Pages - Menu

Wednesday, June 6, 2012

KM3: "..."

"'Tol, alam mo ba ang tinig ng isang Pilipino?", itinanong ko 'to dun sa gwardya sa ibaba ng paupahang tinutuluyan ko. Wala s'yang isinagot ku'ndi isang ngiti lang na kita ang gilagid, blanko at walang laman. Walang tinig si manong.

Tulad nitong si kuyang gwardya, ako man ang tanungin mo ng ganun sa personal, wala rin akong isasagot. Meron pala, sasabihin ko sa'yo na wala akong panahon sa walang kwentang bagay na 'yan. May kasamang ngisi, dahak at pwe! Para lang sa mga pulitiko ang seryoso, pero walang kwentang tanong na 'yan. Isang taon na lang eleksyon na, magsawa kayo sa tinig na mag-aahon sa inyo sa hirap.

Ganito na lang siguro. Isipin n'yo na lang na isa akong mahusay na journalist, isang taong mahusay sa pag-gawa ng mga dokumentaryo, at ililibot ko kayo sa Maynila para alamin ang "Tinig ng mga Pinoy".

Okay na ba ang kamera, 'tol? Magsasalita na ako?

Narito tayo ngayon sa lugar na kung tawagin nila ay U-Belt. Dito tayo sa gilid.

Etong gusgusing batang 'to na hubo't hubad na naglalakad at may hawak na baso sa gilid ng kalsada dito sa gawing Bustillos sa Legarda, sa paradahan ng mga pedikab na de motor o 'yung tinatawag nilang kuliglig, ano kayang tinig nito? Tumahimik kayo at makinig, kumakalam ang sikmura ng pobre. 'Yun na siguro ang tinig n'ya bilang isang Pilipino.

Sa hindi kalayuan ay nakaupo sa likuran na bahagi ng kuliglig ang ina ng bata, titig na titig sa anak n'ya, kumakalam din ang sikmura at bumubulong, "Magandang buhay para sa pamilya ko". Habang si mister naman ay sumisigaw para maghanap ng maisasakay na pasahero, "Uste-uste! Uste-uste!". Klarong-klaro, may tinig naman pala ang mga Pilipino tulad ng mag-asawang 'to.

May pasahero na si mister, bumaba si misis at kinuha ang anak. Puno ang kuliglig, tatlo sa loob, dalawa sa likod. Napakamot sa ulo ang isang highschool student na sa likod ni mister drayber sweet lover nakaupo. Mukhang mabigat sa bulsa ng bata ang pamasahe. "Para sa edukasyon!", 'yung wallet na n'yang Angry Bird ang sumagot.

 Brad, wala ng karga 'tong baterya ng...

12 comments:

  1. whew.. ambilis.. good luck dito sa entry mo, adre..

    ReplyDelete
  2. hello, nakiraan lang at nakibasa. ang ganda ng akda, parang flash fiction lang... ^^

    good luck sa iyong lahok, kapatid and regards. :)

    ReplyDelete
  3. Astig! Napacomment ako at bjhira mangyari 'yun! :)

    akosiIMOT

    ReplyDelete
  4. tangnang yan.. andun na nalobat pa.. tsk! hehe.. ayos! xD

    ReplyDelete
  5. bad trip! ... dapat amrinig ng gobyerno ang tinig nila :(

    Goodluck pare sa entry mong ito ...

    ReplyDelete
  6. may malalim na ipinapahiwatig. nasan po ang continuation?? hehe joke...

    goodluck po!

    ReplyDelete
  7. Aw kamon aydol, galing :)))))

    ReplyDelete
  8. ang tinig na kalimitan ay bingi ang mga nsa pwesto.
    simple pero malaman.....

    ReplyDelete
  9. ay... talaga naman.. mahusay na mahusay... goodluck! :D

    ReplyDelete
  10. Bitin, kagaya ng tinig na hindi nasasaklaw ng ating mga pandama, ng ating paningin at pandinig dahil umaapaw. May mga tinig mula sa patay, sa basura, sa mga nabubulok na paaralan, sa mga nasnas na sapin sa paa ng batang pumapasok sa paaralan.

    May tinig sa tahimik na silid, sa madilim na kalye..hindi kayang saklawin...ay bitin ang tinig.

    Subalit sa espasyong ito, naipahayag ang bahagi ng tinig na naghuhumiyaw sa katotohanan.

    ReplyDelete