Pages - Menu

Thursday, May 10, 2012

Para sa mga pusong sugatan at taong walang magawa.

Ito ay isang pseudo-open letter galing sa blog na Romantikol na binura ko rin pagkatapos kong maisip na walang saysay ang gumawa ng isa pang blog para pagtapunan ng laman galing sa maliit kong utak. Parehong dahilan kung bakit buburahin ko ang Tumblr account ko pagkatapos ng kaarawan ko. Ang kaarawan ko nga pala ay sa ika-25 ng Mayo, at inaasahan ko ang nakakapangilid luha na mga pagbati n'yo. Balik tayo sa paksang may kinalaman doon sa sulat galing sa Romantikol. Ang sulat na 'yun ay ginawa para sa mga taong sawi sa pag-ibig na naghahanap ng isang matinding payo, fresh at tunay na kapaki-pakinabang. May lalim, pero hindi masyadong dibdiban. Narito:

"Noong isang araw ka pa nagmumukmok, magang-maga na 'yang mga mata mo. Mukha ka na ngang intsik na may sore eyes, eh. Wala ka na bang ibang gagawin kundi puro ganyan na lang? Wala ka na bang ibang iisipin ku'ndi puro s'ya na lang? Punyemas na buhay pag-ibig nga naman! Subukan mo kayang buksan 'yung bagong sabon na Dove na binili ng ermats mo at gamitin sa pagligo. Magbihis ng magara, magpabango, lumabas ng bahay at magtungo sa mall. Bumili ka na ng mga bagong panyo. 'Yun na lang siguro ang magagawa mo ngayon. Lahat na kasi ata ng panyo d'yan sa tokador mo ay namantsahan na't nabahiran ng mga luha mo. Bukod pa du'n sa mga luha, alam ko rin na lahat ng panyo mo ay natamuran n'yo na sa tuwing magkakantutan kayo. Naalala na naman n'ya. Tahan na, oh."

Eto ang challenge. Ipaliwanag sa loob ng dalawa hanggang tatlong pangungusap ang ibig ipakahulugan ng liham-kuno kung meron man. Goodluck!


6 comments:

  1. Sa aking palagay, ang ibig ipakahulugan ng iyong liham na para sa mga sawing wala ng ginawa kundi ang umiyak dahil sa punyemas na pag-ibig na 'yan, ay ang mag-simula siya ng panibagong araw at itapon ang mga alaala ng luhang galing sa walang kwentang taong tinamuran lang naman talaga siya. 'Yun lang ang kaya kong sabihin dahil 'di ko pa naman nararanasang tamuran! Haha

    ReplyDelete
  2. itigil na ang pag-i-emo.. bumili ng mga bagong panyo.. maghanap ng bagong kakantutin.. hehehe

    ReplyDelete
  3. sa palagay ko bestfriend nong umiiyak ang nagpadala ng liham. inlove sya don sa umiiyak hehe isyu ito xD

    ReplyDelete
  4. hahaha tahan na, move on na, hanap ng iba!

    ReplyDelete
  5. uhmmmm, move on. yun! hehehe

    advance happy birthday :D

    ReplyDelete
  6. move on at maghanap ng bagong kakantutin

    ReplyDelete