat ng bagong bukas na Sea Oil. Sa pagitan ng mga oras na alas-nuebe at alas-dies ng gabi. Tuwing Lunes, Myerkules at Byernes.

Patawad theiskulbukol.blogspot.com sa pamba-baboy na ginawa ko ngayon, at sa mga susunod pang kawalanghiyaang matitikman mo. Kailangan ko lang ng kakasangkapin para dalawin ako ng antok sa mga pagkakataong tulad nito na nilalamon ng Samurai at Cobra ang tulog na dapat na isip ko. Matutulog na ako. Huling hirit pa pala. Ang gwapo ko, 'no? Kupal!

Mukhang namamayat na ako sa halos araw-araw na pagod dahil sa kaba-byahe, shit!

4 comments:

  1. kupal nga! masarap yatang maging tambay kesa sa napapagod sa byahe tapos nagtatrabaho.

    Masarap sumakay ng bus at pagmasdan yung mga "art" na drawing ng titi sa likuran ng mga upuan.

    ReplyDelete
  2. wala ka nakitang mga cellphone numbers na naka-vandal sa mga upuan? hehehe

    ReplyDelete
  3. ayus lang yan mukhang pagod a, ganyan talaga, kaya kami nagbitiw na para hindi ma-stress haha!

    ReplyDelete
  4. ka-umay. napakadaldal mo!!!!!!!!!!! wala akong pakialam kung sabihin nilang topakin ako! Hindi ako titigil hangga't hindi ka nagtatahimik sa internet!! Buong buhay mo nakalaan na sa pagbblog!

    ReplyDelete