Pages - Menu

Saturday, September 29, 2012

Alarm Clock

Sa ilang madaling araw kong sunud-sunod na pagpupuyat nang dahil lang sa pagtitig sa kisame ng walang kurapan at pagpapababa ng jampak na kain dala ng takot na mamatay nang dahil sa bangungot at sikip ng brip, ni minsan hindi pa ata pumalya 'yung kapit-bahay ko sa kabilang kwarto sa paghihilik tuwing pasado ala-una na. Habang tahimik ang piping gabi, nakanganga na si manong guard, at namamasa na ang singit ko sa pawis dala ng init.

Pagkatapos makuha ang tyempo at beat ng hilik ni tropa, magtitimpla na ako ng kape at matutulog habang ikinikiskis ang magkabilang tenga sa unan at kumot. Buo na naman ang araw ko, paps. Ang tindi mo.

Oy! Bago pa muling magkawalaan, paki-bookmark na lang 'tong bagong URL ko. Tinanggal ko na kasi 'yung (dot)com kahit may isang buwan at mahigit pa ako bago mapaso. 'Tang ina bookmark, ibang level. Salamat mga mams at paps. Pagmamahalan!

Nga pala, paki-dalaw na lang si Brando. Kesa magkamultuhan pa!

1 comment:

  1. buti nakakaya mong matulog kahit may naghihilik sa tabi mo hehe

    ReplyDelete