Pages - Menu

Thursday, July 26, 2012

The Mighty Eskoba

Hindi ako 'yung tipo ng tao na mahilig magbalandra ng mga bagong gamit para ipagyabang, pero iba ang isang 'to. Ang totoo'y wala sa'kin kung mapansin o hindi na bago ang suot kong damit o sapatos. Bukod kasi sa hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling nakatikim ng bagong kasuotan, maliban sa kagwapuhang taglay ay wala na ata akong kayang ipagyabang. Ulol.

Bihirang-bihira akong bumili ng gamit para sa sarili, e.g damit, sapatos, bra, panty, etcetera. Ang totoo nga n'yan, ang huling gamit na binili ko ay isang itim na tabo at timba para sa kubeta sa bagong kwarto na tutuluyan ko. At pagkalipas nga ng halos dalawang buwan, sa wakas ay nakabili ulit ako ng bagong gamit. Sa kasamaang palad, para ulit sa kubeta at hindi sa'ken. Narito ang detalye:

Product name: Thor's Eskoba

Full details and specifications:

1. Hawakan mula sa tira-tirang kahoy na ginagamit panggatong ng mga diyos.
2. Higit isang libong hibla ng kulay pulang matitigas na kawangis ng plastik mula naman sa bulbol ng mga nagbibinatang diyos.
3. Ang alambreng ginamit para pagdikitin ang mga pulang hibla at ang hawakan na kahoy ay mula naman sa tinanggal na brace ng mga kikay na diyosa.
4. Ang Thor's Eskoba ay tatagal hanggang sampung libong gamitan, depende sa tigas ng taeng nakadikit sa inidorong lilinisin.
5. Depende sa konsentrasyon n'yo sa paggamit at determinasyon sa paglilinis ng kubeta kung may lalabas na kidlat mula sa mahiwagang eskoba.
6. Mabisang panghalili sa talong at vibrator. Ganun din sa sipilyo, batuta at arnis.
7. Mas epektibo kung long hair at blonde ang gagamit. Walang kaso kung hindi malaki ang katawan, basta may puso.
8. Bukod sa may basbas ng diyos na si Thor, ang eskobang 'to ay murang mura lang at may warranty pa. Handa rin nilang ibalik ang perang ibinayad n'yo kung hindi kayo satisfied sa produkto. Gawang Stark nga pala 'to.
9. Oras na bumili kayo nito, sila na rin ang maglalakad ng mga papeles n'yo sa pag-aapply ng lisensya para madala n'yo 'to sa kahit saang lugar na inyong naisin.
10. At panghuli, kung gusto n'yong magkaroon din ng ganito, kontakin n'yo lang ako at maghanda ng isang daang piso. Kung wala naman kayong isang daang piso, kayo na lang ang bumili ng mga eskoba n'yo. Dalhin n'yo na lang sa'kin, limampiso na lang ang tatak presyong kaibigan.

6 comments:

  1. Wow, gusto ko din magkaroon ng Mighty Eskoba :D

    ReplyDelete
  2. auz ah.
    tlgang mighty ang intro ah...

    ReplyDelete
  3. eskobang may lisensya. astig!wahaha

    ReplyDelete
  4. Mwahahahaha tawang tawa naman ako sa 5 and 6. So dapat ba with feelings ang gamit? Good day ser!

    ReplyDelete
  5. Ayus talaga ang mga banat mo sir!

    ReplyDelete