Pages - Menu

Saturday, August 25, 2012

Because iPhone is so Gay and Overrated

Cellphone na nga marahil ang isa sa pinaka-kapaki-pakinabang na imbensyon ng tao. At ang ebolusyon nito mula hollow-block-inspired-design hanggang umabot sa itsura ng mga ginagamit natin ngayon ay ang natatanging ebolusyon na may pakialam tayo. Isang milyong beses na mas may pakialam kaysa sa malabong teorya ng ebolusyon ng unggoy hanggang sa maging tao. Nasabi kong malabo ang teorya ng ebolusyon ng tao dahil lumipas na ang kung ilang milyong taon, kung mapapansin n'yo ay may mga mukhang unggoy pa rin hanggang ngayon. Hindi tulad sa mga cellphone na simula noong maisipan nilang itago ang antena nito ay hindi na ulit naisipang ilabas ng mga manufacturer. Pangit kasi ang hitsura at hassle masyado kapag nasa labas ang antena. Kaya kung pangit ka, sa loob ng bahay ka na lang din tumambay para iwas hassle sa makakakita sa'yo. 'Yun lang ang ibig sabihin nun.

Ang koneksyon ng mga bagay-bagay na nabanggit sa itaas at mga bagay na mababanggit pa sa ibaba ay maaarok mo lang kung nasa pareho tayong sitwasyon ng katabaan at antas ng kawirduhan. Patawad.

Bukod sa cellphone na halos lahat ng kung anu-anong shit ay mayroon na (actually inidoro na lang nga ata talaga ang kulang), masasabi ko na ang pagsasalata ng sardinas ay maituturing din na isang napaka-super-ultra-henyong imbensyon. Isang klase ng pagkain na bukod sa mura, ay talaga namang maaasahan lalo sa panahon ng bagyuhan, kalamidad, sakuna, o kahit noche buena, birthday o simpleng inuman pa 'yan. Kung ilang milyong pamilyang Pilipino na ang naisalba ng mga sardinas sa pagkagutom, wala tayong ideya doon. Hindi kailangang iluto, sarsa pa lang ulam na, minsan may amoy pa, kutsilyong pangbukas at sangkatutak na kanin lamig lang ay talaga namang solb ang buong angkan. Lagyan mo pa ng toyo, katalo lalo 'tol, pati kapitbahay makakakain. Kung trip mo namang iluto, ayon sa mga nakapanayam namin na mga loyalista sa lata ng sardinas, umabot na raw sa limang-daan na putahe ang pwedeng pag-gamitan nito. At ang pinaka-dabest daw na luto ayun din sa kanila at sa mga isinagawang surveys ay ang nilagang sardinas kasama ang lata. Ganun katindi ang kapangyarihan ng mga lata ng sardinas na ito. Ako mismo ay saksi. Ilang libong beses na akong iniligtas nito sa pagkagutom at tuluyang pagkasira ng pag-aaral. May bagyo man o kahit ordinaryong araw lang noong college days na walang wala talaga akong pera dahil sa kaka-Dota. Sardinas talaga ang tunay na bayani at hindi ang mga epal na pulitiko at artista. Maliban syempre kay Cesar Montano.

Bilang pagpupugay sa dalawang makabuluhang pagkakatuklas na ito, isang kumpanya ng mga engot ang naglunsad ng proyekto kung saan, bukod sa pagpo-promote ng pagkaing masusustansya sa preservatives, environment friendly na, high-tech pa. Mapalad ako na isa ako sa masuswerteng unang tambay na nabibiyayaan ng pagkakataon na masubukan ang bagong magiging craze na 'to sa pagkain man o teknolohiya.

Introducing the "iLigo". Ang produktong ito ay perpekto sa pagkuha ng larawan ng sarili habang nasa harap ng salamin pagkatapos kumain. Hindi kailangang magsipilyo bago kuhanan ng larawan ang sarili, dahil mas malansa ang amoy ng hininga, mas maganda ang kalidad ng larawan at mas maraming likes ang makukuha nito kapag in-upload sa Facebook. Ginagarantisado namin 'yun sa'yo sampu ng aking tatlong kasamang iskul bukol na mga engot. Wi-fi ready up to 10Mbps kahit dial-up lang ang connection speed. Bukod sa bluetoot, madali ring maka-toot sa chiks. Available sa dalawang kulay: pula at berde, sweet and spicy. Ang buong specifications ng iLigo ay hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng letra lang, ikaw mismo ang dapat umalam.

Ano pang ginagawa mo d'yan 'tol, pare, men, dude? Tama na ang pagtunganga at sumugod ka na sa pinaka-malapit na suking tindahan bago pa magkaubusan!

4 comments:

  1. haha nakakatawa tong post mo akala ko talaga tungkol sa cellphone yun pala tungkol sa sardinas. hahaha

    ReplyDelete
  2. wahaha, imbentor ka na din pala ng bagong brand ng sardinas parekoy!

    ReplyDelete
  3. Tsong, ilang gb ba 'yang Ligo mo? Gusto ko rin niyan eh. Also, i miss you badly, i can't even breath. :(

    ReplyDelete
  4. walang binatbat ang iphone sa iLigo pag gutom.. hehehe

    ReplyDelete