Pages - Menu

Saturday, May 19, 2012

Pizza Man

Aminado naman ako na ginto talaga ang tingin ko sa pizza lalo noong bata-bata pa ako. Bilang na bilang lang talaga sa loob ng isang taon kung ilang beses akong nakakakain ng pizza noon. Labas 'yung pizza na keso at ketchup lang ang toppings na ibinebenta ng tagta-tatlong piso sa kantina namin noong elementary dito. 'Yung pizza na may pangalan tulad ng Shakey's, Greenwich at Pizza Hut ang tinutukoy ko. 'Yang tatlo lang na 'yan ang alam kong pizza na medyo kilala. College na nga ako noong makatikim ako ng pizza sa Yellow Cab, eh. Kapiraso na nga lang, kupit pa!

Tapos na ang katarantaduhang intro, gusto ko lang naman ipaalam sa inyo na dahil sa pagmamahal na sumibol sa puso ko para sa pizza ngayon na medyo malaki na ako, kung pamilyar ka kay Pizza Man na idol ko, isang parody sana ang plano ko kaya may picture ng picha pie d'yan na nakapatong sa hita ko. Sa kasamaang palad ay hindi ko na itinuloy dahil: 1) kulang ang lakas ng loob ko at masyado pa akong bata para sa gawaing 'yun, 2) ayoko ring basta na lang magbago ang tingin sa'ken ng mga tao kapag nakita nila ang hindi nila dapat na makita, 3) mahirap pantayan si Pizza Man at wala talaga akong ipantatapat, 4) bukod sa hindi magkakulay, wala rin akong makuhang extra para sa papel na magpapa-cute lang at medyo magugulat, at panghuli, marami pa akong plano sa buhay.

Kung medyo nahihiwagahan ka na sa kung anong katarantaduhan 'tong tinutukoy ko, bago ko ipakilala si Pizza Man, kung p'wede lang sana'y pakitawag ang lahat ng taong malapit sa'yo ngayon at magpasama kang tumutok sa harap ng monitor. Game? Game!

Siya si Pizza Man. Nagbago rin ang pananaw ko sa pagkain ng pizza noong nakilala ko s'ya.

4 comments:

  1. idol nga naman si pizza man hehehe..

    ReplyDelete
  2. hindi naman sa hindi ako naniniwalang barako ka pero pagkatapos kong makita ang gif na gusto mong ipakita, parang pinagdudahan ko ng mga sampung segundo ang pagka-tnl mo, ser. sori na. :p

    ReplyDelete
  3. dahil wala akong efbee, dito na lang ang batian portion. teka parang di maka-tunay na lalake ang "batian portion." o eh lampas isang taon lang pala tanda mo sakin eh. (lampas isang taon dahil sa shit-tember naman ako pinanganak.) at dahil bente ka na kamo ule, ibig sabihin niyan eh magbebentedos pa lang ule ako. hehe. pibeerday pre. palasing ka na! \m/

    ReplyDelete
  4. may pagkahomosexual nga ata itong si goyo. ehe|

    ReplyDelete