Pages - Menu

Wednesday, October 31, 2012

The Perks of Being a Wallflower

Unang-una'y nais kong magpasalamat sa ututin kong kapatid sa pagpapahiram ng libro. Wala kayong ideya kung gaano katuso ang kapatid ko. Sabihin na lang natin na gusto n'ya akong pagbayarin ng trenta pesos bilang renta noong hiniram ko 'to sa kanya.

Mabilis lang 'to at wala ng pasikot-sikot pa. Kung mayroon mang isang bagay na masasabi kong pareho sa aming pagkatao ni Pareng Charlie na bida sa kwento, 'yun siguro ay ang pagiging mapagmahal sa mga taong nasa palagid ko. Huwag na lang siguro nating pakialamanan at pagkumparahin ang antas ng pag-iisip at mga karanasang pinagdaanan naming dalawa.

Kung papaano ko nasabing pareho kaming mapagmahal, ganito 'yan. Ako rin kasi 'yung tipo ng tao na hindi mapagsamantala sa mga kababaihan kahit malaman ko pang dead na dead sa'kin, lalo pagdating sa sex. Kahit nasa akin na ang lahat ng pagkakataon, nakakabuka na't lahat, maging mukha pa ni Emma Watson ang makita ko sa katauhan ni Sam sa kwento, uurong din ang dati ng urong na etits ko. Because, I am infinite. Infinite ang kasinungalingan.

Maiba tayo. Huwag n'yo na lang sigurong silipin 'tong magandang librong 'to kung wala kayong balak basahin at pakinggan lahat ng libro at mga kantang binanggit ng tarantado at henyong si Stephen Chbosky. Bye.

4 comments:

  1. Excuse me while I cry 'cos I haven't read the book yet. /wrist Huhuhu. Tagal ko na 'tong planong basahin pero di pa rin nagkaka-oras na makabili ng copy. -___-

    ReplyDelete
  2. mas naintindihan ko sya nung napanood ko.. hehehe

    ReplyDelete
  3. salamat sa pagdaan sa blog ko idol..:))

    ReplyDelete