Pages - Menu

Sunday, November 18, 2012

May asim pa si boss!














Wala akong ideya kung anong kinain n'yo kaninang umaga at bigla n'yong naisipang magtanong tungkol sa mahiwagang lovelife ko. Nagkakape man kayo o hindi habang tumatae, nais ko pa rin kayong pasalamatan sa pag-aaksaya n'yo ng sampung segundo para tumbukin ang mumunting bakuran ko sa Tumblr. Dahil sa mga tanong na 'to, muli ko na namang naramdaman na may pag-asa pa talaga akong maging artista. Speaking of pag-aartista, hindi ko na lang siguro ikukwento ng detalyado, pero mahalaga talagang malaman n'yo na ako ang gumanap na Jesus Christ noong unang beses na nagtanghal ng sinakulo dito sa bayan namin. Mukha lang po ang puhunan ko noon dahil hindi ko talaga kayang isugal ang abs ko.

Para kay Ms. Anonymous na mukhang seryoso sa buhay, gusto ko lang malaman mo na walang makakabuwag ng romantikong relasyon ko sa kanin. At wala po akong gelpren ngayon. Nawalan ako ng kasintahan simula noong magustuhan ko ang kantang "Pusong Bato" na s'ya na ring theme song namin ngayon ng kanin.

Para naman kay Ms. TheGuiltySaint, maraming salamat sa'yo dahil hindi na ako nahirapang manghula kung sino 'yung anon. Hindi ko alam kung anong klaseng strategy ang naisip mo at nag-anonymous ka pa sa pangalawang tanong mo. Anyway, kung ibinato mo siguro sa 'kin 'tong tanong slash pick-up line na 'to 2 years ago, malamang sa malamang eh uulanin ka ng pambobola mula sa 'kin at hindi talaga ako magdadalawang isip na bigyang tugon ang kaunting kiliti na inihaing mo. Nakakalungkot mang sabihin, pero easy to get kasi ako noon at wala talagang sinasanto.

Muli, salamat sa'yo Ms. Anon at TheGuiltySaint kasi gwapo pa rin pala ako at nadagdagan na naman ang kulubot sa bayag ko.

7 comments:

  1. oh ha, uber sikat ka na parekoy ehehehe! dami mong fangirls :D

    ReplyDelete
  2. naks... iba na ang may asim hehehe

    ReplyDelete
  3. Kasing asim ni Nanay Dionisia. ~ May Tumblr ka din pala boss. Hehehe.

    ReplyDelete
  4. Nakakalungkot 'tong mga comment n'yo. Seryoso.

    ReplyDelete
  5. hahaha.. natawa ako sa pusong bato.. tanong lang? bakit ayaw mo na lumablayp??haha.. at bakit kung two years ago e pwede sana?? hmm.. napaisip lang ako..:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabihin na lang natin na ganun talaga kapag artistahin.

      Delete
  6. Di na pala ko updated... Wala na pala ang astig na labteam=(

    ReplyDelete