Pages - Menu

Wednesday, November 21, 2012

Zo Deef!

Maraming bagay ang hindi ko talaga maintindihan sa sarili ko. Oo, malabo akong tao at normal lang 'yun kasi artista ako. Pero 'tong isang 'to eh madalas pinagmumulan ng kalungkutan ko kaya nababahala na rin ako.
 
Para siguro hindi na humaba pa ang usapan, sabihin na lang natin na madalas akong bumili ng softdrinks kahit hindi ko naman talaga gustong bumili. Uutusan ko pa 'yung taong tindahan na ilagay n'ya sa plastik kahit doon mismo sa harap ng tindahan ko lang din naman iinumin ng wala pang sampung segundo 'yung softdrinks. Pagkatapos ng kaunting ligaya na halos hindi ko naman talaga kailangan, bigla-bigla naman akong makakaramdam ng kalungkutan. At 'yun ang hindi ko talaga maintindihan. The end.
 

3 comments:

  1. anong brand mo sa softdrinks adre? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabihin na lang natin na hindi talaga softdrinks ang tinutukoy ko dito. Hehe! Pero, Sarsi ang trip ko 'pag meron. O kaya, ice cold Coke. Actually, kahit ano naman. :(

      Delete
  2. may point talaga sa buhay natin na parang may hinahanap hanap tayo na hindi naman natin mabatid kung ano. yung tipong may gusto ka then ayaw mo pala. oh diba ang gulo din lols.

    peyborit soda (naks susyal) ko at the moment is Sprite!

    ReplyDelete