Pages - Menu

Sunday, August 12, 2012

Ang Gusto Ko, Virgin









Isa 'to sa mga klase ng generic na tanong para sukatin ang dami ng alikabok sa utak ng isang tao, na paulit-ulit nang pinatulan at sinagot ng kung sinu-sino pero paulit-ulit pa ring bumabalik para mangulit. Hindi ko na nga sana papansinin 'to at hahayaan na lang na mabulok at matabunan sa inbox ng Tumblr-slash-pseudo-Formspring ko. Katunayan pa nga n'yan, higit isa o dalawang buwan na ata noong lumanding 'tong tanong na 'to sa'kin. Pakiramdam ko nga simula noon eh hindi na bumalik 'yung nagtanong (kung sino man s'ya) sa blog ko dala na rin ng pagtatampo sa akalang pag-isnab ko sa mahiwagang question n'ya. Epekto pa rin ng kabagutan tulad pa rin ng dati, kaya heto napagdesisyunan ko na patulan na.

Ilang beses ko na rin namang naenkwentro ang tanong na 'to, at mukhang may malaking kaibahan sa mga isinagot ko noon ang isasagot ko ngayon. Senyales ng isang may pinagkakatandaan siguro ang kalalabasan ng paliwanagan, o 'di kaya naman ay isang taong tumatanda ng paurong. Tingnan natin.

Tanong: Mahalaga ba kung virgin yung babaeng pakakasalan mo?

Mas gasgas pa sa puwet ng asong nagtatae ang sagot na bonus na lang ang virginity ngayon parang libreng tissue sa Savemore kapag bumili ka ng isang kilong kamote. Nandun 'yung punto pero kapos sa paliwanag, parang istudyanteng iskul bukol na kinorner ni titser sa recitation at nasayang na laway lang ang minarkahan.

Base sa statistics ng mga unggoy, ang average age ng mga Pinoy kapag nag-asawa ay 25 para sa mga lalaki, 19 naman para sa mga babae. Edad 11-12 naman nagsisimulang magkaroon ng boypren ang mga bebot, pero kadalasan ay mas matanda sa kanila ang nagiging mga kasintahan nila. 'Yun kasi ang edad na madali pa talagang utuin ang mga babae, at 'yung mga lalaki namang nang-uuto ay wala ng mabilog na ulo sa mga kaedad nila. Hindi ko na lang siguro sasabihin dito na madalas puro katarantaduhan lang ang ituturo ng mga matatandang 'yan sa mga batang babae dahil sa pagpipilit nilang pahinugin si neneng sipunin. Nasa edad 14-15 naman unang beses na manliligaw ang isang pangkaraniwang uhuging lalaki. Mababa na ang pitong relasyon para sa mga babae bago sila mag-asawa. Kadalasan naman ay nakaka-pito hanggang sampung libong kasintahan ang isang lalaki bago lumagay sa tahimik. Labas pa rito ang mga chiks sa beerhouse. Malinaw sa datos mula sa mapagkakatiwalaang mga unggoy na mas maaga talagang lumalandi ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Pero labas 'yun sa tanong kaya kalimutan n'yo na lang na sinabi ko 'yun.

Ang isang relasyon naman bilang magdyowa ay karaniwang tumatagal ng dalawang buwan. Sobrang tagal na nun, pramis. At kung may balak ka namang itanong kung ano ang madalas na ginagawa ng mga magkasintahan sa loob ng itinagal ng relasyon nila, huwag na tayong maglokohan dito dahil mas marami pa ang puting uwak sa bilang ng magkasintahang nagbreak na't lahat lahat ng walang ni-kiss man lang na naganap. Kung gagalugarin pa nating maigi, itanong na lang siguro natin sa sangkatutak na motel na parang kabuteng nagsulputan kung ilang kabataan na ang pumasok sa lugar na 'yun at nagkwentuhan lang. Idamay na rin natin ang mga piping pader at sahig sa tanungan kung ano ang ginawa ng magsing-irog noong minsang naiwan sila na walang kasama sa bahay.

Kung hindi mo pa rin makuha ang gusto kong tumbukin sa mga kataehan na pinagsasabi ko sa itaas, ganito na lang: Kung gagawin ko sigurong numero unong basehan ang pagiging birhen ng isang babae, 87.69 percent ang tyansa na baka hindi na ako makapag-asawa. O kung suswertehin naman sa pagpipilit, malamang sa malamang eh baka trese anyos lang ang maging misis ko. So bale ang sagot ko sa tanong na 'to ay isang malaking "Oo, mahalaga sa'kin na virgin pa ang babaeng mapapangasawa ko... sa pores sa loob ng ilong."

Hindi kumpleto ang sagot kung wala ang mga generic lines tulad nito: Hindi sukatan ang pagiging birhen ng isang babae sa kanyang pagkatao. Lahat tayo ay minsan ng nagkamali sa mga buhay natin. Maaaring akala n'ya ay sila na ang magkakatuluyan kaya ibinigay n'ya 'yun sa maling lalaki noon. Higit sa lahat, hindi pa huli para magbago. Papayat din si Santa Claus, tatlong cheese burger na lang at pitong kwek-kwek.

Para naman sa pangalawang tanong: Utang na loob please lang, kung isa ka namang babae at may balak kang mag-asawa, kalimutan mo na ang pantasyang maikakasal ka sa isang lalaking virgin. Trabaho't ugali na lang ang gawin mong basehan, mas gaganda pa ang buhay mo kahit panget ang mapangasawa mo. Pero kung mapilit ka talaga, ehem, alam mo naman siguro kung saan ako hahanapin. K, bye.

7 comments:

  1. very witty. haha at agreeng agree ako. di basehan ang virginity ng isang tao mapababae man o lalaki. kahit naman virgin siya kung di mo masikmura ang ugali nya o pagmumukha nya papakasalan mo ba? di naman di ba? pagkatao. oo korni man. pero pagkatao ang mahalaga. at kung mahal mo siya. yung talagang talaga. =D

    ReplyDelete
  2. takte... kung virginity ang basehan ng pagaasawa, siguro mas madaming maglilivein nalang. nyeta

    ReplyDelete
  3. boring na ang virgin ngayon haahha ;-) nakakatuwa namn ang post mo

    just me,
    http://phioxeetravel.blogspot.com
    http://phioxeeAwareness.blogspot.com

    ReplyDelete
  4. kung malabo talaga, pwedeng maghanap na lang ng asawang makakasundo sa "beergin".. hehehe

    ReplyDelete
  5. Bakit ganon 9k lang yung saken haha ayus yung sagot mo kung ano man ang nakalipas bago naging kayo e dapat nang kalimutan dahil ang mahalaga ay ang ngayon, bibong bibo ka pre maganda yan!

    ReplyDelete
  6. mas gugustuhin kong mag alaga ng makamandag na ahas na mananahimik sa kulungan n'ya kesa sa maamong tuta na lalapa sa mga bisita ko pag naging aso na.

    pero wala naman nagtatanong ng opinyon ko kaya kung ako sa akin sana sinarili ko na lang 'yan, bye.

    ReplyDelete