Pages - Menu

Saturday, May 5, 2012

Timeline

Ipinagbayad ako ng trenta pesos na pamasahe nung negrang nakasabay ko kaninang umaga (05/04/12) sa jeep pa-Tanay. Walang pilitang nangyari, basta narinig ko na lang na tinanong n'ya ako kung bayad na raw ako pagkatapos n'yang sambitin na ang pogi ko noong umagang 'yun. Katarantaduhan ang tumanggi sa grasya na may kasama pang bola.

Pagkatapos kong magpasalamat sa libreng pamasahe, bumaba agad ako ng jeep at humiwalay ng lakad sa nanlibre sa'ken. Mahirap na, pakiramdam ko kasi obligasyon kong manlibre din kung sakali man na iisang van ang masasakyan namin pa-Maynila.

Dumiretso ako sa pampublikong kubeta para umihi. Pero sa tuwing bumubwelo ako para mailabas ang ihi, parang sumasabay naman ang pagdila ng jerbaks sa wetpaks ko. Kinailangan ko pa ng matinding konsentrasyon para ihi lang ang lumabas sa pwersang pakakawalan ko.

Binuraot ko 'yung isang maliit na box ng pizza (kasalukuyan kong nilalantakan habang isinusulat 'to) kay Yna noong magkasalubong kami sa Cubao station ng LRT2 pasado alas otso y media ng gabi. Nagyakapan lang kami at konting lips-to-lips, pagkatapos ay kanya-kanyang uwian na.

At ang larawan sa itaas... para sa mga ebak na matagumpay kong nailuwal pagkatapos ng higit dose oras na pagdadalang-tae. Yebah!

6 comments:

  1. lols.....

    ikaw na ang nalilibre ng pamasahe. type ka nung nanlibre sa iyo! iba kamandags mo sir goyo.

    ReplyDelete
  2. Hahaha.. Grabe, ang dami kong tawa dito Goyo.. Para kang nagkwento nang may twist sa dulo.. haha. Eew. :)

    ReplyDelete
  3. ang tindi ng karisma. may nanlilibre =D

    ReplyDelete
  4. iba talaga ang karisma nating mga pogi. nating mga pogi talaga eh, no?

    may etits 'yun, pre. pustahan pa tayo.

    ReplyDelete
  5. hahah i salute you.. hahah ikaw na..

    ReplyDelete