Pages - Menu

Wednesday, November 14, 2012

Ginoogle Ko, Gago!

Sa lahat ng magagandang bagay na naitulong sa 'kin ni Google kung meron man bukod syempre sa paghahanap ng mga larawan ng mga sexy star na aksidenteng lumuwa ang suso, isa na siguro 'to sa dapat ko lang talagang ipagpasalamat at tanawin na utang na loob.

Rotational Dynamics ang problem, na syempre produkto ng 'king inang Physics. Sa maniwala ka't sa hindi, pero dapat ka talagang maniwala, ngayon lang ako nakaenkwentro ng ganitong problem dahil unang una, hindi ko paborito ang Physics, Dynamics, Mechanics at iba pang subject na may kaparehong tema. Pangalawa, malayo 'to sa daan na tinahak namin sa mundo ng engineering (o bobong ECE graduate lang ako?). Ito ay isang madilim na kabanata ng buhay kolehiyo para sa amin. At walang taong gustong mamatay sa magkaparehong bangungot.
 
Likas sa pagkatao ko ang pagiging matulungin kaya kahit hindi ko kaya ay hindi ako nag-alangang sumagot na tutulungan ko ang taong nagpadala ng problemang 'to isang hapon habang hinihintay kong matapos 'yung dina-download kong porn na bida si Tito Sotto at Pooh.
 
Pagkatapos kong mabasa ang problem, may tatlong bagay ang biglang naglaro sa kokote ko. 1) Posibleng alam na n'ya talaga ang sagot at sinusubukan n'ya lang ako kung may natutunan ba talaga ako sa kolehiyo. 2) Gusto n'yang patunayan na may pagka-bobo talaga akong taglay at ang lahat ay nakuha ko lang dahil sa tsamba at swerte. 3) Higit sa lahat na parang katulad din ng naunang dalawa, hindi s'ya elibs at kumbinsido sa kung ano mang nakita n'ya sa Facebook tatlong linggo na ang nakakaraan. Sa madaling sabi, mapaghinala ako masyado sa pag-iisip kong mapapahiya ako dito kung sakali kahit tunay naman talagang kailangan ng tulong ng kaibigan kong 'yun. Ang mas malala, inisip ko rin na ang pagiging matulungin ko ang magsisilbing mitsa ng pagkamatay ng yabang na meron ako noong mga sandaling 'yun na may hang over pa ako sa mumunting tagumpay na nakamit ko.

100% nga pala ang sagot. Thanks, Google.

3 comments:

  1. pano na kung wala si pareng google? ehehehe. ang hirap maghanap ng kasagutan sa libo libong pahina ng encyclopedia lols

    ReplyDelete
  2. Lahat na yata alam ni google. ang genius nya diba. Buti nalang nanjan sya. Napadaan ako sa blog mo. Nakakatuwa ka magkwento :)

    ReplyDelete