Pages - Menu

Saturday, November 3, 2012

Advanced Physics

Malinaw na nakasaad sa mga coloring book (na s'yang pangunahing dahilan kung bakit saulado ko pa rin hanggang ngayon ang pagkakasunud-sunod ng mga kulay sa bahag-hari), tulad nung isa kong libro noong college na binili ko pa sa Recto sa halagang P495.00, na pressure is equal to force over area. Gamit ang swabeng boses, Physics!

Base sa formula (P=F/A), kung ipagpapalagay natin na hindi magbabago ang pwersa, oras na gawing mas malaki ang area, mas magiging maliit ang value ng pressure.

Isa 'to sa mga dahilan kung bakit nararapat lang na sa wikang Ingles ituro ang mga bagay tulad nito. Magmumukha lang kasing hindi kapani-paniwala ang mga titser kung tatagalugin nila ang mga shit na may kinalaman sa siyensya. Kung naaalala n'yo lang naman 'yung pinagdedebatehan noong araw kung Filipino ba o Ingles ang dapat gawing medium of instruction sa eskwela. Mabalik tayo sa ibinibida ko.

Ang totoo'y isang mabuting balita ang nais kong ihatid sa mga taong medyo nabiyayaan ng sobrang taba tulad ng nasa larawan sa itaas (binayaran ko ho ang sarili ko para magmodelo sa sarili kong produkto). Kung ikokonekta kasi natin sa Physics, tulad kung paano n'yo ikonekta ang salitang pag-ibig sa patataas at kung anu-ano pang mga bagay, pwede nating sabihin na isang bentahe ng pagiging mataba ay ang kakayahang sumalo ng malalakas na pwersa, hindi lang sa pisikal na anyo kundi pati emosyonal.

Ang F o force sa formula ay ang problema (sa pag-aaral, pamilya, okay sige pati sa pag-ibig, nahulog na candy, mabagal na internet connection, bulok na computer at ngipin, mabahong hininga at kepyas, maliit na etits at kung anu-ano pa) na maaaring magpalubog at makasira sa isang tao. Ang A o area naman ay area pa rin. Surface area ng katawan ng tao para eksakto, na direktang proposyonal kung gaano kalaki, kataba at karami ang bilbil ng isang nilalang. Mas mataba, mas matangkad, mas malaki ang suso, mas mataba ulit, natural mente lang na mas malaki ang surface area. Ibig sabihin pala, ang mas matatabang tao ay mas maliit o mas mababa ang pressure na nararamdaman. Malinaw na nangangahulugang mas mataas talaga ang kakayahan nilang hawakan ang pressure na dulot ng mga problema.

Pero paano kung ang problema ay ang mismong katabaan at grabe na ang pressure na nararamdaman ng may katawan dahil dito? Mathematically speaking, problema sa katabaan over katabaan is equal to one. Ibig sabihin, meron kang isang malaking problema na dyeta't ehersisyo na talaga ang kailangan para mawala ang pressure na nararamdaman mo. Digs? Orayt!

Okay. Alam ko na isa akong henyo para maisip ang mga walang kwentang bagay tulad nito. Salamat.

5 comments:

  1. homaygulay! nosebleed ako sa formula mo.

    ReplyDelete
  2. Madali lang yang katabaan na iresolba, pare koy.... kaya lang may problema kang sasagupain kung gagawin itong payo ko na kinuha ko actually sa payo mo. ito ay ang pagdidiyeta, pero para di mo naman sabihin na nangungupaya ako ng payo ng may payo ay medyo iniba ko at ginawang talagang mas mabisa para mawala ang problema mong katabaan( problema rin nila) ang gawin ng isang tao ay ang pag- "fafasting"(hwag mo ng tagaloging bro baka maging pangit si fafa) kung noong unang panahon ay ginagawa ng 40 days and 40 nyts, kahit gawin mo lang 4 days and 4 nyts para buhay ka pa sa ikalimang araw.

    Kaya lang gaya ng sinabi ko malaking problema dahil si Satanas ay hinihintay ka para tuksohin - at sa kagutoman mo ay baka pandesal na ang tingin mo sa mga bato sa kalsada, at magsisigaw ka na tulongan ka ngdahil parang gusto mo nang mahulog sa hukay, at higit sa lahat baka masabi mong "mahal kita satanas" - iyon nga dahil sa walang hiyang katabaan mo - iyon ang umpisa't dulo ng lahat!

    Nakaka - GOYO naman ang pagsusulat mo..pati dila ko di napigil ilabas ang lahat ng pinipigilang....ummppp..kinagat ko na para magtigil na sa kauutos sa mga daliri ko na magsulat....

    ...NAKU, ang hirap naman isulat yong cpcha pre...naka sampung trial and error na ako ayaw parin....

    ReplyDelete
  3. haha Goyo, pano yan nyatot ang body ko, does that mean na malakas lagi ang dating ng pwersa ng pressure sa akin? :D

    tamang diet at right form of exercise, I'm sure in a months time mababawasan na ang iyong mga bilbil ehehe!

    ReplyDelete
  4. puyat + walang kain + tobats + iba pang klase ng pag-abuso sa katawan = kapayatan.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ito 'yung tip din ng tropa ko eh. The unhealthy way daw para pumayat, pero epektib. Taragis!

      Delete